What's new

Help Pa-help naman po sa mga technician dito.

RD_2116

Addict
Pa help naman po sa mga technician dito about sa laptop. May hiningi kasi akong laptop sa pinsan ko na di na niya ginagamit. Pang online class ko lang sana. Kaso may defective daw po at hindi niya rin alam. Hindi naman na siya nag atubiling ipaayos kasi may bago na siyang laptop so hiningi ko na lang. Ang problema po is, pag chinacharge po yung laptop, umiilaw pa naman po yung indicator niya pero hindi po siya nag oopen. Ano po kayang problema nito? May balak naman akong ipatingin sa techincian to pero nagbabakasakali lang na may makatulong po muna sa akin dito para if ever, hindi na po ako gagastos. Thank you po sasagot at sana po may sasagot. ♥️
 
Baka lods pwede niyo i try na naka detach yung battery
Tapos power on lang

Or kung may spare or compatible sana na AC adapter pang test

Kung di pa rin nag o on, talagang sisilipin na ng tech yan
 
mahirap idiagnose yan sir unless maalam ka talaga. gaya sabi ni sir ^ either battery nga.

or sira ung power switch? flex cable or ribbon non?

either memory error. (madumi ung ram linisin gamit pencil eraser + alc0h0l) etc.
 
Last edited:
Baka sira po LCD nya ? ganun din kase yung sakin pinaayos ko sya, umiilaw yung indicator nya, umiikot din yung fan pero black screen lang sya. Pinagawa ko yung LCD nya ayun bumukas naman. Pero mas maganda kung dalhil mo sya sa technician para ma diagnose talaga nila.
 
Baka sira po LCD nya ? ganun din kase yung sakin pinaayos ko sya, umiilaw yung indicator nya, umiikot din yung fan pero black screen lang sya. Pinagawa ko yung LCD nya ayun bumukas naman. Pero mas maganda kung dalhil mo sya sa technician para ma diagnose talaga nila.
Pwede nga rin ito lods at TS
Pwede rin i try sa external monitor, makita lang kung nag bo boot o hindi
Kailangan lang VGA or HDMI cable at spare monitor
 
go see technician. wag mo muna power on.. matagal na yata hindi na oopen.
typically gagawin diyan ng technician ay open niya yan laptop. re seat lahat ng. check lahat ng periperals. tapos ita try nya i boot. makikita naman sa POST agad ang problema eh.
 

Similar threads

Back
Top