What's new

Pagsamba sa mga Imahen Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Gentleman007

Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,098
Reaction
5,528
501100042_univ_lsr_xl.jpg


Ayon sa Catholic News Service, sa isang seremonya sa St. Peter’s Basilica na ginanap noong Marso 25, 2022, tumayo si Pope Francis sa harap ng malaking imahe ni Maria, “nakapikit [siya] at nakayuko habang tahimik na nagdadasal.” “Nakiusap [siya] kay Maria” para sa kapayapaan. Idinagdag pa ng isang report ng Vatican News na “bumigkas ang Papa ng dasal ng Pagtatalaga sa Immaculate Heart of Mary alang-alang sa mga tao, lalo na para sa Russia at Ukraine.”

Ano sa tingin mo? Tama bang magdasal o manalangin sa mga imahen o gamitin ito sa pagsamba? Tingnan ang sumusunod na mga teksto sa Bibliya:

  • “Huwag kang gagawa para sa iyo ng inukit na imahen o ng anyo na katulad ng anumang nasa langit o nasa lupa o nasa tubig. Huwag kang yuyukod sa mga iyon o matutuksong maglingkod sa mga iyon, dahil akong si Jehova na iyong Diyos ay Diyos na humihiling ng bukod-tanging debosyon.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
  • “Ang mga idolo nila ay pilak at ginto, gawa ng mga kamay ng tao. May bibig sila, pero hindi sila makapagsalita; may mata, pero hindi sila makakita; may tainga sila, pero hindi sila makarinig; may ilong, pero hindi sila makaamoy; may kamay sila, pero wala silang pakiramdam; may paa, pero hindi sila makalakad; hindi makagawa ng tunog ang lalamunan nila. Ang mga gumagawa sa kanila ay magiging gaya nila, pati na ang lahat ng nagtitiwala sa kanila.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • “Ako si Jehova. Iyan ang pangalan ko; hindi ko ibibigay kahit kanino ang kaluwalhatian ko, at hindi ko ibibigay sa mga inukit na imahen ang papuri para sa akin.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • “Tumakas kayo mula sa idolatriya.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • “Mag-ingat kayo sa mga idolo.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa sinasabi ng Bibliya sa paggamit ng imahen sa pagsamba, basahin ang artikulong “You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.” o panoorin ang video na You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Baka gusto mo ring malaman ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga paksang ito:

Photo credit: Vincenzo Pinto/AFP via Getty Images
 

Attachments

Asherah Goddess

Established
Ito ang pagkakaintindi ko pagdating sa imahen galing Catholic. The reason why meron imahen galing Catholic ay not in a sense na literal na e-worship ang mismong imahen. Ang explanation patungkol sa imahen ay diba? Imagine? In a real world, ang mga tao na taga Catholic ay siyempre, naniniwala at sumasamba sa God nila at tayo mga tao ay never ever natin nakita kung ano talaga ang itsura ng deity o God mismo sapagkat wala naman nakakaalam kung anong itsura mismo. So based on their imagination na kasama ang tibok ng kanilang puso at damdamin, nag crave o gumawa sila ng imahen na kung ano ang mga itsura nila although hindi naman talaga alam ang itsura nila. Bale, representasyon lamang siya sa nais nilang sambahin o ipagdasal dahil nga diba? Hindi naman nila nakita in real person but hindi imahen talaga ang sinasamba ng Catholic, kungdi mismong hindi nakikita ng mata. Ang imahen ay representasyon lamang na hindi nakikita ng mata.

Example. Ganito.

BTS Korean boy band. E diba? Ang mga fans from the Philippines ay hindi naman nila nakita ang BTS Korean boy band in flesh kungdi nakikita lang sa telebisyon, YøùTùbé video at naririnig lang nila on radio. Siyempre, taga South Korea ang BTS. Ang layo kaya sa bansang Pilipinas so based on imagination na kasama ang tibok ng puso at damdamin ng mga fans, bumibili sila ng photos ng BTS at meron nag ρrø-produce ng BTS photos para sa mga fans.

Iniidolo ba ng mga fans ang photos ng BTS? Hindi. Iniidolo ng mga fans ang hindi nakikita ng mata dahil malayo sa kanila ang BTS- malayo ito sa kanila na only thing na nag re represent sa mga fans ay ang BTS photo.

Gets mo iyon? So hindi ang photo kungdi ang essence mismo ng BTS dahil malayo ito sa bansang Pilipinas, kung kaya meron BTS photos ang mga fans.

Ganyan din ang Catholic pagdating sa imahen. Hindi mismong imahen ang sinasamba ng mga Catholic believers kungdi ang essence ng hindi nakikita ng mata.

Iyon. Sana maunawaan mo ang aking ipinaliwanag.

Ganito kase iyon.

Kapag sinabi idolatry ay sinasamba ang craven images, sculpture, bato or ano pa man ay wino-worship lamang ang isang thing na hindi naman humihinga. Hindi siya representasyon o wala siyang kilalaman na bakit siya ginawa. Ginawa lang siya for the sake of sambahin.

Wala na.

Iyon ang idolatry para sa akin.

Magkaiba kase. Magkaiba. Hindi naman ginawa ang craven images para sambahin. Ginawa ang craven images dahil obviously, hindi nila alam ang itsura ni Jesus Christ, Vlrgin Mary, Saint Joseph at maraming iba. Hindi naman kase nila nakita ang mga iyan in real life kaya sila nakapaggawa ng images para meron man representasyon ng hindi nakikita ng mata.
 
Last edited:
Top