What's new

Paano Nagsimula ang Uniberso at ang Buhay?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,552
Reaction
7,213
Points
2,569
“Ang siyensiya na walang relihiyon ay pilay, ang relihiyon na walang siyensiya ay bulag.”—Albert Einstein.

SA PANAHON natin nangyayari ang mga kagila-gilalas na bagay sa antas na hindi pa naganap noon. Napipilitan ang mga astronomo na baguhin ang kanilang pangmalas hinggil sa pinagmulan ng ating uniberso dahil sa bagong mga tuklas sa kalawakan. Namamangha ang maraming tao sa uniberso at nagbabangon ng sinaunang mga katanungan dahil sa ating pag-iral dito: Paano umiral ang uniberso at ang buhay at bakit?

Kahit na ibaling pa natin ang ating pansin sa ibang bagay—sa atin mismong sarili—ang kamakailang masugid na pagsisiyasat sa henetikong kodigo ng tao ay nagbabangon ng mga tanong na: Paano nalalang ang katakut-takot na dami ng mga anyo ng buhay? At sino ang lumalang sa mga ito, kung mayroon man? Ang labis na pagkamasalimuot ng ating henetikong kayarian ang nag-udyok sa pangulo ng Estados Unidos para sabihin na “nalalaman natin ang henetikong kodigo ayon sa paraan ng pagkalalang ng Diyos sa buhay.” Isa sa pangunahing mga siyentipiko na kasama sa pag-aaral ng henetikong kayarian ng tao ang may kapakumbabaang nagsabi: “Kakaunti pa lamang ang natutuklasan natin tungkol sa impormasyong nasa ating mga gene mismo, na Diyos lamang ang nakaaalam noon.” Subalit nananatili ang mga katanungan—paano at bakit?

“Dalawang Bintana”

Sinasabi ng ilang siyentipiko na ang lahat ng galaw ng uniberso ay maipaliliwanag ng makatuwirang pag-aanalisa, anupat walang puwang para sa karunungan ng Diyos. Subalit maraming tao, kasali na ang mga siyentipiko, ay naaasiwa sa pangmalas na iyan. Sinusubok nilang unawain ang realidad sa pamamagitan ng pagsusuri kapuwa sa siyensiya at relihiyon. Inaakala nila na ipinaliliwanag ng siyensiya kung paano naganap ang pag-iral natin at ng uniberso, samantalang pangunahin namang ipinaliliwanag ng relihiyon kung ano ang layunin ng pag-iral nito.

Bilang pagpapaliwanag sa dalawang paraang ito, ganito ang sabi ng pisikong si Freeman Dyson: “Ang siyensiya at relihiyon ay dalawang bintana na siyang sinisilip ng mga tao upang maunawaan ang malawak na uniberso.”

“Binibigyang-pansin ng siyensiya ang tiyak na sukat at bilang ng mga bagay, binibigyang-pansin naman ng relihiyon ang di-masukat, di-mabilang at di-malirip na mga bagay,” ang sabi ng awtor na si William Rees-Mogg. Ang sabi niya: “Hindi mapatutunayan o mapabubulaanan ng siyensiya ang pag-iral ng Diyos, kung paanong hindi mapatutunayan o mapabubulaanan nito ang anumang moral na pamantayan o artistikong ideya. Walang pangangatuwiran sa siyensiya na ibigin ng isa ang kaniyang kapuwa o igalang ang buhay ng tao . . . Ang mangatuwiran na walang umiiral na bagay na hindi mapatutunayan sa makasiyensiyang paraan ang pinakahangal sa lahat ng pagkakamali, na mag-aalis sa halos lahat ng bagay na pinahahalagahan natin sa buhay, hindi lamang ang Diyos o ang intelektuwal na kakayahan ng tao, kundi ang pag-ibig at tula at musika.”

