- Joined
- Jun 18, 2021
- Posts
- 449
- Reaction
- 296
- Points
- 249
- Age
- 51
Nasa kolehiyo ako nung naranasan ko ang malalang depression. Yung feeling na, gusto mo na itigil ang lahat kasi ramdam mo na parang wala ka ng halaga. Meron akong bad childhood memories hanggang ngayon with my lola. Na halos araw araw galit ito sakin. Kahit na wala naman akong ginagawa at di ko naman pinagsasalitaan yun ng masama. Now meron akong unting trauma. Na pag makarinig ako ng galit kahit kanino ay parang gusto kong tatamaan. Dati akong motivated na tao, everyday I work really hard. Every 3 am I woke up and start my daily routine as doing callisthenics and meditation. I done it for almost 1 year and a half. Until the day, I lost confident. Nawalan ako ng gana sa lahat. Kasi dinama ko yung mga pagkakasabi sakin. For 3 months, nawalan ako ng kontrol sa sarili kinulong ko sarili ko sa kwarto. Di ako kumakain ng marami at wala akong proper diet na ginawa. Kundi magbisyo at magbisyo. Nagkalose gain ako that time. Mga pinaghirapan ko sa self ko nawala. Bigla ako umiba. Nawala ang interest ko sa lahat. Dahil dinama ko ang lahat lahat ng galit ng lola ko sakin. Dun din nagstart na sinunog ko yung mga applications at files ko para sa school namin na ipasa ko sana sa mga professors ko. Buti nalang natira pa yung certificates for personal identification ko. Then one day, there was an app called Avakin life na suggested ni google play kasi naghahanap ako ng mga virtual assistant app na maari makakatulong sakin mental health. Pero ang nakamangha mangha dun ay napakagaan tung app na tu sakin na ang icon tsaka yung nasa images neto ay pambabae lamang. Parang barbie barbie lang. Nung nitry ko na. Gumawa ako ng character dun tapus nagisip ako ng nickname habang nagyoyosi at nag aalak. At nag explore. Dati isa ako sa mga tao na mahilig pumunta ng bar, lalo na sa mga club. Mahilig ako sa mga party lalo na sa mga crowded places. Parang nabubuhay ako nun pag andun ako kasi parang nawawala yung mga tinig ng lola ko sa isipan ko na panay bumabalik balik lamang. Pero nung nagkadepression ako, dito ko naranasan na gusto ko munang mag isa. Nahihiya ako sa mga kaibigan at mga pamangkin ko iwan ko nga bakit pati sarili ko ikinahihiya ko na na dati confident talaga ako kahit sa anong sitwasyon. So dito sa pamamagitan ng app na ito nabuhay ulit ang mundo ko. Then nagexplore ako dito, dito ko rin nakilala yung LDR girlfriend ko na di ko inaasahan na mamahalin ko ng sobra which is 8 months na kami now. Nag uusap kami lagi halos araw araw. At nagbubuo kami ng decisions na balang araw pag magampanan na namin mga pangarap namin ay maari na kaming magsimula ng isang buhay at maging future narin namin. Dito bumalik ulit confident ko dahil sa gf ko. But for now Nagkakastruggle ako. Looking for advice on how to start again? Hirap na hirap na ako sa sarili ko parang meron pa rin time na nakakawalang gana kasi ganun pa rin si lola. Thank you sa makakasagot.