What's new

Trivia Panahong Kolonyal at Panahon Ngayon sa ating Bansang Pilipinas

R3g4z4k1

Eternal Poster
Established
Joined
Jan 23, 2019
Posts
338
Reaction
2,308
Points
421
Ishare ko sa Rizal lang yung assignment ko na handwritten dito. Wala lang para di masayang efforts kesa naman si Sir lang makabasa diba? 😜😜😜

Kung ako ay ipinanganak noong ika 19 siglo, bilang isang indio, hindi ako mabubulid ng kanilang pang aalipin at pang aalipusta, sa halip ay patuloy akong magsusumikap upang masilayan ang tunay na kalayaan.Tiyak kong magiging kaisa ako sa mga hanay ng mandirigma ng katipunan na handang ibuwis ang aking buhay para lamang sa ikararangal ng ating lahi, ng ating ugat, ng ating pinaglalaban.

Simulan natin sa kapanganakan. Kung ako'y ipinanganak na indio, bilang isang batang walang muwang kundi ang matuto sa kanyang kinagisnan, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang masagot ang aking tanong na "ano ang saysay koa sa mundong ito?". Subalit sa kabila nito, marahil ako'y sapilitang kinakaladkad ng relihiyong katoliko palayo sa katotohanan. Ngunit hindi ako matitinag, kahit na ako'y abala sa pagpapakapagod sa paggawa ng gusali, lansangan o pagbubuhat man ng troso sa pamamagitan ng polo y servicio o prestacion personal, bilang isang polista na walang kakayahang magbayad0 ng falla, kahit na anong paghihirap at pagsubok man ang ibigay sa akin ay hinding hindi ako mapapagod masilayan lamang ang tunay kalayaan at katarungang hinahangad.

Bilang isang indio, tiyak na ang buhay ko'y mapupuno ng paghihirap. Sa paanong paraan? dahil sa patakarang kolonyal. Tanging mga gobernador-heneral, prayle, miyembro ng royal audiencia, mga inulila ng mga kastila at mga kaibigan ng mga opisyal lamang ang may kakayahang lumahok sa kalakalang galyon. Bilang isang indio, tiyak na hanggang panaganip na lamang para sa akin na magkaroon ako ng boleta.

Sisikapin kong maintindihan ang mga bagay na di ko maunawaan. Sisikapin kong makapagaral ng espanyol, palihim man o bilang isang ilustrado kung ako ma'y ipanganak sa lipi ng principalia o mestizo. Ngunit kung ako'y salat sa pinagaralan tulad ni Andres Bonifacio, sisikapin ko pa ring matuto, ipapakita ko ang aking determinasyon, kahit na ako'y maralita patuloy akong magbabasa, matututo at sa panahong may sapat nang kaalaman, aking imumulat ang mga bulag sa katotohanan.

Pagdating naman sa paghahambing, kung ano ang mga problema noong kapanahunan ni Dr. Jose Rizal na hanggang ngayon ay nandito pa rin sa ating panahon tulad ng pangaabuso sa mga katutubong pilipino noon ng mga kastila at pilit na ipinayakap sa kanila ang dala nilang impluwensya. Sa kasalukuyang panahon katulad lamang ng kaganapan noon may mga pagkakataon pa rin na tayo pang mga kapwa pililino ang humahatak pababa sa ating kapwa Pilipino. Tulad na lamang sa masaklap na kinahinatnan nina Andres Bonifacio, Heneral Luna at Feliciano Jocson. Noon, ang mga dayuhang kastila at amerikano ang nangamkam ng ating likas na yaman at ari-arian ng ating mga katutubo.

