What's new

Paano kung walang relihiyon sa mundo? Ano kayang mangyayari?

Cerebellum

Established
Joined
Oct 31, 2021
Posts
457
Reaction
235
Napapaisip lang ako, halos all people in this small world na tinitirhan natin, itong Earth, eh mayroong relihiyon o naiimpluwensiyahan ng mga relihiyon. Kahit saan ka magpunta, makakakita ka ng mga tao na kumikilos kaayon ng kanilang paniniwala o relihiyon. Ang totoo nya'n, kahit hindi isang religious person ang isang tao, I mean, hindi naman sa hindi siya naniniwalang may Diyos, kumbaga, naniniwala siya pero hindi lang talaga siya kumbinsido, eh kapag pinagpray sa school, eh nananalangin pa rin, Kumbaga, for the sake of others religion beliefs eh magpi-pray na lang siya kahit hindi siya kumbinsidong may Diyos nga.

Ganu'n din sa iba nating mga paniniwala. Kapag namatay yung mga mahal natin sa buhay, minsan gusto pa, may pupuntang pari o pastor sa kaniya bago siya mamatay para ipanalangin daw yung kaluluwa niya. yung mga ganyan. Sa'kin kasi, gusto ko pag namatay ako, naka-smile ako para mapapangiti yung mga pupunta sa burol ko. Yung isa kasing ka-brother ko, gusto niya pag namatay siya, gusto niya nakataob yung kabaong niya para yung sisilip sa kaniya, titingin sa kaniya sa ilalim ng kabaong, sabi nya kasi, hanggang sa huli, gusto niya mapasaya niya yung mga tao. Just kidding lang mga paps. :ROFLMAO::ROFLMAO::ROFLMAO:

Anyways, napapaisip lang kasi talaga ako, what if walang religion? or wala ng religion at kinuha na ng mga gobyerno ng tao ang mga religious churches, halimbawa sa Iglesia ni Cristo, kinuha mga pag-aari nila. Or yung sa mga church nila Quiboloy.

Mga ganyang bagay. Ano sa tingin ninyo ang possible na mangyari? Any opinion?

Thanks!
 
Feeling ko meron at meron pa din yan, kasi mga walang utak tao, gusto nila ng isang mas mataas sa kanila para may humusga sa kanila, kasi ayaw nilang husgahan mga kamalian na nagawa nila, kaya pipilitin at pipilitin nilang maghanap ng sasambahan para mabawasan kuno kahit konte yung nagawa nilang kasalanan. Mga hipokrito mga tao wala ng galang sa diyos, ginagawa nalang panghugas ng kamay sa mga katatantaduhang ginagawa. Natatakot sila na baka hindi pa katapusan ng buhay yung kamatayan, kaya naghahanap sila ng tagapagligtas.
Pero mahalaga din naman yang relihiyon kasi yan yung nagsisilbe nating compass sa kung ano yung tama at mali. Kada lingo nakikinig tayo ng sermon saka nagsasabi ng mga kasalanan sa diyos, hindi lang para mapatawad tayo kundi para maintindihan din natin ng mas mabuti kung san tayo nagkamali.
 
May punto. Anyways, salamat po sa pagbabahagi ng iyong opinyon.
 
Tyrant1

Elite
if wala ang religion, mahihirapan ang tao i distinguish between Good and Bad Side.
Kahit may Government kasi wala na sila takot.

Takot na after mamamatay may judgement day na huhukuman base sa nagawa mo dito sa lupa.

More on Bad Side ang lalabas.
Kasi wala na sila takot or konsensya para gumawa ng masama.

Create ang Religion para Balance lang ang buhay at yun ang gusto ng Dios para ma sala nya kung sino pwede iligtas.

If wala naman afterlife atleast naging mabuti kang tao dito sa mundo. Mamamatay ka panatag ang puso mo.
 
