What's new

Help Pahelp naman about Arduino Power Supply

AEZAKMI_12

Eternal Poster
Nagpapatulong kasi kaibigan ko sa Arduino. Eh ang project nila is gusto nilang gamitin na power supply ay yung battery ng motor.
Question lang, pwede ba battery ng motor sa Arduino Uno?

Balak ko na sana bumili nito para idirect na mismo sa arduino yung battery
1671449040209.png
 

Attachments

First, check the voltage of your friend's Arduino. As far as I know, recommended voltage is 12V.
Second, check the voltage rating of your battery. Common naman sa mc battery and 12V.

Kung okay ka na dyan, make sure lang na sapat yung karga ng baterya ng motor kapag gagamitin na nila sa project nila. Ang hirap sa external dc supply eh nauubos.
 
Ang hirap sa external dc supply eh nauubos.
Yup yun nga rin sabi ko, sana nag feasibility study muna sila regarding sa components na kailangan nila. Much better sana if directly sa socket nalang. Gusto kasi nila battery para “portable” daw.

Anyway, possible naman na directly sa battery using that component no?
 
TS, kung portable yung arduino, pwede siya supply-an ng 5v sa USB port, suggestion ko gumamit kayo ng power bank ng cp para rechargable siya.
 
Ang plan kasi nila is magagamit for 3+ days non stop, kaya di ko rin sure if tatagal psg power bank lang

Check nyo yung model ng gamit ninyong Arduino, limited dapat ang external supply current (base sa model).
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Kung ang plano ay 3 days nonstop operation, maglagay kayo ng provision na pwedeng mag-parallel connection ng battery at may isa pang battery na pamalit, kabit muna yung fresh bago tanggalin yung low-bat na.
 
Last edited:
Para sakin kung portability ang purpose, gawa nalang sila ng diy battery storage. Gamit sila ng battery like Gel type battery (ginagamit sa E-bike) o kaya LifePo4 18650 or 32650 na batt.

Tapos lagyan ng buck converter para sa supply ng arduino kasi 5v and 9v yata need na supply ng arduino
 
Last edited:
Para sakin kung portability ang purpose, gawa nalang sila ng diy battery storage. Gamit sila ng battery like Gel type battery (ginagamit sa E-bike) o kaya LifePo4 18650 or 32650 na batt.

Tapos lagyan ng buck converter para sa supply ng arduino kasi 5v and 9v yata need na supply ng arduino
Anong type/model ng buck converter suggest mo boss? Bibili na kasi ako
 
gamit ka nalang stepdown may mga stepdown na di adjustable constant 5v ilalabas. hanggang 12v ang kaya ni arduino ihandle kaso di na sya advisable since magiinit na ng sobra yung voltage regulator nya.
 
Back
Top