What's new

OPPO A3s Adoptive Storage (Pros & Cons)

perkyperks

Addict
Joined
Sep 16, 2019
Posts
82
Reaction
29
Points
81
Hello ka-PC! Gusto ko lang pong i-share sa inyo ang experience ko sa pag a-adopt storage ko sa OPPO A3s ko. I've decided to adopt storage my OPPO A3s kasi hindi enough talaga ang 16GB na internal storage para sa apps na needed ko especially sa online class. Gumamit ako ng 64GB na SD card para sa adopt storage ng OPPO A3s ko and I was surprised after adopting it kasi directly sa SD card ang punta ng mga apps when you install it from Play Store kaya lang may mga disadvantage talaga sa pag a-adopt storage mo sa OPPO A3s mo pero in my case, hindi naman big deal sa 'kin kasi it works well naman sa phone ko. Mag wa 1 year na ako using adoptive storage pero hindi ako naka encounter ng mga such problems like lagging or slow performance basta lang original ang SD card ang gagamitin mo. Ang SD card na gamit ko ay:

IMOU Brand
*Class 10
*UHS-I
*U3

Yan po ang specs ng SD card na gamit ko.

ADVANTAGES:
  • Increases internal storage
  • App downloads from Play Store will be directly stored to SD Card including app data (Enabled "Force allow apps on external card" on Developer options)

DISADVANTAGES:
  • Original internal storage can be hidden and cannot be accessible
  • Can't open "Storage status" on Settings
  • Voice recorder fails to open (Install a third-party voice recorder instead)
  • You can't receive files using OPPO Share (Bluetooth and SHAREit can)

So far, yan lang ang napansin kong mga disadvantages ng pag adopt storage pero sa 'kin minor lang sya kasi you can use third-party apps naman if may mga default apps ang OPPO na hindi gagana like Voice Recorder.

WARNING: If balak nyong mag a-adopt storage sa OPPO A3s nyo, make sure na original ang SD card na gagamitin nyo. Maraming mumurahing SD card ngayon especially sa Shopee na fake ang mga binebentang SD cards like SanDisk 256GB for only 249 pesos. Nabiktima na ako nyan twice at hindi sya totoong 256GB ang storage kundi nasa 16GB lang at nag co-corrupt pa. Much better buy SD Card sa mga legit sellers, like sa mga Malls. Pwede rin sa Shopee and make sure na may nakalagay na "Mall" tag ang bibilhan nyo na SD card sa Shopee kasi yan ang nagpapatunay na 100% authentic ang mga items nila dyan, try and tested ko na rin. Sa Shopee ko rin nabili ang SD card ngayon na ginamit ko pang adopt storage sa phone ko.

Sa mga gamers dyan, I tried playing Mobile Legends sa adoptive storage, naka install ang Mobile Legends ko sa SD card talaga mismo at tsaka yung app data nya. Sa experience ko sa paglalaro ng ML is hindi sya lag at ang smooth nya pa so you don't need to worry about playing heavy games sa adoptive storage basta lang okay ang performance ng SD card nyo. Hindi ko na try sa COD, PUBG, Wild Rift, etc. kasi ayoko nang laruin ang mga yon kasi na addict na ako sa ML how much more sa iba pang mga games, minimize lang ako sa pag lalaro ngayon kasi nag aaral pa ako ngayon. Yun lang, wala akong problema sa pag lalaro ng ML na naka adopt storage sya.

So far, wala akong problema sa pag a-adopt storage and it works really good for me and contented na ako sa storage ko kasi wala nang insufficient storage ang nakalagay sa notifications ko. Hehe.

Yun lang po and maraming salamat!

PerkyPerks
 

Attachments

Pano yan lods? Apps ba to ?
eto yang video na sinundan mo diba TS? 🤔

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
mqdefault.jpg
 

Attachments

boss, may tanong lang ako...

yung isang tablet namin dito sa bahay: MyPhone Brown tab 1 sya.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Brown-Tab-1.jpg

so ganito yun, kahit ganun yung specs nya hindi sya exactly the best :LOL: 😅
di sya maganda pang games, lols

anyway, yung tanong ko sana is about yung "ADOPTABLE STORAGE" .


kasi bumili ako ng 64GB SD card na You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. para legit syempre haha.

ngayon, dahil android NOUGAT 7.11 naman yung tablet at supported naman yung format SD as "adoptable storage" ginawa ko.

mukhang ayos naman ang lahat.

meron lang isang step na hindi ko pa ginagawa, kasi may mga pics and vids pa ako sa Internal memory na hindi pa na back up, or sync.

so hindi ko pa pinipindut yung button na "migrate data"...

yang huling panel sa image sa right haha. di ko pa ginagawa. pinili ko later.


adoptable-storage-adopted-100647619-orig.jpg
(screenshots from google)

so mag me-merge ba yung internal + SD card? :LOL:

gumawa na ako ng intense googling hahaha.

pero di padin ako sure sa sagot dahil maraming conflicting data as USUAL pag dating sa android OS and manufacturers hahaha.

anyway, many thanks kung may masagot ka sakin TS haha.
kahit na magkaiba OS builds lol.
 

Attachments

Hello po, based on your question po as long as supported po yung device nyo na may feature sya na pwedeng gawing set as internal storage po yung SD card is hindi sya mag me-merge sa internal storage ng device mo bale magiging dalawa po yung internal storage nyo po sa device nyo. Na try ko na po din yan dati sa Cherry Mobile J1 ko that runs Android Marshmallow pwede kong ma format as internal storage ang SD card mismo di tulad ng OPPO A3s is kailangan mo pang dadaan ng CMD para ma adopt storage mo sya. Mag pagkakaiba nang adopt storage ng OPPO A3s at tsaka ng Cherry Mobile J1 include na rin natin ang MyPhone na tablet mo, sa OPPO kasi is ma hide lang yung original internal storage nya na 16GB at papalit dun ang SD card as internal storage hindi tulad ng Cherry Mobile J1 ko at ang MyPhone Tablet nyo po is hindi sya mag me-merge ang internal storage at SD card mo kung i-adopt storage nyo po at pwede nyo pa ring magagamit ang internal storage mo kahit naka adopt storage na yung SD card mo. Bale magkakaroon ka ng secondary internal storage kung saan pwede mong lagyan ng mga apps kasi pag naka Android Lollipop pataas na yung phone mo is hinding hindi mo na talaga ma move ang apps mo sa SD Card kaya ang tanging paraan nalang talaga para ma move yung apps mo sa SD card is yung i-adopt storage mo. Once naka adopt storage ka na sa MyPhone tab nyo po is magiging dalawa na po yung internal storage nyo po at hindi mo dapat pwedeng tanggalin ang SD card na naka encrypt sa tab mo kasi magiging exclusive use nalang sya sa tab mo yung SD card kasi nag act na sya as internal storage.
 
As you can see po sa screenshot below, ang internal storage at ang adoptive SD card po is separate nyo po syang magagamit.

(Image source: Google)
 

Attachments

nagawa ko na yan dati sa oppo a3s ko mga 2018,Naging Internal storage yung sdcard..Pero after 6months Bumigay yung sdcard ko,dina kinaya mag run ng mga apps na Ininstall ko sa Cp ko haha..Dko na naayus yung sd card ko,Kaya Tinapon ko nalang haha😂
 

Similar threads

Back
Top