What's new

Trivia Paano nagawa ng mga Kristiyano noon na hindi mahaluan ng negosyo ang pagsamba nila?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
Sinabi ni Jesus sa mga tagasunod niya na huwag silang magpabayad sa pagtuturo nila. Sinabi niya: “Tinanggap ninyo nang walang bayad, ibigay ninyo nang walang bayad.” (Mateo 10:8) Sinunod nila ang payo ni Jesus, at nakilala sila bilang mga Kristiyano. Tingnan natin ang ilang halimbawa:

Si apostol Pedro, na nakasama ni Jesus sa ministeryo niya, ay inalok ng pera ni Simon, isang lalaki na gustong magkaroon ng kapangyarihan at awtoridad. Agad na tinanggihan ni Pedro ang alok ni Simon at sinabi sa kaniya: “Malipol ka nawang kasama ng pilak mo, dahil iniisip mong mabibili mo ng pera ang walang-bayad na regalo ng Diyos.”—Gawa 8:18-20.

Si apostol Pablo ay nakilala bilang isang naglalakbay na ministro. Maraming taon siyang naglingkod sa mga kongregasyong Kristiyano, pero ni minsan, hindi siya humingi ng bayad. Siya, pati na ang iba pang Kristiyano noon, ay hindi “tagapaglako ng salita ng Diyos gaya ng marami.” (2 Corinto 2:17) Sa halip, isinulat ni Pablo: “Gabi’t araw kaming nagtrabaho para hindi mapabigatan ang sinuman sa inyo nang ipangaral namin sa inyo ang mabuting balita ng Diyos.”—1 Tesalonica 2:9.

Siyempre, kailangan din naman ng mga Kristiyanong iyon ng panggastos para sa malawakang pangangaral nila at pagtulong sa iba. Pero hindi sila nagpabayad para sa mga serbisyong iyon. Puwede namang magbigay ang mga tao kung gusto nila, ayon sa mga prinsipyong ito:

2 Corinto 8:12: “Dahil kung may pananabik ang isang tao, nagiging kalugod-lugod ang ibinibigay niya; hindi inaasahan na ibibigay ng isa ang hindi niya kayang ibigay kundi kung ano lang ang kaya niya.”

Ibig sabihin: Sa pagbibigay, mas mahalaga ang motibo kaysa sa halaga.

2 Corinto 9:7: “Magbigay ang bawat isa nang mula sa puso, hindi mabigat sa loob o napipilitan, dahil mahal ng Diyos ang masayang nagbibigay.”

Ibig sabihin: Ayaw ng Diyos na napipilitan tayo sa pagbibigay. Natutuwa siya kapag nagbibigay tayo dahil gusto natin.
 
Ang paghahandog ay nasa biblia at hindi imbento ng mangangaral. Kung may mga tao man na ginagamit ang handog sa maling paraan ang Diyos na po ang bahala sa mga taong ganun. Ang pinaka-importante ay nagawa at natupad mo ang isa sa mga utos ng Diyos ang magbigay ng handog na kusa mong inihandog ng walang pag-iimbot.
 
At kung alam mo na tunay ang relihiyong sinasampalatayanan mo hindi ka manghihinayang sa kusang loob na paghahandog mo. Sa mga magsasabing may porsyento ang pagbibigay ng handog? Mabuting kayo po ang makapagpapatunay sa sarili niyo at hindi sa sabi sabi lang ng iba.
 

Similar threads

Back
Top