SprigCosmic

Contributor
Kahit naman kasi may relihiyon nananaig pa rin ang kasakiman at kasamaan sa mundo. Siguro may sistema pa rin na mabubuo diyan at iba lang ang tawag
 
Asherah Goddess

Established
Pagano. Pagano ang resulta kapag walang relihiyon. Ang Pagano ay hindi naman relihiyon although ang sabi ng ibang tao na relihiyon raw ang Pagano. Basta ang pagkakaalam ko ay animism or Pagano ang resulta kapag sakaling walang relihiyon. Nabuo ang relihiyon ay huli na katulad ng Christianism, Judaism at maraming iba pang relihiyon pero ang pagkakaalam ko ay nauna ang Pagano talaga and so, kapag walang relihiyon ay karamihan ng mga tao ay depressed. Naalala ko na meron ako na read na isang article na hindi pa dumarating ang Christianism noon, itinawag na depressed culture raw sa panahon ng Pagano.
 
paulko

Established
Magiging Magulo at walang Kabuluhan ang buhay ng tao sa Mundo ... Iisa lang marahil ang guhit ng Buhay - Mabuhay , Kumain at Mamatay lang ...
 
Cerebellum

Established
May mga naniniwala na hadlang daw ang relihiyon sa pagtatamo ng tunay na kapayapaan sa mundo .. May mga nagsasabi din na ang relihiyon din ang dahilan ng mga digmaan at pagkakabaha-bahagi sa lipunan ng tao .. Kaya, mas gusto ng iba na mawala na lang ang relihiyon sa mundong ito .. Anong masasabi ninyo dito?
 
The world is not perfect kase. Meron pros & cons na bakit ang relihiyon ay nagkaroon dito on earth.

Ang pros ng relihiyon ay itinayo ito upang magkaroon ng organizado lipunan sapagkat barbaric ang mga tao dati-rati na preferably lalake kapag meron napatay na kaaway galing gyera ay nabasa ko somewhere na itinutusok ang mga pugot na ulo o bungo sa sibat.

Dati-rati din ay meron away sa pagitan ng magkabilaang bansa at uso ang gyera at dagdag na naalala ko sa abot ng makakaya ko ay kasama ang Rome at Israel sa hidwaan. Nang panahon ng conflict ay dumating si Jesus at itinuro niya ang magmahalan at magpatawad ng kapwa tao. Nang dumating si Buddha naman ay itinuro ang patungkol sa kapayapaan. Maraming spiritual leaders ang nagsidatingan upang magkaroon ng kapayapaan sa mundo at magkaroon ng organizado lipunan (although in religious perspective ay naniniwala ang ibang tao na si Jesus ay associated sa pagkadevinity o pagka deity nito at depends sa tao kung ano ideal abstract nito sa natutunan ng tao galing biblia o galing religious leaders).

Sa kabilang dako ay ang cons ng meron relihiyon ay nagkakaroon ng religious war dahil sa extremely pride ng bawat tao. Pride na ang iniisip ng bawat tao na ang relihiyon ang mas mabuti at tama kaysa sa ibang relihiyon na hindi similar ng paniniwala. Na andiyan ang walang katapusan debate. Na andiyan ang kataga na kapag hindi umanib ang isang tao sa kanilang relihiyon ay mapupunta sa impyerno.

Kasama ang pag abuse ng kapangyarihan na gamit ang biblia at relihiyon, kung kaya ang ibang tao ay nagkakaroon ng religious trauma syndrome. Trauma ito na galing biktima dahil sa taong religious na nag take advantage upang takotin sila na ayaw sumunod na mapupunta sa impyerno.

Its a reason why nagkakaroon ng digmaan at gulo. Actually, ang sa tingin ko ay wala na nasusunod sa kagustuhan ng mga spiritual leaders ata sapagkat sila ang gumawa ng paraan upang magkaroon ng kapayapaan at organizado lipunan dito sa earth at dahil marami naglabasan ng interpretation din na kung saan lalong nagpagulo sa lahat.
 
Last edited:

Okay po .. Thanks sa pagshare ng iyong mga kaalaman ..
 
Top