What's new

Trivia Pakwan benepisyo

Jmrie_

in memoriam 1995-2021
Joined
Aug 21, 2017
Posts
104,956
Solutions
1
Reaction
53,216
Points
27,061
Age
28
Pakwan: Ang Prutas na Mahiwaga
Payo ni Doc Willie Ong

Maraming benepisyo ang pakwan sa ating kalusugan. Heto lang ang ilang mga sakit na matutulungan nito: sakit sa puso, altapresyon, kanser, katarata sa mata, ulcer, singaw, bad breath, constipated, at mahina sa ***.
Bukod dito, marami pang ibang gamit ang pakwan:
1. Mabuti sa kidneys at pantog – Katulad ng buko juice, nililinis ng pakwan ang ating kidneys at pantog. Kung ika’y may impeksyon sa ihi, kumain ng pakwan at uminom ng tubig para mabawasan ang mikrobyo. At kung ika’y may bato sa bato (kidney stones), makatutulong din ang pakwan sa pagtanggal ng bato.
2. May tulong sa gout at mataas na uric acid – Ang katas ng pakwan ay makapagpapababa ng uric acid sa ating katawan. Sa mga may arthritis dahil sa uric acid (gout), kumain ng pakwan. (Paalala: Huwag kainin ang buto ng pakwan.)
3. Mabisang energy drink – Ang pakwan ay sagana sa vitamin B, potassium at iron. Dahil dito, nagbibigay ng lakas ang pakwan. May natural na asukal din ang pakwan na nagpapasigla ng ating katawan.
4. Makaiiwas sa heat stroke – Kapag napakainit ang panahon, puwede tayong mahilo at manghina ang katawan. Ang pakwan ay nagbibigay ng masustansyang katas na nagpapalamig sa ating katawan.
5. Sakit ng ulo – Sa South Africa, tinatapal ang balat ng pakwan sa ulo at sentido para matanggal ang sakit ng ulo.
6. First-aid sa bungang araw – Kumuha ng balat ng pakwan. Palamigin ang pakwan (pagkatapos kainin) sa refrigerator. Ipahid ang loob ng pakwan (pulp area) sa parte na may bungang araw. Maginhawa ito sa balat at nakababawas ng rashes.
7. First-aid sa sunburn at pagkapaso - Kapag napaso ang iyong balat, maganda itong lagyan ng ice o ilubog sa malamig na tubig. Puwede din lagyan ng laman ng pakwan ang parteng napaso.
8. Pampaputi – Alam ba ninyo na may glutathione din ang pakwan? Oo, at ang glutathione nito ay mas marami pa kaysa sa ibang mga prutas at gulay. Ang glutathione ay maaaring makaputi ng balat at nagpapalakas pa ito ng ating immune system.
Napakahaba talaga ang listahan ng benepisyo ng pakwan.
 
🤭🤣
1616236216622.png
 

Attachments

Similar threads

Back
Top