What's new

Tutorial Paano Gamitin ang Reverse Psychology para Mapansin ka ng taong gusto mo

Professora Akira

☯️SõüLNïnëtāiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
17,846
Solutions
6
Reaction
39,172
Note:
Hindi gagana para sa lahat ang technique na to dahil kung ayaw talaga sayo ng crush mo,
wala tayong magagqwa nyan kahit pa bali baliktarin ang lahat,
Pero kung neutral ang tingin niya sayo, baka chance mo na ‘to para mapatingin siya
. Very risky ang technique na ito at sa totoo lang ay mas epektib siya pag hindi mo namamalayan
na ginagawa mo na pala.
Pero anyway, eto na ang step by step process.


1. Hayaan mong malaman niya.​

Okay. wag masyadong OA. Basta ang una mong gagawin ay ipaalam sa crush mo na type mo siya. Mas maganda kung hindi sayo direktang manggagaling ang balita.
Manguntsaba ng kabarkaada para ichismis sa kanya na type mo siya (actually, kailangan pa bang manguntsaba? Diba matic naman yung mga tropa na inaasar ka pag andyan si crush?). Maging masipag ka lang, Diskarte mo na yan.

2. Pag alam na niya, wag mo siyang pansinin.​

So eto na nga, dito na magiistart ang reverse psychology. After niyang malaman, ang next step naman ay ang hindi siya pansinin. Tiisin mo! Isnabin mo siya at wag kang bibigay. Ngayong nalaman na niya na may nagkakagusto sa kanya, mapa-flattered yan. Alam mo naman ang pakiramdam ng napaflattered.
Parang kinikilig.
Siguro nangyari na din to sayo. Pag may nachichismis na may nagkakagusto sayo, hindi ka ba macucurious na alamin kung sino yun? Parang balita lang yan. Pag may nabasa kang nakakashock at parang ayaw mong maniwala, ang una mong gagawin ay magfact-check. Tama ba? Ginagawa mo ba yun? Nagfafact-checking ka ba bago ka nagsheshare ng kung ano ano?
Balik tayo sa crush mo.

Bale ang susunod niyang gagawin ay confirmation. Aalamin niya kung totoo bang crush mo siya. Most of the time, hindi naman siya directly na magtatanong sayo kung totoo ngang may gusto ka sa kanya. Pwera na lang kung nagkagusto ka sa isang narcissist. Usually, makikiramdam siya sa mga actions mo kung special nga ba ang pakikitungo mo sa kanya.
Para magawa niya ang confirmation process, siya ang lalapit sayo. BOOM.

Kaya mas effective kung hindi niya sayo mismo malalaman ang chismis.

3. Pag nagtanong, wag mo agad ibigay ang sagot.​

Magpakatatag ka. Wag marupok! Ito ay rare-case scenario lang naman, at actually kapag nangyari na kinoconfirm niya kung may gusto ka nga ba sa pamamagitan ng pagtatanong sayo, baka ibig sabihin nito na may gusto na rin naman pala siya sayo. Kapag ganun, edi iclose mo na tong post na ‘to dahil naachieve mo na ang goal.

Pero kung sa tingin mo ay hindi naman ganun ang sitwasyon, ang next mong gagawin ay magpaligoy-ligoy. Bigyan mo ng suspense, Kung aamin ka agad ay para kang nagkwento na after ng intro ay ending na agad ang kasunod.

Magoopen siya ng conversation with you. Chance mo na ‘to para magbuild ng friendship. Magpakita ng onting signs na naaappreciate mo siya. Pwedeng magsuplada ng onti kung sa tingin mo ay hindi naman niya seseryosohin. Para sa mga boys, mas másáráp suyuin ang babaeng medyo hard to get. Para sa mga girls naman, gusto nilang mafeel na busy ka pero nagbibigay ka ng time para sa kanila.

4. Think like an interviewer for a job.​

Itong technique na to, madalas ding ginagamit sa mga business interactions. Ikaw ang may kailangan sa isang tao, pero ipapaisip mo sa kanya na siya ang may kailangan sayo. Sa love, parang ganito ang itsura niyan:
Crush: Uy, hello kamusta.
You: Hi. Okay lang. Bakit?
Crush: Balita ko crush mo daw ako ah?
You: Ha? San mo naman nabalitaan yan? Iwasang magblush
Crush: Sabi lang ng tropa ko narinig ka daw niya na sinabi mo yun..
You: Hmmm..
Crush: Silence means yes..?
You: May magugustuhan ba ako sayo?

Medyo masakit pakinggan ang huling line na yan, pero kung tama ang pagkakasabi mo, eto na ang ultimate step sa reverse psychology
. Ipapaisip mo sa kanya kung bakit mo siya magiging crush.
Ang ginagawa mo ngayon ay tumatayo ka bilang interviewer, at siya naman ang nasa role ng applicant. At ano ba ang ginagawa ng mga tao sa ganitong role? Gagawin nila ang lahat para maimpress ang interviewer.

Bibigyan ka niya ngayon ng mga dahilan kung bakit mo siya magiging crush. Papatunayan niya na may dahilan ka para magkagusto sa kanya, at siyempre ay magbibigay siya ng effort para patunayan yun. Kung lalaki ka naman, mas maghahanap sayo ng atensyon yung crush mo, lalo na kapag siya ay isang GGSS.

Dapat ay lagi mong i-appreciate kung nag-eeffort talaga ang crush mo, pero wag ka namang bibigay agad. Hayaan mong maisip niya na gusto rin niya ang ginagawa niya dahil nag-eeffort siya at may natutuwa sa binibigay niya na yun.

Bonus Step: Misdirection​

yung kunwari iba crush mo para hindi siya maghinala sayo

Etong step na ‘to ay para lang sa mga matapang o kaya sa mga kampante na may strong interest sa kanila ang crush nila. Kapag kino-confirm na niya na crush mo siya, ang sasabihin mo ay meron kang crush na iba.

Sabihin mo na iba gusto mo. Oh kaya ang mas mabuti, isang tao na kakilala din ng crush mo.

Ang mangyayari ay parang magseselos siya. Wala naman siyang karapatan, pero kasi, lalo siyang macoconfuse at lalo niyang gugustuhin na malaman kung sino ba talaga ang gusto mo.




excerpt from:KiligSuper
 

Crayvolt

Forum Veteran
Very risky ang technique na ito at sa totoo lang ay mas epektib siya pag hindi mo namamalayan
na ginagawa mo na pala.
tama ka ts risky yan

hahaha kaya dapat wag ka magpapahalata na na crush mo sya or in lovee

and tama much better na hindi mo namamalayan parang ako hahahaha
and nung sinusungitan ko sinusungitan ako din mygad
nung hindi na makapagpigil ng damdamin nya sakin nagpaparinig na ng kanta sakin. catch me i'm falling for you daw.

hahaha ayuyuuy ganda ng boses mala disney princess na bosses nakaka goosebumps.
and uwu gandaaa hys awmygad wow
 

Professora Akira

☯️SõüLNïnëtāiL☯️
Contributor
tama ka ts risky yan

hahaha kaya dapat wag ka magpapahalata na na crush mo sya or in lovee

and tama much better na hindi mo namamalayan parang ako hahahaha
and nung sinusungitan ko sinusungitan ako din mygad
nung hindi na makapagpigil ng damdamin nya sakin nagpaparinig na ng kanta sakin. catch me i'm falling for you daw.

hahaha ayuyuuy ganda ng boses mala disney princess na bosses nakaka goosebumps.
and uwu gandaaa hys awmygad wow
hehe sanaol mala disney ang boses 😄
 
Top