What's new

Trivia PABALAT NG NOLI ME TANGERE

PHC_Taong-BATO

꧁ ⭐⭐🏆⭐⭐ ꧂ 🅰🅽🅶 🅰🅻🅰🅼🅰🆃 🅽🅶 🆂🅰🅶🅸🅽🅶
Joined
Mar 25, 2015
Posts
10,509
Reaction
13,521
Points
3,747
Have you ever wondered kung ano ang meaning ng mga nakalagay sa Cover ng Noli Me Tangere (Touch me Not)? So let's get started!
Ang pabalat ng Noli Me Tangere ay idinisenyo mismo ni Rizal para sa kaniyang nobela.
Pinili ni Rizal ang elemento na ipapaloob niya rito, hindi lamang sa aspektong astetiko ang kaniyang naging konsiderasyon - higit sa lahat ay ang aspekto ng "simbolismo"
Ang magkabilang triyangulo na inyong makikita sa pabalat na hinahati ng pamagat ay kumakatawan sa dalawang magkaibang kapanahunan.
"Ang Kapon at Ang Hinaharap ng Bayan."
Mga kahulugan ng mga SIMBOLISMO:
Ang triangulo ay isang paglalarawan ng mga elemento na bumubuo ng panlipunang realidad sa kapanahunan ni Rizal.
Kahulugan ng SIMBOLISMO sa kanang bahagi:
1. PAA NG PRAYLE - Inilagay ni Rizal sa pinaka-ibabang bahagi ng tatsulok ang paa ng prayle, ipinapahiwatig nito kung sino ang pinakabase at tunay na nagpapalakad ng bayan. Ang Sapatos naman ang nagpapahiwatig ng pagiging "maluho" ng mga prayle at ang "pagtalikod nila sa aral ni kristo".
Ang nakalabas na binti sa ibaba ng abito at ang mga balahibo ay nagpapahiwatig naman ng "kalaswaan" ng pamumuhay ng mga prayle.
2. Helmet ng Guardia Sibil - Ito ay simbolo ng kapangyarihan ng kolonyal na hukbong sandatahan na nang-abuso sa karapatang pantao ng mga Pilipino sa kanyang kapanahunan.
3. Latigo ng Alperes - Ito ay simbolo ng kalupitan ng opisyal ng kolonyal na hukbong sandatahan. Maging si Rizal ay personal na naging biktima ng latigo ng Alperes. Ang paglalagay ni Rizal ng latigo ay nagpapahiwatig na hindi niya malimutan ang ginawang pananakit sa kanya ng alperes ng Calamba noong kanyang kabataan.
4. Kadena - Inilagay ni Rizal ang kadena bilang simbolo ng kawalan ng kalayaan ng mga Pilipino sa ilalim ng pamumuno ng mga Kastila.
5. Suplina (Pamalo sa Penitensiya) - Ang Suplina ay ginagamit ng mga mapanata sa kolonoyal na simbahan upang saktan ang kanilang mga sarili dahilan sa kanilang paniniwala na ito'y makapaglilinis sa kanilang mga nagawang kasalanan. Sa paningin ni Rizal, ang pananakit at pagpapahirap ng mga guardia sibil sa mga Pilipino ay hindi pa sapat para sa kanila, kailangan pang sila na mismo ang magpapahirap at manakit sa kanilang mga sarili.
7. Punong Kawayan - Ay isang mataas ngunit malambot na puno na kadalasang sumasabay lamang sa ihip ng hangin. Inilagay ni Rizal ang larawang ito upang ipakita ang pamamaraan ng mga Pilipino sa pakikibagay sa mga nagaganap na kalupitan at pagsasamantala ng mga Kastila sa kanilang lipunan.
8. Lagda Ni Rizal - Pansinin na inilagay ni Rizal ang kaniyang pangalan sa triangulong nakaukol sa kaniyang kapanahunan. Alam ni Rizal na siya ay kabilang sa kapanahunan na kaniyang inilalarawan.
Kahulugan ng SIMBOLISMO sa Kaliwang Bahagi:
1. Bulaklak ng sunflower - Ang sunflower ay isang natatanging bulaklak na may kakayahan na sumunod sa sikat ng araw. Sinisimbolo nito ang mga "Pilipino na naliliwanagan" sa pamamagitan ng pagbabasa ng Noli Me Tangere ukol sa mga ginagawang pagsasamantala ng mga kastila. Iniligay ni Rizal ang bulaklak ng sunflower na ito sa layunin na maging halimbawa ng kaniyang mga mambabasa na sundan at ipagpatuloy ang pagbabasa ng kaniyang nobela, na sa kapanahunan ay ninanais ni Rizal na maging liwanag ng kaniyang bayan.
2. Simetrikal na sulo - samantala ang sulo naman ang nagsisimbolo ng Noli Me Tangere na nagbibigay ng liwanag o kamalayan sa mga tao. Pinapahiwatig nito ang pagtatapos ng kamangmangan at simula ng panibagong uri ng pamumuhay na hindi magpapaapi sa mga kastila.
3. Ulo ng Babae - ang sinisimbolo ng ulo ng babae ay walang iba kung hindi ang "INANG BAYAN" kung mapapansin ito ay malapit sa pinag-uukulan niya ng paghahandog sa nobela. Ang "A Mi Patria" na malapit sa ulo ng babae ay nangangahulugang "Inang Bayan" kung isasalin ito.
4. Krus - ang Krus ay siyang simbolo ng pagiging relihiyoso ng mga Pilipino. Mapapansin na inilagay ni Rizal ang krus sa halos pinakamataas na lugar ng pabalat, ito ay para ipakita na Diyos ang nasa itaas ng lahat ng mga bagay. Simbolo rin ito ng paggamit ng mga kastila ng relihiyon sa pananakop.
Pansining mabuti, na bago ang krus ay makikita ang supang ng kalamansi. Ano ang kahalagahan ng supang ng Kalamansi at isinama ito ni Rizal bilang elemento sa pabalat ng kanyang nobela?
Isa sa laganap na paniniwala natin ang kalamansi ay mahusay na sangkap sa paglilinis. Ang masakit na katotohan, ang paglalagay ni Rizal ng supang ng kalamansi sa tabi ng krus ay isang mataas na anyo ng kaniyang insulto para sa kolonyal na Katolisismo na umiiral sa kaniyang kapanahunan.
5. Dahon ng laurel - ang dahon ng laurel ay napakahalaga sa matatandang sibilisasyong kanluranin. Ito ay ginagawang korono para sa kanilang mga mapagwagi, matatapang, matatalino, at mapanlikhaing mamamayan. Isang paglalarawan ni Rizal na kaniyang pag-asa na ang mga kabataang Pilipino ay pipitasin ang mga laurel na ito upang gawing korona ng Inang Bayan. Ang dahon ng laurel na nagpapahiwatig ng korona ay sumisimbolo ng kapurihan at karangalan ng ating Inang Bayan.
"Ako'y mamamatay na hindi man lamang nakita ang maningning na pagbubukang liwayway sa aking bayan. Kayong makakakita, salubungin ninyo siya at huwag kalilimutan ang mga nalugmok sa dilim ng gabi" - Elias (Noli Me Tangere)
[Gloxinia DWWOM]
Source:
www(dot)slideshare(dot)net

artworks-000094967822-ryukfq-t500x500.jpg
 

Attachments

Similar threads

Back
Top