Ang “Relihiyon” ng Siyensiya

Malimit na waring nakasalig ang mga teoriya ng mga siyentipiko sa mga palagay na nakakatulad ng pinaniniwalaan nila mismo. Halimbawa, kung tungkol sa pinagmulan ng buhay, karamihan sa mga naniniwala sa ebolusyon ay sumusunod sa mga ideya na nangangailangan ng paniniwala sa ilang “doktrina.” Nahahaluan ng mga teoriya ang makatotohanang mga bagay. At kapag ginamit ng mga siyentipiko ang impluwensiya ng kanilang awtoridad upang igiit ang bulag na paniniwala sa ebolusyon, ang totoo, sinasabi nila: ‘Hindi ka mananagot sa iyong moral na paggawi sapagkat ikaw ay bunga lamang ng biyolohiya, kemistri, at pisika.’ Sinabi ng biyologong si Richard Dawkins na sa uniberso ay ‘walang disenyo, walang layunin, walang masama at walang mabuti, walang anuman kundi walang-saysay na pagwawalang-bahala.’

Para maitaguyod ang gayong mga paniniwala, ipinagkikibit-balikat na lamang ng ilang siyentipiko ang malawak na pananaliksik ng ibang mga siyentipiko na sumasalungat sa teoretikal na mga saligan ng kanilang mga teoriya hinggil sa pinagmulan ng buhay. Kahit na palipasin pa natin ang bilyun-bilyong taon, lumilitaw na imposibleng maipaliwanag ng matematika ang nagkataon lamang na pagkabuo ng masalimuot na molekula na kinakailangan upang mabuo ang isang kapaki-pakinabang at buháy na selula.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Sa gayon, ang dogmatikong mga teoriya hinggil sa pinagmulan ng buhay na lumilitaw sa maraming aklat-aralin ay dapat na ituring na walang kabuluhan.

Ang maniwala na nagkataon lamang ang buhay ay nangangailangan ng higit na pananampalataya kaysa sa paniniwala sa mismong nilalang. Ganito ang sabi ng astronomong si David Block: “Ang isang tao na hindi naniniwala sa isang Maylalang ay nangangailangan ng higit na pananampalataya kaysa sa isang tao na nagtataglay na nito. Sa pagsasabing hindi umiiral ang Diyos, ipinapahayag ng isang tao ang isang panlahatan at di-tiyak na bagay—isang teoriya na nakasalig sa pananampalataya.”

Maaaring mapukaw ang may-pagpipitagang saloobin ng ilang siyentipiko dahil sa mga tuklas ng siyensiya. Inamin ni Albert Einstein: “Mahirap kang makasumpong ng paham na mga siyentipiko na walang sariling relihiyosong paniniwala. . . . Lumalabas ang relihiyosong damdamin dahil sa nalilipos ang isa ng pagkamangha sa pagkakasuwato ng batas ng kalikasan, na nagsisiwalat ng isang sukdulang talino anupat, kung ihahambing sa katalinuhang ito, ang lahat ng sistematikong kaisipan at ginagawa ng mga tao ay isa lamang lubusang mababang-uri ng panggagaya.” Subalit, hindi inaakay ng saloobing ito ang mga siyentipiko para maniwala sa isang Maylalang, sa isang personal na Diyos.

Ang mga Limitasyon ng Siyensiya

Angkop lamang na magkaroon ng tamang paggalang sa makasiyensiyang kaalaman at mga tagumpay nito. Gayunman, marami ang sasang-ayon na bagaman kasali sa siyensiya ang isang paraan ng pag-alam sa bagay-bagay, hindi ito ang tanging pinagmumulan ng kaalaman. Ang layunin ng siyensiya ay mailarawan ang kababalaghang nangyayari sa daigdig ng kalikasan at makatulong na masagot kung paano nangyayari ang di-pangkaraniwang mga bagay na ito sa kalikasan.

Binibigyan tayo ng siyensiya ng malalim na kaunawaan hinggil sa pisikal na uniberso, na ang ibig sabihin ay hinggil sa lahat ng bagay na nakikita. Subalit gaano man kalalim ang gawing pagsasaliksik sa siyensiya, hindi nito kailanman masasagot ang katanungan tungkol sa layunin—una sa lahat ay kung bakit umiiral ang uniberso.

