What's new

Closed Pang-paestablished Thread

Status
Not open for further replies.

Mr. Stark

Eternal Poster
Ito na naman ako sir Draft para magbigay ng mungkahi at magpa-established na rin pero siyempre pinag-isipan ko naman ito .
Napapansin ko na marami ng nakakapuna sa epekto nung bagong rule para maging established at sa palagay ko kapag nadagdagan pa ang number ng active users hindi magiging maganda ang epekto ng requirement na ito sa forum ibig sabihin kasi nito dadami din ang gagawa ng thread at tataas ang chance na ito ay same topic lang na magre-resulta ng mas maraming less active na threads at mas mahirap na pag-navigate sa mga threads. Ok na yung 30 days old, has at least a number of posts, at para ma maintain ay at least a number of posts din.
Gusto ko sanang magbigay ng mungkahi na imbis na paggawa ng new thread bilang requirement para maging established ay ibase sa kung gaano katagal siya mag-stay at kung gaano karami ang na-visit nyang threads.
Sa opinyon ko, magandang gamiting basihan ng pagiging established ang tagal na nilalaan ng isang user at kung gaano siya ka-active sa forum. Sa tingin ko ay mas magbi-benefit ang forum at ang user sa paraang ito.
Ang nakikita ko namang problema ay ang kaakibat nitong gastos sa oras at resources, gaano ba kahirap ang pag-implement nito at gaano ba kabigat ito sa system kakayanin ba nito o manghihingi ng mas mataas na specs.
Nais ko sanang marinig ang opinyon mo sir Draft tungkol dito, maraming salamat.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top