Ngayon dahil sa kahirapan ay napipilitan na ding magnakaw ang mga pilipino sa kapwa pilipino lara kumita lang o nagnakaw para lang sa sariling kagustuhan, lalong lalo na sa usaping politika kung saan laganap ang kurapsyon at pangaabuso sa karapatang-pantao.
Ngayong kasalukuyan hindi nakukulong ang mga may sala dahil sa pera at kasakiman. Noon ang mga pari ay tinuturing na kasingkapangyarihan ng mga mga opisyal ng pamahalaan.Karamihan sa mga pari noon ay mapang-api at talagang ipangangalandakan ang pahiging makasalanan mo. Mas maimpluwnesiya noon ang mga pari kaysa ngayon. Karamihan sa mga pari noon ay mga kastila o may dugong kastila. Ngayon, dahil sa kalayaang ating natamasa ang mga Pilipino ay may kanya-kanya nang sariling opinyon patungkol sa politika at relihiyon, at dahil na rin sa globalisasyon at modernisasyon, mas napapalawig ang kaalaman ng bawat isa sa pamamagitan ng internet at kompyuter.

Noon, sa pamamagitan ng sistemang bandala, ang mga lupain ng bansa ay hinati-hati sa mga dignitaryo at mga kilalang opisyal na Espanyol. Bawat hati ay pinamumunuan o pinamamahalaan ng isang katiwala na siyang nagpapataw ng buwis sa mga mamamayang sakop nila kapalit ng proteksiyon, pagpapaunlad sa pamamagitan ng edukasyon, at indoktinisasiyon sa pananampalatayang Kristiyano. Ngunit kaagad na lumaganap ang pagmamalabis kung kaya’t unti-unti itong nilimitahan ng pamahalaan.
Naging mahirap ang mga Pilipino dahil nagtatrabaho sila na walang bayad.

Ngayon, ang ating mga magsasaka sa kabila ng kanilang pagod sa pagbubungkal ng lupa at pagsisikap sa ilalim ng tirik na sikat ng araw, tila ba ang kanilang kasipagan ay walang ambag na pag-usad sa kanilang katayuan sa buhay. Bunsod ng mga suliraning dulot ng kalamidad at patuloy na pagtaas ng gastos sa produksyon— presyo ng mga fertilizers, pasahod sa manggagawa, at petrolyo, bumaba ang lebel ng produksyon ng agrikultura sa bansa, hudyat ng kadiliman sa buhay ng mga magsasakang Pilipino. Maliban sa mga ito, pansin din ang banta ng “food crisis” sa bansa, na pinapatindi nang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo bunsod ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Sa kasalukuyang sitwasyon ng agrikultura, tila katambal ng salitang kasipagan ang kahirapan para sa mga manggagawa nito. Sa gitna ng pandemya, ang walang katapusang hamon ng gutom at kahirapan ay pasan araw-araw ng bawat magsasakang Pilipino.

Patungkol naman sa kalagayan ng mga mamamahayag noon, dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at masidhing diskriminasyon ng mga Kastila sa mga Pilipino, nagsilunsad ng mga kilusan ang iilang Pilipinong hindi na sumasang-ayon sa pamamalakad ng mga prayle at pamahalaang Kastila.

Nagsisulat ang mga Pilipino sa panahong ito ng mga panitikang nagrerebolusyon.Nalathala ang mga pahayagang propagandista na pinangunahan ng La Solidaridad noongPebrero 19, 1889 na naglalayong “matamo ang pagbabagong kailangan ng bansang bilangtugon sa kalagayang panlipunan at pang-ekonomiya, maisiwalat ang malubhang kalagayan ng bansa sa ilalim ng pamamalakad ng mga Kastila at upang pairalin ang kalayaan at demokrasya. Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng iba’t ibangsagisag-panulat upang maprotektahan ng mga sarili laban sa mapang-alipustahang Kastila atupang patuloy na makasulat.

Ngayong panahon, hindi pa rin nagbabago ang kalagayan ng mga mamamahayag at manunulat. Karamihan sa kanila ay nalalagay sa alanganin at kung samain ay sa bitag ng kamatayan nakalambitin ang kanilang pangalan. Ayon sa ulat ng Reporters Without Borders na naka-base sa France, isa ang Pilipinas sa may mataas na kaso ng pagpatay ng mga mamamahayag. Nasa ika-limang puwesto ang Pilipinas sa kanilang listahan dahil sa naitalang apat na kaso ng pagpatay sa mga journalists noong 2015.

