What's new

Closed Paano pumuti ulit ang white shoes na may yellow

Status
Not open for further replies.

ralphjd

Honorary Poster
Joined
Jan 13, 2017
Posts
365
Reaction
114
Points
194
Ito proven and tested ko na ito. Marami na talaga akong natry para lang pumuti ulit yung white sneakers ko na nag kukulay yellow na.

Pinaghalo ko na nga ****** panlaba na powder, baking soda, toothpaste, kalamansi, at vinegar. Pinatos ko na nga pati whitening lotion, facial wash, at eskinol kasi bawal daw yung ******* na 70% hahaha pero wala pa rin eh.

Kaya nagtry ako ulit. Nabasa ko na effective daw ang hydrogen peroxide. Nag search ako at nalaman ko na ang agua oxigenida ay may hydrogen peroxide pala. Kaya bumili ako. Dalawa naman kaseng klase 3% at 6%. Binili ko yung may 6%. Ayun ngayon unti2x nang pumuti ulit sneakers ko.

Wala akong hinalo kahit ano inapply ko lang agad pero konti lang. Mga after 5 hrs nilalagyan ko nang paulit2x.

Try nyo wala namang mawawala eh at isa pa ang pinaka malaking Agua Oxigenada yung 100 ml is less than 50 pesos. Magkaiba ang presyo ng 3% at 6%. Yung 3% mga 30+ pesos siguro tpos yung 6% is 42 pesos ata. Sa Watson nga pala ako bumili

Sana makatulong :)
 
Very informative pero meron sa mga shoe store sa mga malls 99 pesos per bottle spray lang good for 1 month na.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top