What's new

Panaginip ko kay president duterte

Justareader2

Eternal Poster
Joined
Dec 5, 2019
Posts
1,366
Reaction
180
Points
427
Habang kumakain si duterte ng kanyang pananghalian merón biglang pumasok na grupo ng mga kabataang Chinese. Kinuha ng isa ang fried chicken mula sa plato ni duterte, at yun isa biglang hinablot ang coke na iinumin na sana ni duterte. Nagtinginan ang 2 armadong bodyguards ni duterte at iba pang alalay nya. Sumenyas si duterte na tipong sinasabi "hayaan nyo na, maliit na bagay", sabay tingin sa mahigit limampong armadong Chinese Imperial guards na nasa loob ng malawak na pantry, nagmamatyag, nag aabang ng aksyon. Ilang saglit pa, isang Chinese na lalake na nasa edad 20-25 ang pumasok, hinablot ang fried chicken at coke sa mga naunang kapwa chinese. Pagkatapos makaisang kagat sa fried chicken at makaisang lagok sa coke, ibinalik ito kay duterte at humingi ng pasensya. "No, it's okay, emperor Chong, it's okay. It's an honor to be a guest here in your wonderful home and I enjoyed your delicious food and great hospitality." Siya si emperor Chong Wang, ang pinakaunang emperor ng China simula ng inabdicate ni Puyi ang pagiging emperor ng 1912. Bata pa ito ng naihalal bilang presidente pagkatapos ng biglaang pagpanaw ni dating president Xi JinPing sa hindi malamang kadahilanan. At ngayon nasa edad 25, isa na syang emperor ng China, at kinokonsiderang pinakamakapangyarihang tao sa buong mundo. Habang muling nilantakan ni Duterte ang kanyang fried chicken, kinakausap ni emperor Chong Wang ang kanyang bilyon bilyong viewers sa Tiktok. Sambit nito, walang dapat ikatakot ang mundo sa China dahil patas ito at makatao. Pero oras na sinuway ang kanilang gusto, pasensyahan nalang kasi kung inakala ng lahat na halimaw yun mga dating namuno, wala pa yun sa kayang gawin ng pamahalaan ng bagong emperor, sabay tingin kay Duterte. Tumango tango si Duterte na mejo nahihirapan ng lunukin ang kinakain kaya sinubukan nitong lumagok ng coke para maitulak pababa ang pagkain. Napangisi ang emperor habang pinagmamasdan ang bawat lagok ni duterte...Ang mga huling lagok nito hanggang tuloyan kitilin ang buhay nya ng lasong nilagay ng emperor sa kanyang inuming coke. Habang nangingisay si Duterte humarap ulit ang emperor sa kanyang TikTok sabay sambit, "change is coming."

Moral lesson: Huwag po magtiwala sa China.
 
Last edited:
Di malayong mangyari yang scenario na yan sa ating mga Pilipino, baka madisplaced na tayo ng mga Tsino pag hinayaan natin sila paunti-unti. Dyan nakasalalay ang boto natin sa Halalan 2022.

Andami na kasing sakuna nangyayari sa Tsina ngayon, marumi pa hangin nila, tubig pati lupa. Wala na rin masyadong makuha na yamang dagat nila. Kaya naghahanap sila ng pwedeng pagkunan, na kakaya-kayanin lang nila.
 

Similar threads

Back
Top