What's new

Closed Pag di kana masaya dapat ba na bumitaw ka?

Status
Not open for further replies.

-Kyle-

Eternal Poster
Joined
Oct 1, 2014
Posts
575
Reaction
384
Points
280
Nabasa ko lang sa fb

My aunt is 46 years old, no boyfriend, husband or kids. Has a stable job, 2 story house, fancy cars and businesses since nanggaling siya sa may kayang pamilya. She's more than an aunt to me, she's the baddest bestfriend ever. Last night when we're a having a shot of tequila, at around 12 am, I had the most sincere talk with her kasi she loves jokes all the time. I asked her, "Mommyow? bakit di ka nag asawa?" She then laugh and pabiro niya kong hinampas, but the next thing, sumakit ****** ko ng makita kong pasimpleng tumutulo luha niya.

"I had a boyfriend once, when I was in highschool, almost 3 years niya ko niligawan and we were happy until we finished college, andon na e, babies, house, travel na pinangarap namin but as we're growing older na realize kong, I want more than what he ever give to me. I thought I was having less than I deserve because architect nako that time and siya dalawang take na ng board exam di parin nakakapasa. I felt bad about him having inconsistent jobs, I saw him working early in the morning and going home late at night, I saw him struggling in his life so hard and dumating sa point na napagod ako kakahintay sa sinasabi niyang "SUCCESS" so I left. Hindi ko alam why I did that, sarili ko lang inisip ko, sarili ko lang inintindi ko. Even though that time lagi siyang busy he still manage to bring me food and flowers, he made a lot of letters for me na ngayon ko lang na appreciate. Nabulag ako dun sa "PAG HINDI KANA MASAYA, UMALIS KA" but I was so wrong. Hinayaan ko siya noong maghintay sa labas ng opisina kahit umuulan or kapag sobrang init but he still patiently waits just to talk to me or to see me going home safe and secured. I shout at him, throw things at him kasi naiinis ako sa presensiya niya. Until one day natanggal na naman siya sa trabaho, mas lalo akong nawalan ng ganang makipagbalikan, nakita ko pa siyang lasing sa isang beerhouse non kasama mga peers ko, hiyang-hiya ako dahil tinutukso nila akong ganitong klase ng lalaki ang "standard" ko. Kinamumuhian ko siya, mura ako ng mura sa sarili ko kung bakit ko siya pinatulan noon, parang naubos lahat ng pagmamahal ko dahil hindi siya naging katulad ng sinabi niya, hindi siya naging successful kagaya ko, which is ONE OF THE BIGGEST MISTAKES IN MY LIFE. Naghanap ako ng iba, but it didn't worked out, his family don't like me, unlike sa ex kong kulang nalang don ako tumira. Sa kagustuhan naming ipagpatuloy ni Harry kahit hindi pwede, minabuti naming itago. Booze and night life everywhere, sumaya ako ng panandalian, akala ko siya na, laging hatid sundo ako ng kotse, mamahaling restaurant, lahat lahat ng luho ko nabigay niya. Until one day, di niya na ko kinausap, bigla nalang siyang naglaho, pinuntahan ko siya sa bahay nila, umuulan non, f*ck di man lang ako pinagbuksan ng gate ng mga magulang niya, di man lang sinagot ang tanong ko. Sigaw ako ng sigaw sa labas ngunit wala ni anino niyang nagpakita. Umuwi akong umiiyak tawag ako ng tawag sa kanya pero wala nakong narinig after that. Hanggang sa I've heard from a common friend na, magpapakasal na pala siya. Ang sakit sakit, hindi ko alam, iniwan ko yung lalaking mahal na mahal ako sa lalaking binasura lang ang pagkatao ko."

That time, di ko lubos maisip na yung taong tawa lang ng tawa lagi, ganito pala kahirap ang pinagdaanan.. Nakita ko kung pano umiiyak ang tita ko, ang sakit sakit dahil ngayon ko lang siyang nakitang ganito. She shooked her head on my shoulder while sobbing. Naisipan kong magtanong ulit. "Mommyow? Asan na yung first love mo?"

