What's new

Closed Paano malalaman na may crush sayo ang isang tao!

Status
Not open for further replies.

AlexanderFV

Forum Guru
Elite
Joined
Jan 4, 2017
Posts
4,302
Reaction
6,995
Points
1,986
5 More Signs

1. Nakiki-duet

Try mong kumanta. Pwedeng yung mga uso ngayon, pero mas maganda kung yung mga kapanahunan pa ng Eraserheads. Kapag sinabayan ka kasi niya sa pagkanta, ibig sabihin ay nagtutugma ang mga isip niyo, o gusto niya i-match ang iniisip niya sa iniisip mo.

In short, gusto niyang maging magkatulad kayo. Kapag bigla na lang niyang in-adapt ang weird mong soundtrip, ibig sabihin ay gusto niyang makigaya sa interests mo kasi ngainterested siya sayo.

2. Nagsasuggest ng love songs

Hindi naman lahat ng signs dito related sa music noh, kaya relax ka lang.

Kung mapapansin mo, ang OPM ay madalas may kinalaman sa pagibig. Yun mga lalaki kasi satin torpe, tapos yung mga babae naman mahinhin. Hindi nila mai-express ng maayos ang mga nararamdaman nila, kaya kinakanta na lang nila.

Isipin mo kung meron na bang lalaki o babae na naglagay ng earphone sa tenga mo, o kinantahan ka na talaga, o nagsuggest na pakinggan mo ang isang love song. Ang mga lyrics ng kantang yun ay ang mga gusto niyang sabihin sayo.

3. One call away

Ang taong may crush sayo ay matik na sabik sa atensyon mo.

Kapag tinawag mo ang pangalan niya ay daig pa ang asong papakainin sa sobrang bilis lumingon. Yung akala mo inaabangan niya na tawagin mo siya?

Minsan nga nabibingi pa yan eh, bigla na lang napapalingon kahit hindi naman siya yung tinatawag. Basta marinig lang boses mo curious agad.

Kapag nasa malayo siya at lumapit nung tinawag mo kahit hindi naman importante yung ipapagawa/sasabihin mo, makaramdam ka na kasi may effort para sayo.

4. Maseselosing admirer

Kung feeling mo ay may crush sayo ang isang guy or girl, try mo pagselosin. Hindi naman yung tipong magninilandi ka sa ibang tao sa harap niya ha, yung medyo medyo lang na pagpapaselos.

Magkwento ka tungkol sa ‘crush’ mo o kaya sa isang lalaki na ina-admire mo. Kapag nanahimik at parang nakikinig lang, nagseselos yan. O kaya, iniisip na niya kung paano ba siya magiging katulad ng taong gusto mo.

Pwede ring nakipagpaligsahan. Kapag sinasabi niya na "meron din ako ng ganyang qualities," sinasabi niya na "sa akin ka na lang magkacrush".

Kapag in-encourage ka niya sa kunyariang crush mo, siguro ay hindi siya interested sayo ‘in that way.’

5. Paano siya magsalita
Eto ay isang tips for the boys. Kung girl ka, makinig ka para maiwasan mo ito para hindi ka masyadong obvious na may crush ka.

Kapag magkausap kayo, eto ang mga dapat na pinakikinggan mo:

  • Paano siya magsalita
  • Gaano siya kabilis magsalita
  • Gaano katinis ang boses niya
  • Madaldal ba siya o matipid magkwento

Kapag nakikipag-usap ang babae sa isang lalaki na type niya, mas mabagal siyang magsalita, at mas mataas o mas ‘cute’ ng kaunti ang boses niya. Ang lalaki naman kapag kausap ang type nilang girl, lumalalim ang boses.

Kung madaldal siya with friends pero tipid magsalita sayo, either bago pa lang kayong magkakilala o nag-iingat siya dahil baka kung ano ang masabi niya, pero alin man sa dalawa ay sign yun na naiilang siya sayo.

Pumipiyok ba tong si girl pag kausap ka? Ninenerbyos. Ang gwapo mo daw kasi eh. Yis.


Ano, kamusta bes? Sapat na ba ang mga signs na yan para masigurado mo kung crush ka nga ba niya o nag-aassume ka lang? Kulang pa ba yan? Napapansin mo din ba yan o inimbento ko lang ba yang mga yan?



~SUPERKILIG :)
 
Last edited by a moderator:
Salamat po nice tips and advise magagamit ko ito sa mga nanliligaw sakin :):) share for more tips and advise ms angel
 
Last edited by a moderator:
nays hahaha kaya pala bigla na lang nailang sakin, parang ayaw na nga ko batiin pero nakatingin naman saakin, naghihintay na ako una bumati haha
 
Mas da best parin kung sasabihin mo sa kanya na gusto mo sya tigilan mo ang pag assume sa mga sign na yan trap yan tungo sa kahibangan.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top