What's new

Pampalinaw ng mata

Toph Beifong

Addict
Joined
Aug 7, 2019
Posts
181
Reaction
27
Points
102
Good day mga ka phc. May mga malalabo ba mata dito? May ginagawa ba kayo? Tinetake na supplements para luminaw mata niyo o kahit papano mag-improve yung eyesight? Pataas kasi nang pataas grado ng mata ko lalo pa magkakaron ng online class. 600/600 grado ng mata ko ngayon at malabo na rin kahit nakasalamin. Tataas pa lalo to pag nag start online class. Sana may advise yung mga malalabo mata diyan na unti-unying nag iimprove yung eyesight nila.
 
kain ka carot ts tingnan mo si carot man di malabo yung mata daming kinain na carot nun eh pangalan palang halata na hahaha
 
Mahal kasi ng lasik eh. 90k per mata, bale 180k. Ang gaya kong nabibilang sa poorest of the poor di kayang ma-afford yan haha.
 
[XX='Toph Beifong, c: 295558, m: 1539535'][/XX]
Di ba kapag mataas grado ng mata, pwd na bale magkakaroon ka ng discount sa opera, jk

kidding aside nakakakita ka pa ba nang maayos kapag walang salamin or parang bulag ka na sa sobrang labo?

Malabo din mata ko pero di pa sa point na pwd na ako.
 
Isang advise ng friend ko sakin, wag daw sukat ng sukat ng salamin na di sayo kasi if mas mataas yung grado ng sinukat mo na salamin hahanapin yun ng mata mo, so tataas yung grado mo. 😅🤣 Pero wala akong payo TS, dati from 150 lang grado ko naging 350 within a year, after nun same na lang yung grado ko. Mukhang nagsstop naman yung pag labo ng mata. 😅
 
Pwd na lods pag 500 grado ng mata mo. Pwede kana mag apply for pwd card. Nakakakita pa naman ako kahit papano. Nahahanap ko pa rin yung mga bagay kahit wala akong salamin. Pero sobrang blurred talaga. Di ko kaya nang walang salamin.
 
Kaso sa mga nag la-lasik wala ata silang discount sa mga pwd dahil sa malabong mata. Magkaka discount kalang siguro pag may promo sila.
 
Hindi ako mahilig masukat ng salamin nang may salamin lods. Kasi na try ko 1 time sumakit ulo ko. Mas mababa grado ng mata niya sakin. Problema sa mata ko, hindi siya nag sstop sa pag taas eh. Yung ate ko since elemntary pirmeng 150/175 lang grado ng mata niya. Ngayong 35 na siya ganun parin walang pinagbago.
 
[XX='Toph Beifong, c: 295755, m: 1539535'][/XX]
Mahirap nga yan buti nalang hindi na napunta sa ganyan yung paglabo ng mata ko.

Btw best talaga is mag consult sa Doctor. Kung di kaya try to search sa YøùTùbé may nakikita kasi ako doon mga licensed doctors. Doon mo tignan baka may sagot sa tanong mo kaysa sagot namin eh hindi naman kami doctor.
 
Iba iba kasi tayo ng condition eh, pero siguro mas okay na mag consult ka muna sa doctor kasi baka may something if ganyan na yung nangyayari. The best way na lang siguro is to let your eyes rest sa gadgets, give your eyes time to relax.

Naalala ko lang, sabi ng nanay ko if pagod na yung mata mo irest mo daw ito by looking sa mga green na bagay, pwede sa mga dahon ng puno or anything na green.
 

Similar threads

Back
Top