Makikita ang mahinang katangian ng pagtatanggol sa karapatang pantao sa Pilipinas sa dumadaming bilang ng pagpatay sa mga mamamahayag nang walang pagpapatupad sa pananagutan, sang-ayon sa Human Rights Watch. Lumala ang sitwasyon ng karapatang pantao sa Pilipinas noong 2020. Tuloy-tuloy ang pagpuntirya sa maralita. Ang pulisya at mga di-kilalang lalaking may-baril na konektado sa pulisya ay nagsagawa ng libo-libong extrajudicial killings. Biglang dumami ang bilang ng kaso ng pamamaslang sa panahon ng Covid-19 lockdown, umakyat nang higit sa 50 porsiyento mula Abril hanggang Hulyo 2020 kumpara sa nakaraang apat na buwan. Halos walang nanagot sa mga pagpatay na ito.

Ano mang panahon ay hindi natin kailangan ng makabayang huwad at mas lalong hindi natin kailangan ng makabayang buwaya sa kapangyarihan at ganid sa kayamanan.
Ninanakawan ng katiwalian ang ating mga anak ng kanilang kaligtasan, kalusugan, at edukasyon.
Sinisira ng katiwalian ang ating mga pamilya at pamayanan.
Ninanakawan ng katiwalian ang ating mga magsasaka at manggagawa.
Hinahadlangan ng katiwalian ang mga negosyante na mamuhunan sa ating ekonomiya.
Inaagnas nito ang ating diwa bilang mga indibidwal, bilang mga komunidad, at bilang mga mamamayan. Ang unang kailangang baguhin ay ang ating populasyon. Dapat na tayong makinig sa ating gobyerno na nagsasabi na dapat gawin ang “Family Planning”. Pwede rin tayo gumamit ng mga materiales na nakakatulong sa “Birth Control”.

Ang isa pang halimbawa ng katiwalian ay ang mga taong nagbibigay ng pera para makatakas sa paghuhuli galing sa mga pulis. Ang katiwalian ay isang malaking dahilan para sa paghihirap ng ating bayan.
Dahil sa mga ibang bansa na sumakop sa atin, naging sanay na ang mga Pilipino sa mga tradisyon ng mga ibang bansa. Noong sinakop tayo ng mga Kastila, tayo ay pinagawa ng Polo (Forced Labor). Tayo ay naging masipag dito, ngunit tayo ay nasanay rin sa Siesta ng mga Kastila. Dahil dito, minsan ay nagiging tamad tayo tuwing gumagawa ng ating mga gawain. Isa pang halimbawa ay ang mga Amerikano. Sila ay nagtayo ng isipan sa atin na mas maganda ang mga gamit nila kaysa sa amin. Dahil dito, bumibili tayo ng mga gamit na galing sa ibang bansa dahil sa isip natin ay mas mababa ang kalidad ng mga gamit galing sa Pilipinas. Kapag hindi binibili ang mga gamit galing sa Pilipinas, mas bumababa ang ekonomiya natin.

Ngayong panahon, mas kinakailangan natin ang isang pambansang pamunuan na ngangailangan ng nakabubuting pagbabago para sa mga Pilipino.
Una nating sisimulan ang mga pagbabagong ito sa ating sarili — sa paggawa ng tama, sa pagpapahalaga sa kahusayan at karangalan, pagtanggi sa katamaran at pagsisinungaling, at sa pagpapahalaga sa kapwa higit sa sarili.
Gagawin natin ang mga pagbabagong ito sa kalahatang ibayo ng ating buhay pambansa.

Kailangan ng Pilipinas ang mga taong tapat sa serbisyo at pagmamahal sa bayan. Hindi masama ang makipag-ugnayan sa mga dayuhan tungo sa ating kaunlaran, kailangan ng Pilipinas ang tulong ng ibang bansa upang mapabuti ang ekonomiya sapagkat mayroon silang malaking naiaambag sa ating ekonomiya. Ngunit huwag tayong palilinlang sa mga dayuhan o kapwa man natin kababayan na ang tanging hangad lamang ay kamkamin ang lupain, ang ating dangal, at ang ating buhay.
 

Similar threads

Back
Top