Pag sobrang inisip mo ang tao.

leollleo

Forum Veteran
Elite
Joined
May 1, 2020
Posts
1,959
Reaction
1,325
Points
765
Mga lods,sir,madam may tanong lang ako about ito sa sobrang pag isip ko sa isang tao na sa sobrang pag isip ko sa kanya bigla nya ako napanaginipan 🤔 sa mismong araw na yun.

Ganito po nanyare may kakilala ako year 2016 to 2017 sabihin nalang natin gf ko online di ko pa aya na meet personal sobrang alam namen isat isa at meron akong ginawa sa knyang experimento na sa ganitong oras iisipin namen isat isa sa loob ng 5 minuto at mag meditate nagawa namen cguro yun mga 10x tapos pag matutulog na kame i share namen panaginip namen ayun same kame ng dreams.
So ayun matagal na kame di nag kakausap at nakalimutan ko fb name nya at messenger wala na ako contact sa kanya dahil naging busy.

Year 2020 august 31 birthday ko inisip ko sya ng inisip at inalala name nya sa fb kase di ko talaga matandaan sinearch ko sya sa Twitter,insta at fb at sa YøùTùbé kase tanda ko may banda sya sa madaling sabe buong araw ko inisip sya at inaalala nagulat ako kinabuksan bigla nya ako chinat after ng ilang taon 😨 nagulat ako kase sabe nya " " uy bigla kita na alala kase napanaginipan kitang tinatawag mo ako at nakita kitang di mapakali at panay hawak phone " nagulat ako kase lahat ng sinabi nya sa panaginip nya yun yong ginawa ko mag hapon at nakita nya din ako saan naka upo sa hagdan namen at ito pa never pa nya nakita yong bagong bahay namen.

Huli nya sinabi sakin " cguro inisip mo nanamn ako ng matagal kase na alala ko dati ginagawa natin yun at minsang nangyare iisa lang panahinip natin."

Ayun nakaka mangha lang
Isa nga din pala akong lucid dreamer at nakakapag astral project.

Yong ex ko namn ngayon ang tanong ng tanong sakin bakit daw lagi ako nasa panaginip nya sabi ko naisip ko lang sya cguro. Minsan rin kase para akong nakakapasok sa panaginip ng iba at isa yun sa dahilan bakit kame nag hiwalay.

Salamat sa pag basa.

Tanong sino nakaranas ng ganito dito tingin nyo ok lng bang gawin ito ?
 
Last edited:
posible nga yan, danas ko na din yan. minsan nang aksidenteng nag chat sakin yung taong iniisip ko maghapon and sabi nya napanahinipan daw nya ako. 😅😅😅
 
Powerful ang thoughts and imagination kaya better to think about the things that you want than what you don't want
 
Interesting naman yung ginagawa nyo dati ng gf mo. Totohanin nyo nalang kaya yang relationship nyo ba't online pa? BTW lods, asan yung tanong mo?😄
 
Nakakamangha naman ito. Di ako believer ng kahit anung supernatural. Pero pero kung totoo to, nakakamangha talaga. Sa bagay we cannot find the truth unless we experience it.

Meron din ako kinda pareha na pangyayari noong naniniwala pa ako sa mga supernatural. Mga grade 6 palang ako, napanaginipan ko na may bumubulong sa akin na mamamatay daw yung papa ko. Pag gising ko hinanap ko talaga siya agad ayun natagpuan na namin wala na siyang malay at sadly di sya naka survive. Lumipas ang mga taon nawala na mga paniniwala ko sa mga supernatural, kahit sa Panginoon nawala paniniwala ko I dont know why. Grade 12 ako nadisgrasya ang ama ng classmate ko napanaginipan ko na mamatay daw ama ng classmate ko same panaginip noon. Pagka bukas nabalitaan ko na namatay talaga yung ama ng classmate ko. Sa ngayon tinuring ko nalang na coincident lang ang mga yun.
 
Salamat at nagka idea ako sa future ko.
Btw naniwala din akong may kakayahan ang utak at pag iisip ng isang tao na macocontrol ang gusto nito.
 
totoo yan, based din yan sa bible,
remeber joseph the dreamer story, search it para malaman nyo, gift ni Lord yan, gamitin natin sa kabuthan, may blessing si Lord kasi bibihora ang ganyan gift :)

question lng ts, na try mo na ba managinip ng isang nangyari sa kasalukuyan? at nagkatotoo?
 

Similar threads

Back
Top