--"Masaya na siya'

**** pre damang dama ko yung kirot dahil walang tigil na tumutulo luha niya habang sinasabi yan.

"Di ako umuuwi sa bahay nung kami pa ni Harry, may apartment akong binigay niya sakin pero iniwan ko lahat ng tuluyan niya nakong iniwan. Galit na galit sakin mga magulang ko dahil di ako umuuwi, di rin ako nag tetext, pinapasabi ko lang sa kapatid ko na ok ako at walang problema. When I get back home after ilang months, sobra kong pinagsisisihan lahat. My mom told me Isaiah my first love umalis na ng Switzerland, dahil may magandang offer ng trabaho sa kanya don, halos magwala ako sa bahay ng malaman kong wala na siya, di lang naman ako nagpaalam, wala akong ginawa, ang ***** ***** ko. Araw araw si Isaiah sa bahay nung di ako umuuwi, naghihintay sakin, inayos niya ang napakagulo kong kwarto, naglilinis ng bahay, pinag luluto mga paborito ko baka sakali daw isang araw umuwi ako, unuwi samin..balikan ko siya.. Pero di ko ginawa. Gusto ko ng mamatay nong mga oras na yun. Feeling ko wala akong kwentang tao, di naman ako ganito dati, di ko to gusto. Si Isaiah lang mahal ko, siya lang."

Mga ilang buwan akong di halos kumakain, di rin lumalabas ng bahay, I quit my job, i quit seeing my friends who hated Isaiah. I started talking to my friends back in highschool na kinalimutan ko nung naging architect ako. Lahat ng kaibigan ko noon, tropa ni Isaiah. Kaya it reminds me of him everytime. Binibisita nila ako, kinocomfort.

Unlike my recent friends. Kinuwento nila sakin kung gano ka miserable buhay ni Isaiah nung wala ako. Bumalik siya sa bisyo. Ang lupang binili niya para patayuan sana ng bahay namin, binenta niya, lahat lahat. Ang laki ng pagsisisi ko, di sapat buhay ko para pagsisisihan lahat ng ginawa ko sa kanya. Until isang araw inalok ulit siya ng daddy niyang sumama nalang sa Switzerland kasi madaming opportunities dun, kaya umalis siya. Ilang beses siyang inalok ng daddy niya noon pero di siya sumama kasi ayaw niyang iwan ako. Pinagpalit niya lahat para sakin, at nagawa ko paring maghanap ng iba.

Simula noon ganon nalang buhay ko. Lagi kong hinihintay si Isaiah. Kahit pitong taon na ang nakalipas. Nandito parin ako nagbabasakali. Hanggang sa isang araw habang nagdidilig ako sa labas, may mailman na nanag tanong sakin.
" Dito ba nakatira si Luna *****?"

Ako nga. Bakit?

"Maam may sulat po kayo galing labas"

Di ako makagalaw that time. I knew it was Isaiah! Sa sobrang saya ko, binigyan ko ng 500 ang mailman, malaki na yon dahil 1990's pa. Dali dali akong pumasok ng kwarto, nilock ko ang pinto at binasa ang sulat para sakin. Naalala ko pa non nakalagay ang lugar, Geneva, Switzerland.

