What's new

Closed Pabili ng karayom (horror story)

Status
Not open for further replies.

Jmrie_

in memoriam 1995-2021
Joined
Aug 21, 2017
Posts
104,956
Solutions
1
Reaction
53,216
Points
27,061
Age
28
PABILI NG KARAYOM
ni Martin Tristan M. Carneo

“Pabili po! Pabili po! Pabili po!” sabay-sabay na sigaw ng siyam na taong gulang na si Anna.

“Nandiyan na. Saglit lang!”

Lumabas si Aling Gracie na nagpupunas ng kamay gamit ang isang kulay berdeng labakara. Naghuhugas kasi siya ng mga pinggan at kaldero.

“Bakit ka ba sigaw ng sigaw, ineng? Isang tawag lang, ayos na. Hindi naman ako bingi.”

Nakangiti lamang ang batang babae.

“Oh, ano bang bibilhin mo?”

“Pabili po ng karayom. Dalawa po.” Malakas at matining ang boses ni Anna, punung-puno ng enerhiya.

“Karayom?” biglang nagusot ang noo ni Aling Gracie. “Naku, hindi mo ba alam na masamang bumili ng karayom sa gabi?”

“Po?” tanong ng bata.

Pinatunog ng tindera ang kanyang dila sabay iling. “Masama ang bumili ng karayom sa gabi, ineng. Mabubulag ka.”

Nakatunganga lamang si Anna sa sinabi ni Aling Gracie.

“Bukas ka na lamang bumili, ha.” Tumango-tango ang matanda at ikinumpas ang kanang kamay sa bumibili. Pagkatapos ay pumasok na ito sa loob ng kanilang bahay.

Nakasimangot na umuwi si Anna.

“Oh, nasaan ang ipinabibili kong karayom?” tanong ng kanyang ina na nakataas ang isang kilay.

“Eh, inay, hindi po ako pinagbilhan.” Hindi makatingin si Anna sa kanyang ina. Nakatitig lamang siya sa mga daliri niya sa paa.

“Ano?” biglang tumaas ang boses ng babae. “Bakit daw?”

“Inay, masama daw pong bumili ng karayom sa gabi. Mabubulag daw ako.”

Napanganga ang ina ni Anna. Para bang nakakita ng isang nakakadiring bagay.

“Pambihira naman!” bulalas ng babae. “Sa panahon nating ito na may mga cellphone at Facebook, meron pa palang naniniwala sa mga pamahiin?”

Biglang natawa ang nanay ni Anna, dahilan upang mapatingin ang bata sa kanya.

“Oh sige, magsipilyo ka na at oras na rin ng tulog mo. Maaga pa ang pasok mo bukas.”

Mabilis na tumalima si Anna at dumiretso sa palikuran. Sa kanyang mga labi ay nanumbalik ang ngiti.

Pumasok naman ang kanyang ina sa silid nito at marahang ipininid ang pinto. Pagkatapos ay isinara niya ang isang kinakalawang na bolt lock upang masiguradong walang makakapasok sa kanyang kwarto.

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorrorphc.onl/#forbidden#)

Lumuhod siya sa harapan ng isang maliit na lamesa kung saan nakalatag ang kanyang mga gamit.

“Pambihirang tindera ‘yan,” mahina niyang sabi. “Bibili lang ng karayom, mabubulag na kaagad? Paano kung kailangang-kailangan mo ng karayom?”

Dinampot niya ang isang maliit na manika mula sa lamesa. Pagkatapos ay kinuha niya ang isang hairbrush na kinulimbat niya mula sa bahay ni Aling Gracie noong bumisita sila sa bahay ng matanda. Kinuha niya ang ilang pirasong buhok na kulay puti mula sa hairbrush at mabilis na itinali sa may ulunan ng gusgusing manika.

Isang panalangin ang binigkas niya sa wikang Latin. Pagkatapos ay dinampot niya ang isang maliit na kutsilyo.

“Mabubulag pala, ha,” nakangiti niyang sabi. “Pwes, heto ang nararapat sa’yo na mapaniwalain sa mga pamahiin.”

Mabilis niyang itinarak ang hawak na kutsilyo sa dalawang mata ng munting manika.

Isang malakas at nakapanghihilakbot na sigaw ang gumising sa kanilang mga kapitbahay.
 
kasi nga ts, napalakas yung pagsaksak niya dun sa mata nung voodoo doll. kung dahan-dahan sana, eh di hindi siya nakabulahaw sa kapitbahay.

Korni pa din.
KitKat Out.
 
Wala na po gusto mo pa ba ng gantong horror? Wala kasi may gusto e
wala naman nagsasabing walang may gusto ts. okay yan, pampatay oras habang nagrereview ako. karamihan kasi sa mga post dito puro internet tricks. maiba naman. At, kitkat is my favorite chocolate of all time hehe.. pampadami ng brain cells.

KitKat Out.
 
wala naman nagsasabing walang may gusto ts. okay yan, pampatay oras habang nagrereview ako. karamihan kasi sa mga post dito puro internet tricks. maiba naman. At, kitkat is my favorite chocolate of all time hehe.. pampadami ng brain cells.

KitKat Out.
Wow kaya pala talino mo
 
Wow kaya pala talino mo
hindi ko naman sinabi na matalino ako.. or nilalait mo ako? hahaha.. wala lang maka-kuwentuhan ng ganitong oras, kaya masipag magreply sa kung ano-ano.. plus, nagagamit pa natin yung imagination natin sa bawat topics. so helpful din.
 
hindi ko naman sinabi na matalino ako.. or nilalait mo ako? hahaha.. wala lang maka-kuwentuhan ng ganitong oras, kaya masipag magreply sa kung ano-ano.. plus, nagagamit pa natin yung imagination natin sa bawat topics. so helpful din.
Hinde yan micro aggression boss
 
wow thank you. ahaha.. pero frustrated "writer" talaga ako. nalihis lang sa profession ko. angas kaya maging writer, lalo na mga fiction at mga short stories tulad niyan at nung short love story kanina.
Sayang naman boss baka pwede ka mag sulat ng kwento diyan para mabasa namin
 
Anu kaya meaning ng pamahiin nayan hihihi sige po miss ganda. Post and i will like you.
noong panahon na wala pang kuryente..lampara o kandila lang ang gamit na ilaw sa mga tahanan kaya bahagyang madilim....

maaari kang matusok ng karayom kapag gagamit ka nito (kaya sinabing mabubulag)

at para maiwasan ay wag bibili o gagamit ng karayom sa gabi
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top