What's new

Help Paano palakasin si Globibo Prepaid WiFi (ZLT S10G)?

Yuchubeer

Addict
May nagtanong na dito kung paano palakasin pero magtatanong lang ako ulit kasi: 1. kulang yung sagot sa tanong at 2. sinubukan ko nang gawin yung suggestion at alam kong tricks pero wala talaga. Nagbasa-basa na rin ako dito tungkol sa pagkalikot sa router, pero natatakot akong subukan yung ibang medyo advanced dahil baka mapaano yung 999 pesos na ginastos ko.

Untitled.png

Eto yung ss ng wifi UI at speedtest mga bandang 12:30 ngayon. 4 bars naman siya (di makasagap ng 5 bars dito samin), di ako kalayuan sa router (di nga lang posible yung LAN cable kasi bitin), at sigurado akong wala nang traffic dahil tulog na halos lahat ng mga tao dito samin (globe lang yung available na network). Mabagal pa rin sa ineexpect ko (expected ko 3-5Mb/s lalabas), pero sinubukan ko pa rin kung tama ba yung DL speed sa speedtest na app.

Untitled1.png

Voila! kahit hatinggabi na, hindi to pumalo sa 100kbps yung dl speed sa IDM. Pinakita ko rin yung netlimiter para ebidensiya na IDM lang gumagamit ng data. Pero yung downlink rate sa wifi UI, naka 0.66Mb/s. Bakit ganun?

May nagrecommend sa unang nagpost nito na ichange daw yung band. apat na bands nakacheck sakin (3, 28, 40, 41). dapat ba pumili lang ako ng isa doon? Naka default apn lang ako (athome.globe.com.ph), dapat ba palitan?

Pahelp naman mga lods baka alam niyo kung papano to papabilisin. Mas mabilis pa yung pagong kaysa dito 😭
 

Attachments

isang band lang meron dito yung 41 lang, yan na band na rin yung ginagamit ko ngayon at kanina noong nagtest ako (pakitingin sa ss). mejo malakas na siya ngayon nag 3MBps na pero puyat naman kapalit 😪
 

Similar threads

Back
Top