What's new

Pa advice naman po

ikaw ang mag move on ts, wag mo na sya pakialaman tagal tagal na lumipas ih.
 
Hayaan mong siya mismo lumapit sayo then dun muna tanungin mga problema niya para macomfort mo.
 
TS wag mong pakadidibdibin etong advise ko sayo ha pero sana may matutunan ka… Ako ay nagbased lang sa mga sinabi mo dito and hindi ko talaga alam ang tunay na ngyari sanyo nung kaibigan mong yun? Hindi ka ba napapagod Paps hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Hindi ka naman siguro kasama sa mga grupo ng mga whiners Paps, di ba?

Malinaw yung ngyari na pwede kang masaktan ulit di ba TS… Gugustuhin mo bang masaktan ulit? Bakit kailangan mong pumunta sa apoy para mapaso ka na naman… Pinalaki at pinag aral ka ng magulang mo para maging matalino ka…

Pinaramdam na sayo Paps dati siguro namanhid ka lang, kasi kung iisipin mo TS, in the first place kung may pagtingin din sayo hindi yan sasagot ng iba…

Bakit ka pa babalik di ba nasaktan ka na, and so the chase has ended na po (end of story na Paps)... Tingin mo ba exciting pa ba ginagawa mo Paps? kaya mong gawing exciting ang relationship nyo the way na nung nanliligaw ka pa at hinahabol-habol mo sya and the way na pwede na naman nyang ulitin sayo yun? I doubt, man… Make up your mind TS…

Bakit kailangan pa ng closure… Di ko rin maintindihan sa ibang babae kung ayaw nyo sabihin na lang na “AYAW” (hindi ko po nilalahat ha, hindi ko rin alam kung pinapaasa ka or dahil alam nya na andyan ka parati, dude hindi ka ba natatakot na maging si “Dennis Rodman – maging Rebounder!”, rektahin na kita ha, gugusutuhin mo bang maging panakip butas na naman!.. Sakit nun bro a! Hindi ka pinanganak ng magulang mo para maging “Tapal-Vulcaseal”!

Eto baligtarin natin sitwasyon, ikaw ba kaya mong gawin sa babae yun? Turn her down cold and hard? Oo ang sasabihin mo (siguro), kaya ng lalake yun e, pero kung ginawa nya sa yo yun anong mararamdaman mo? Bitter sobrang sakit, kagaya ng ngyayari sayo ngayon…

Ewan ko kung tama ako, pero TS parang ang ngyayari kasi Paps parang gustong gusto mo yung nasasaktan ka, Hindi ko alam if she's a bad girl or not (maybe?), pero Paps girls are not bad. Hindi ko lam Paps pero siguro she just does not wanna hurt your feelings, pero (baka lang naman ha- baka lang naman) ikaw lang siguro ang nagpupumilit kasi mahal mo and gustong gusto mo. Kung makulit ka, yun magiging bad sila by pushing you away as much as they can.

Siguro tama ka at mali ako and I am not sure if this is correct – Eto yung sick truths Paps:
  • Baka naman masyado mo siyang binigyan ng atensyon mo, at nasusuka na sya sa yo. get it over with.
  • Save friendship kamo (siguro pwede pa)? forget it na lang Paps. The moment na sinabi mo sa sarili mong liligawan mo sya, that is the time your friendship ended, nag-take ka ng risk. You can't save it (siguro, I guess pwede pa masave, di ko lam). Time will tell.

TS, makinig ka na lang dito sa ibang mga kaPHC natin sa mga advises nila and eto naman last word ko sayo sana makatulong “TS, please take this as a wet slap in your face, get it over with, quit whining, learn from it and move on”. Marami pang babae dyan… Sa dinami dami ba naman ng populasyon sa buong mundo bilyon bilyon yan isa dyan may tunay na magmamahal at ibibigay ng Diyos para sayo… Goodluck Paps and God Bless… Ingat lagi & do not forget to smell the flowers in the garden.. Hahahaha Keep smiling bro…
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top