What's new

Help Paano kumuha ng NBI CLEARANCE?

_Lo

Forum Veteran
Elite
mga master, paano naba kumuha ng nbi clearance ngayon? may 1day process ba? yung tipong pag ngayon ka pumunta ngayon mo din makukuha? pag sa online nman kasi sa July pa yung mga available appointment dates, ang tagal pa, need na nga sana ngayon.
 
mostly ngayon need na idaan online appointment lods pero try mo magpa appointment setter baka maisingit ka nila sa slots
 
Nasa sayo pa yung expired na NBI mo? Oo merong 1 day process basta mabayaran mo agad yung fee makukuha mo na agad yan.. nagbayad ako dati via Bayad Center, GCash ginamit kong payment pagkatapos nun isesend yung receipt via Email at pinakita ko lng sa kanila yung receipt ayun nakuha ko din agad pero nag fill up muna ako dyan online. Nung kukuha sana ako dati di pa ako nakakapagfill-up online tapos tinanong nila ako kung na sakin pa daw ba yung expired na NBI ko sabi ko wala..

Ipakita mo yung original copy ng expired na NBI mo tapos tanungin mo sila kung may way ba na mapabilis ma process kung meron ka nyan. Di pa ko sure dyan pero pwede mo subukan. Kasi hinanapan nila ako nyan dahil nga sa di pa ko nakakafill-up online. Base lng yan sa experience ko ewan ko lng sa iba kung may sumubok nung way na ipapakita yung expired na NBI.

Dagdag ko lang nung kumuha ako walang gaanong tao nun siguro depende rin kung hindi sila gaanong bc baka mapag bigyan ka nila pero kung sobrang maraming tao baka di ka nila mapagbigyan. Nasa pakiusap rin yan kung minsan.
 
Last edited by a moderator:
  • Like
Reactions: _Lo
Back
Top