What's new

PAANO MAG IMPROVE SA ART (DRAWING) 3 DAYS LANG

lastmax33

Addict
Joined
Nov 30, 2019
Posts
148
Reaction
69
Points
116
Share ko lang mga ka phc kung paano ako nag improve sa art ko nung nalaman ko itong isang sekretong ito na napanood ko sa isang trusted YøùTùbér (Sycra).

Mga kailangan mong malaman

1. Hindi mo agad madadrawing ang isang bagay ng napakaperpekto, kailangan mo itong ulit ulitin bago mo ito maiguhit ng maayos.
2. Gaya ng pag gygym, pag lalaro ng online games gaya ng League of Legends, Dota, and other rpgs, importante ang MILAGE.
3. Wag mo sayangin ang panahon mo sa pag gawa ng isang napakaperpektong obra, bagkus ay gumawa ka ng marami at kusa nalng ito magiging maganda pagdaan pa ng ilang araw. Unti unti nalng sya magiging muscle memory kumbaga, second nature.
4. Simulan mo iguhit ang mga bagay na nagbibigay ng interes sayo, ang sakin, inuna kong gumuhit ng mga maliliit na mukha sa isang buong papel araw araw.
5. Gumuhit lng ng marami, wag perpekto.


Siguro mga isang daang libong mga mukha na ang na guhit ko, napakarami nila para ipost.
Yung unang pic ay nung unang araw ko, ung mga sumusunod ay ung pangatlong araw.



img097.md.jpg

img126.md.jpg img132-2.md.jpg pfpnanaman.md.png pfpppp.md.png
 

Attachments

Last edited by a moderator:
research nyo ang art style sa google at YøùTùbé
mas madali syang gamitin pero dapat alam nyo ang art artstyle na comportable sa inyo
 
ang art style, kusa nlang lalabas yan, kumbaga byproduct lng sya, focus lng kayo sa pag gawa iterations, duplicates, gawin nio lng ng gawin, hindi hinahanap ang art style, magugulat ka nalang na napaka ganda na ng mga dinadrawing mo, at wag na wag kang matatakot magkamali, fail, learn, fail learn, failure is the best teacher nga kumbaga 😊

extra tip: gumawa kayo ng bagong account sa instagram, twitter or facebook, magpost kayo araw araw, hayaan mo lng kung pangit sa umpisa, ganun talaga yun, di katagalan magiimprove ka din 😁
 
kung di pa nag quarantine di ako matututong mag drawing, tama si ts paulit.ulit lng ako ng drawing hangang naka kaguhit na ako ng magandang output.

yung profile pic ko yan yung una kong na tapos at masaya na ako.
 
same tayo boss, nagkaroon ng maraming time para sa sarili kaya nagdiskubri lng ng mga bagay bagay, btw gusto ko makita mga future artworks m
kung di pa nag quarantine di ako matututong mag drawing, tama si ts paulit.ulit lng ako ng drawing hangang naka kaguhit na ako ng magandang output.

yung profile pic ko yan yung una kong na tapos at masaya na ako.

o, feel free to update lng in this thread! 😊
 
simulan mo kung saan ka interesado, pag drawing ng mata, o mukha na deretso, katawan, landscapes, compositions, basta ulitulitin mo lng, wag ka mawawalan ng enthusiasm :) pero bago ang lahat, malaking tulong kapag pinanood nio ung link na inattach ko sa taas 😊
 
Suggestion bro.
1. Maganda na line stroke mo pero may ma-imimprove pa
2. Instead of doing anime/manga style. Go for the traditional approach ng human anatomy kasi once okay ka na with it pwede ka ng mag-distort. Even mga master ng manga/anime ang initial study nila is yung traditional approach. Check Andrew Loomis or classical method.
3. May idea ka na ng head construction, try to do it using real life people.
4. Pag master mo na ang portrait, try mo nman yung human anatomy ( don't go with foreshortening agad)

Ayan lang muna, abangan ko ang iyong pag blossom! hehehe
 
research nyo ang art style sa google at YôùTùbé
mas madali syang gamitin pero dapat alam nyo ang art artstyle na comportable sa inyo
Tama si TS na kusang lalabas yung style base yan sa mga reference mo or mga artist na ginagaya mo. Pero lahat ng mga master will suggest go first with the fundamentals like pencil handling, copying classical reference, drawing good line stroke etc. before going with the style which could lead sa prostration. Goodluck!
 
Di naman bawal mag trace ng body position basta body lang, madaming gumagawa nun ang importante yung art mo, per artist may ibat ibang art btw fav artist ko is Ilya kuvshinov.
 
Back
Top