What's new
  • Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Paano Ba Maging häçker?

Nicolandia15

Honorary Poster
Joined
Jan 12, 2016
Messages
581
Reaction
500
, Last edited:
Nung nag umpisa akong mag post ng mga tutorial dito sa PHCorner tungkol sa pag häçk like ng Wifi and OS, may mga ilan ditong gustong matuto kung paano ba talaga mag häçk. So naisip ko na instead ilagay ko dito yung alam kong tricks eh mag umpisa ako sa pinakauna. Then I started Linux Basics Tutorials para matulungan silang matuto paano gumamit ng Linux which is yung pinaka dominant na OS sa mundo ng häçking.

Bakit gusto mo maging häçker? In demand yung mga häçker sa mga IT Security firms, military? (not sure sa'tin), sa mga malalaking organization, and since mejo may shortage tayo sa mga skilled häçkers, pataas din ng pataas ang sahod dito. Before ako mag start, lahat ng ito ay opinion ko lang po, feel free to add kung gusto niyo po. Game!


Formal Education ba or Experience?
Yung maganda sa profession na to is maraming way or depende sa approach mo, unlike kunyari kung gusto mong mag abogado, wala kang ibang way talaga kundi mag aral ng Law. Now sa häçking naman, hindi ito always ang sitwasyon. Maraming nagsasabi na para maging successful ka sa larangan na to, kailagan mong mag aral at kumuha ng mga certificates, on the other hand may mga nagsasabi naman na pwede kang mag umpisa sa häçking without proper education at magiging magaling ka pa din naman.

Well sa taong 2016, di ko alam yung ratio ng mga path na kinuha nila. Pero tingin ko mas marami yung latter which is nagka interest lang sa computer, nagsimula silang paglaruan ito, buksan, gawin ulit, at sirain. At wala po akong sinasabing wag na tayo mag aral lahat, College degree po sinasabi ko dito, which is yun yung susundin ko. Pero I'm trying to make a point na hindi lang ito ang paraan para maging häçker. Pag may formal education ka naman syempre expect mo na mabilis ka makakakuha ng trabaho.

I'm not generalizing this pero tingin ko at sabi na din ng mga kaibigan ko na ang mga college professors ay may konti or minsan walang alam sa häçking. I get it, professors are trained kung pano gumawa ng system or computer, hindi kung pano sirain ito. Basically yung mindset nila is hindi kagaya sa isang häçker.

Anong Mindset?
Isa sa mga pinagkaiba natin compare sa mga regular IT's is kung pano tumakbo yung utak natin. I don't know, again this is just my two cents.

1. Problem Solving
2. Creativity
3. Pagtulong sa kapwa häçker
4. Persistence

Napansin niyo ba sa mobile section kung pano sila mag share ng mga tricks nila once may ma figure out silang bagong trick? Yes, what they're doing is still häçking at hindi sila titigil hangga't hindi nila na didiscover pano magkaroon ng libreng internet.

Hindi tayo limitado sa isang bagay lang pag hindi na solve ang problema, actually ang häçker ay may multiple solutions sa iisang problema. Pag may humarang man sa daan, hahanap at hahanap tayo ng paraan kung pano ma bypass ito. Wag tayo umasa sa tools na ginawa ng iba, pwede tayong gumawa ng sarili nating tools. Ika nga nila is think outside the box.

Basics Background
Ang isang häçker ay obviously dapat may background sa IT field. Kasama na dito ang Linux Basics at Networking Basics (check my other tutorials for more info). Dapat marunong ka din magsulat ng sarili mong script, basic BASH scripting. Tsaka I highly recommend this following: Python, Perl or Ruby.

If for example gusto mong mag attack ng database, SQL basics or knowledge is required din. Kung gusto mo naman ng mga websites, mas useful din na marunong ka ng mga web language na available.

Para sakin mas madali mag build muna ng something bago mo sirain, like app kunyari, mas magandang mag build ka muna ng app then pag aralan mo pano i-häçk.

Skill Set ng isang häçker
Napakalawak ang field na to, kahit ako feeling ko na scratch ko pa lang ang surface sa mundo ng häçking. Pero kailangan mo mag focus sa isang bagay para mas maging efficient. As mentioned above, kailangan mo matuto ng Linux at Networking, pag gamit ng isa sa pinaka popular na OS sa häçking, Kali Linux at ang mga kilalang tools na ginagamit dito.

  • Nmap
  • Wireshark
  • Metasploit
  • Air*****-ng
  • BeEF
  • Snort
  • SqlMap
  • Dsniff
  • Sysintervals
  • Splunk
  • Tamper Data
  • p0f
  • John the ripper
  • Hashcat
Actually mahaba pa ang listahan at mostly ginagamit ko yan, though I admit hindi ko pa master ang iba sa mga tools. Pero naniniwala ako na ito ang pinaka importanteng tools na magandang i-master kung gusto mong maging häçker.

Pumili ka ng focus, isa isa lang, napakalawak ng mundo ng IT at häçking at napakaraming languages na kung gusto mo pag aralan ulit, mawawalan ka lang ng gana. Start from one tool then pag comfortable ka na gamitin, move sa next. Ang weird naman kung pag aaralan mo lahat, I mean, i-master mo lahat, all at the same time. Edi kaw na. You'll end up frustrated trust me.


Source: sti.edu
Certifications
Mostly yung hinahanap ng IT industry is Certifications compare sa degree. Specific skills over theory. Importante po ang certificate lalo na pag gusto mong mag apply or mag pa impress sa employer mo. Wala pa ko madagdag dito, since... I'm a student myself.

What I know is yung demand sa mga häçker is lalaki pa for more years to come. Thanks for reading!


 

azriel022514

Eternal Poster
Nice post boss, totoo lahat na sinabi mo. Meron kabang intaller ng kali boss, pwede ba i install yan sa windows os? Thanks boss.
 
Comment

Nicolandia15

Honorary Poster
Nice post boss, totoo lahat na sinabi mo. Meron kabang intaller ng kali boss, pwede ba i install yan sa windows os? Thanks boss.
Eto po yung link ng installer : You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Pwede rin sa Windows pero gagamit ka ng Virtual Machine, or pwede ka din mag dual-boot or live CD/USB.

Eto naman yung link kung gusto mo mag VM just in case.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Tutorial para sa installation including VMs nasa Kali Website po lahat.
Thanks.
 
Comment
Comment

azriel022514

Eternal Poster
Magandang offer yan boss ha. By the way taga saan ka baka pariho tayo ng lugar. Back to the topic boss, kailan ka mag simula ng seminar mo boss? Interisado ako boss.
 
Comment

Nicolandia15

Honorary Poster
Magandang offer yan boss ha. By the way taga saan ka baka pariho tayo ng lugar. Back to the topic boss, kailan ka mag simula ng seminar mo boss? Interisado ako boss.
Nope. Sabi ko po joke lang yun eh. Watch out na lang po for more tutorials dito sa PHCorner. :)
 
Comment

Online statistics

Members online
1,198
Guests online
1,416
Total visitors
2,614

Forum statistics

Threads
809,742
Messages
16,015,466
Members
1,434,951
Top