To my ever dearest Luna,
I miss you so bad, I'm sorry di kita nahanap bago ako maka alis. Pasensiya ka na kung hindi mo ko magawang ipagmalaki noon. Pasensiya na kung puro kahihiyan lang binibigay ko sayo. I'm sorry kasi napagod ako kakasuyo sayo. Nakita ko kasing nabibigay ni Harry lahat ng di ko mabigay kaya kahit masakit, hinayaan kita. Mahal na mahal kita Luna, I'm sorry if I didn't reach my dreams immediately unlike yours na sobrang successful na. I'm now working at a big firm in switzerland and yes, engineer nako luna. Head engineer na. All of what I've become today is from you, kung di moko pinagpalit siguro di ko mahahanap worth ko, kung di moko iniwan, siguro hanggang ngayon "ganon" parin ako, kung di moko binasura, di sana ako ganito ngayon. What you've done to me became my strongest weapon to continue reaching "OUR" dreams, na ako nalang mag isa ang nakahawak ngayon. I've already visited Beijing, Bangalore, Russia, Germany, Paris, Dubai, California, Hawaii, Japan, Korea and Vatican. Remember them? All of these places are your dreams, kaya pinangako ko sa sarili kong bago kita tuluyang bitawan, pupuntahan ko lahat ng gusto mo. And I did Luna, I did everything. It's been 7 years and 8 months since I left Philippines and ikaw? Nandito ka parin sa puso ko pero hindi na enough para tuluyan pa kitang guluhin kasi alam kong mas masaya ka kung wala ako. Luna? I'm getting married next month, her name is Roselle. Roselle was there at my darkest, nong failure ang tingin ng lahat sakin, kahit ang tanging taong naniwala sakin noon, tinalikuran ako.. IKAW. Roselle made me feel special in every way she could, she loved me when I had nothing, she believed in me when I can't even believe in myself. She sees the mess in me but still loves me anyway. I don't even deserve this kind of love kasi basura lang naman ang tingin ko sa sarili ko pero siya? Di tiningnan kong anong meron lang ako, di niya ko iniwan kahit mismo sarili ko sinukuan ko na. Luna? Thankyou for everything, kasi kung di dahil sayo, di ko talaga mahahanap sarili ko. This'll be my last letter. Thankyou Luna. I wish you the best in life my best architect! Good bye.

--

'Walang alam si Isaiah na di ako nag asawa, na di na ko architect, na hindi ako masaya. Pero okay lang, ang importante masaya na siya, di man ako ang nasa tabi niya ngayon, tama na, basta nasa tamang tao na siya. Kaya kapag may nagtanong kung bakit di ako di nag asawa, tinatawanan ko lang pero wala silang alam.. ang tunay kasing pagmamahal, di basta basta nakakalimutan. Hindi ko na hihintayin si Isaiah pero siya lang ang mahal ko, mahal na mahal ko siya hanggang ngayon kahit ilang taon pa ang dumaan. Don na siya nag settle sa Switzerland, friend kami sa Facebook at may 3 na siyang anak. Ako sana yun, kung naghintay lang ako. Kaya ikaw Belle, gusto kong maghanap ka ng lalaking mamahalin ka ng totoo di lang dahil sa he can give you everything, but find a man who truly has nothing but will sacrifice everything for you. My Life is a lesson. I hope you'll learn something."

-
I slept at my tita's room after that kasi lampas 3:30 am na yun.

Wherever Mr. Isaiah is right now, I hope you remember my Aunt Luna, because she never cease to love you, everyday.
 
OMG sobrang tagos naman to sa puso :( Ang dami kong natutunan sa story na to.

Para sa akin you don't let go of the love you finally found. Hindi mo na kase makikita or mararamdaman yun anywhere else. Baka sa huli ang pagsisisi.
 
Last edited:
OMG sobrang tagos naman to sa puso :( Ang dami kong natutunan sa story na to.

Para sa akin you don't let go of the love you finally found. Hindi mo na kase makikita or mararamdaman yun anywhere else. Baka sa huli ang pagsisisi.
Tama po kaya dapat na ma appreciate nyo ung tunay na nag mamahal sa inyo, pag nandyan na wag na bitawan pa
 
ano kaya ekspresyon nun ni luna pagtapos basahin yung letter?
grabe tong kwento na to... nakakadepress...


Nakakadepressed when you make the wrong move, when you make the wrong dec
Tama po kaya dapat na ma appreciate nyo ung tunay na nag mamahal sa inyo, pag nandyan na wag na bitawan pa


Tama ka din Kyle. Though here is the biggest question, you don't let go of the love you found, but what if they let go of you? OUCH ang sakit isipin :(
 
medyo naka relate ako dito.. from my past relationship waaaaay back pa. 😭😭

"Sometimes things need to be let go of.
If it's meant to be, you'll find each other again."


kaso hindi eh.. 😢
geez.. nakakadepress
 
like they always said, a coin has always its two sides.
whatever you chose after flipping it will affect your life one way or the other.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top