“May mga katanungan na hindi kailanman masasagot ng mga siyentipiko,” ang sabi ng awtor na si Tom Utley. “Baka nga nangyari ang Big Bang 12 bilyong taon na nakalilipas. Subalit bakit ito nangyari? . . . Una sa lahat, paano lumitaw ang mga tipik na ito? Ano ang umiiral bago nito?” Ang konklusyon ni Utley: “Waring mas maliwanag . . . na hindi kailanman mabibigyang-kasiyahan ng siyensiya ang masidhing paghahangad para sa mga kasagutan.”

Ang pagkakaroon ng kaalaman sa siyensiya sa pamamagitan ng gayong pagkamausisa, na hindi naman kailangang pabulaanan ang pangangailangan para sa isang Diyos, ay tumitiyak lamang sa labis-labis na kasalimuutan, pagiging mahirap unawain, at pagiging kamangha-mangha ng daigdig na ating tinitirhan. Sinasabi ng maraming palaisip na mga tao na waring kapani-paniwala namang isipin na ang pisikal na mga batas at kemikal na mga reaksiyon gayundin ang DNA at ang kahanga-hangang pagkakasari-sari ng buhay ay pawang nagpapakita na may isang Maylalang. Hindi matututulan ang patotoo na mayroong Maylalang.

‘May Katotohanan ang Pananampalataya’

Kung may isang Maylalang na lumikha ng uniberso, hindi tayo makaaasa na mauunawaan natin siya o ang kaniyang mga layunin sa paggamit ng mga teleskopyo, mikroskopyo, o ng iba pang instrumento sa siyensiya. Isipin ang isang magpapalayok at ang plorera na kaniyang ginawa. Hindi masasagot kung bakit ito ginawa gaano mang pagsusuri ang gawin sa plorera. Para masagot iyan, kailangan nating tanungin ang magpapalayok mismo.

Ipinaliliwanag ng molecular biologist na si Francis Collins kung paano pinupunan ng pananampalataya at espirituwalidad ang kahungkagan na nalilikha ng siyensiya: “Hindi ko sinasabi na ang relihiyon ang tamang paraan upang maunawaan ang pagkakasunud-sunod ng kemikal na kayarian ng henetikong kodigo ng tao at hindi ko rin naman sinasabi na ang siyensiya ang paraan upang matamo ang kaalaman tungkol sa sobrenatural. Pero kung tungkol sa talagang mahahalagang katanungan, gaya ng ‘Bakit tayo naririto?’ o ‘Bakit nauuhaw sa espirituwal na mga bagay ang mga tao?,’ hindi nagbibigay ng kasiya-siyang sagot ang siyensiya kung para sa akin. Maraming pamahiin ang lumilitaw at pagkatapos ay naglalaho. Hindi ganiyan ang pananampalataya, na nagpapahiwatig na ito’y makatotohanan.”

Kung Bakit Nilikha ang Uniberso at ang Buhay

Ang totoong relihiyon, na sumasagot sa kung bakit nilikha ang mga bagay at kung ano ang layunin ng buhay, ay nagtatakda rin ng mga simulain, moral na pamantayan, at etika gayundin ng patnubay sa buhay. Sa ganitong paraan ipinahayag ito ng siyentipikong si Allan Sandage: “Hindi ako bumabaling sa aklat ng biyolohiya upang malaman kung paano mamuhay.”

Nadama ng milyun-milyong tao sa palibot ng daigdig na kanilang nasumpungan kung saan sila babaling upang matutuhan kung paano mamuhay. Nadama rin nila na kanilang nasumpungan ang tunay na nakasisiyang mga sagot sa mga tanong na: Bakit tayo narito? Ano ang naghihintay sa atin sa kinabukasan? May sagot naman dito. Subalit nasaan? Nasa pinakamatanda at pinakamalawak na naipamahaging sagradong kasulatan, ang Bibliya.

