What's new

Paano ba Maging matapang?

Joined
Sep 23, 2022
Posts
4
Reaction
7
Points
4

Paano ba magkaroon ng lakas ng loob?​

Gusto ko sanang Lumakas loob ko para sa mga bagay na gusto kong sabihin sa pamilya o kaibigan ko. Ako kasi yung taong pala sabi ng "okay lang" kahit naman hindi. Hindi ko kayang mag explain ng hindi naiiyak tuwing na kokomprota ng pamilya. Yung tipong gusto kong magsalita o i explain yung side ko pero hanggang lalamunan lang yung mga salita at di ko masabi. Hanggang kimkim nalang ako ng mga gusto kong sabihin kasi natatakot ako sa outcome at lalabas na ako parin naman ang may kasalanan.​
Magaling akong magmotivate at mag advise sa mga kaibigan at ibang tao pero bakit sa sarili ko 'di ko kayang gawin o iapply yung mga motivation na nasabi ko sa kanila? Bakit parang ang hirap kapag sarili mo na yung na ngangailan ng tulong, hindi mo agad matulungan o macheer up man lang.​
Ganun na siguro talaga ugali ko. kahit kasi sa kaisa isang close friend ko 'di ko kayang mag open up, thinking na baka makadagdag lang ako sa problema niya. sana naman matuto ako ng mga ways para maimprove ko sarili ko para maovercome at maging matatag ako sa future.​
 
1664006845811.png

Better paps start ka muna magopen up sa mga tropa mo since pwdeng haluan ng biro; then next mo sa family, once kasi na dumating ka na sa ãdül†/proffesional setting kelangan matuto kang makipagsagutan, either matututo ka o sila matututo sayo
 

Attachments

Parehas tayo ng ugali kaibigan, takot din ako magsalita at maglabas ng saloobin sa ibang tao, mahina loob ko kung tutuusin.
Madaming dahilan kung bakit takot ako siguro parehas tayo, isa na yung takot ka sa feedback ng ibang tao sa sasabihin mo. Pero habang tumatanda ka marerealize mo na hindi ka dapat matakot, galing din ako sa sitwasyon mo at mas alam ko yung nararamdaman mo. 22 na ako ngayon, noong una talagang mahirap ipaglaban yung sarili mo sa mga salita na ibabato sayo pero, konting tiwala lang makukuha mo din yung lakas ng loob ng hinahanap mo kasi mahirap talaga yung ganyan kaibigan, naniniwala ako na kaya mo yan.
 
naku mas mabuti pang manahimik ka boss, wag ka kasing dependent sa kahit na sino para no need ka na mag interfere sa life ng iba at wala din mag interfere sa life mo

just be there for them when they ask for help
 
Ang bullying nangyayari kahit kanino. Kahit nga me edad na e nabubully pa din ng mas nakakaangat sa kanya. Pero hanggat makapagpapasencia e gawin mo. Diskartehan mo n lang kung paano muna maiiwasan nambubully. Focus ka lang sa study mo at goals in life. Bahala ka na pag nag success ka na.
 

Similar threads

Back
Top