Sinasabi sa atin ng Bibliya na inihanda ng Diyos ang lupa na talagang nilayon niya para sa mga tao. Ganito ang sabi ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. hinggil sa lupa: ‘Hindi ito nilalang ng Diyos na walang kabuluhan kundi inanyuan ito upang tahanan.’ At inilaan niya sa lupa ang lahat ng bagay na kakailanganin ng mga tao, hindi para basta mabuhay lamang kundi para masiyahan din nang lubusan sa buhay.

Ang mga tao ang pinangasiwa sa lupa, “upang iyon ay sakahin at ingatan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ipinaliliwanag din ng Bibliya na ang kaalaman at karunungan ay mga kaloob ng Diyos at na kailangan tayong magpakita ng pag-ibig at katarungan sa isa’t isa. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa gayon, masusumpungan lamang ng mga tao ang layunin at kabuluhan ng buhay kapag natuklasan nila at tinanggap ang layunin ng Diyos para sa kanila.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Paano mapagtutugma ng isang taong palaisip ang kitang-kitang agwat sa pagitan ng makasiyensiyang pangangatuwiran at relihiyosong paniniwala? Anong pumapatnubay na mga simulain ang makatutulong sa isa upang magawa iyan?

[Mga talababa]

Tingnan ang Is There a Creator Who Cares About You?, kabanata 3, “What Is the Origin of Life?,” na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
Para sa detalyadong pagtalakay, tingnan ang brosyur na Ano ang Layunin ng Buhay? Paano Mo Masusumpungan?, inilathala ng mga Saksi ni Jehova.


Kung Ano ang Sinasabi ng Ilang Siyentipiko

Ipinalalagay ng ilang tao na iniiwasan ng karamihan sa mga siyentipiko ang mga usapin hinggil sa espirituwalidad at teolohiya dahil hindi sila relihiyosong mga tao o hindi nila gustong masangkot sa debate ng siyensiya laban sa relihiyon. Ganiyan nga inilalarawan ang ilang siyentipiko subalit hindi naman lahat. Pansinin kung ano ang sinasabi ng sumusunod na mga siyentipiko.

“Ang uniberso ay may pasimula subalit ang hindi maipaliwanag ng mga siyentipiko ay kung bakit ito nilikha. Ang sagot ay dahil may Diyos.” “Ang tingin ko sa Bibliya ay isang aklat ng katotohanan at kinasihan ng Diyos. Kailangang may isang talino sa likod ng mahirap unawaing mga bagay sa buhay.”—Ken Tanaka, heologo sa mga planeta sa U.S. Geological Survey.

“Ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng iba’t ibang uri ng kaalaman (sa siyensiya at relihiyon) ay gawang tao lamang. . . . May malapit na kaugnayan ang kaalaman sa Maylalang at kaalaman sa paglalang.”—Enrique Hernández, mananaliksik at propesor sa Department of Physics and Theoretical Chemistry, National Autonomous University of Mexico.

“Habang pinag-aaralan namin ang lahat ng impormasyong ito [tungkol sa henetikong kayarian ng tao], isisiwalat nito ang pagiging masalimuot at pagkakaugnay-ugnay ng lahat ng mga bagay na ito. Ituturo nito ang pinagmulan na gawa ng isang matalinong maylalang, isang matalinong persona na nagpangyari nito.”—Duane T. Gish, biochemist.

“Walang pagkakasalungatan sa pagitan ng siyensiya at relihiyon. Kapuwa nito sinasaliksik ang iisang katotohanan. Ipinakikita ng siyensiya na umiiral ang Diyos.”
—D.H.R. Barton, propesor ng kemistri, Texas.
 
Since you opened ur thread quoting Einstein… im gonna quote him na lang din…

“The word God is for me nothing but the expression of and product of human weaknesses, the Bible a collection of venerable but still rather primitive legends,” “No interpretation, no matter how subtle, can (for me) change anything about this.”
 
Since you opened ur thread quoting Einstein… im gonna quote him na lang din…

“The word God is for me nothing but the expression of and product of human weaknesses, the Bible a collection of venerable but still rather primitive legends,” “No interpretation, no matter how subtle, can (for me) change anything about this.”
Ok.
 

Similar threads

Back
Top