What's new

Closed Online Class

Status
Not open for further replies.

jhunrel

Honorary Poster
Joined
Mar 2, 2016
Posts
242
Reaction
28
Points
135
Tingin nyu effective kaya ang magiging online class ngayung school year
 
Sa totoo lang, depende yan sa sitwasyon at sa estudyante. Kung hindi privileged with good resources and decent gadgets or devices, lugi talaga. Lalo na kapag mabagal ang Internet connection. Depende rin sa estudyante kung sanay sa self-study/individual learning.
 
dependi talaga yan sa estudyante paps if masipag mag self study hnd ka aahon kung hndi ka mag eexplore with your own. hndi naman lahat ng bagay tinuturo sa school eh but at least mas madali maintindihan pag sa school pero dapat masanay ka na mag self study ngayun .. dependi talaga yan sa studyante
 
agree ako sayu paps.

madaminh hindrance lang talga
dependi talaga yan sa estudyante paps if masipag mag self study hnd ka aahon kung hndi ka mag eexplore with your own. hndi naman lahat ng bagay tinuturo sa school eh but at least mas madali maintindihan pag sa school pero dapat masanay ka na mag self study ngayun .. dependi talaga yan sa studyante
 
one of the major factor is the behavior of the student. Karamihan sa mga kaklase ko ngayon ay yung tipong hindi makikinig kapag magdidiscuss yung mga subject teachers namin noong may physical classes pa. Sila yung mga estudyante na maglalaro ng ML habang Free time or kahit oras ng mga minor subjects. How much more may online classes na.
 
May kakilala ako nag oonline class na rin sila, ang ginagawa nila naglalaro habang nagdidiscuss yung professor nila, satingin ko hindi naman nila maiintindihan nila yon kasi na sa iba yung focus nila anyway ang gamit nila laptop. Mas hindi talaga natututukan kapag online class.
 
For me it's not. Kasi wala naman quality ang pag-aaral kapag sa online class lang. I tried online class bago kami mag bakasyon nitong nakaraan April-July yon. So, ang nangyayari parang dumadaan lang samin yung tinuturo. Tas ang nangyayari nagpapasa nalang kayo ng requirements para makapasa. Tas matindi non. Nangongopya nalang ako sa mga kaklase ko, ginagawa namin ng tropa pag nauna mag Exam, quiz yung isa ini-screenshot nya yung question at answer don hahaha tas yun pine-perfect namin exam kahit walang review. Naka flat uno ang GPA ko ng kakaganon hahahaha pero dean's lister talaga ako kahit nung nakaraan pa pero walang kahirap hirap magpa flat 1 pag online hahahahaha ayon ang aking hapi tot
 
Hindi talaga effective ts. Pwede nating sabihin na depende sa estudyante pero ano ba yung mas marami? yung kayang matuto kahit online class or yung hindi kaya?.
Mas madami yung mga estudyante na hindi kaya not just financially dahil kailangan pa ng gadget kundi mentally na. Dapakadaming estudyante harap harapan na yung pagtuturo hindi pa naiintindihan paano pa yung online class. Kung ipipilit na talaga ng DepEd panigurado pag balik ng physical learning mas hirap sila.
 
In that case, it's now their responsibility na wala silang natutunan, they were being negligent sa online classes nila. Napakaswerte nila na they have the resources available to their needs.
 
Bukod sa sitwasyon, depende rin kasi talaga yan sa estudyante. Pabor sa part ko yung online classes kasi una sa lahat may phone naman ako at may connection naman kami sa bahay.

Personally, mas gusto ko ang online classes kasi una sa lahat mas nakakatipid ang mga magulang ko ngayon. Hindi kami hirap sa buhay at ako na lang naman ang pinapaaral pero masaya ako sa part na 'to kasi nakabawas sa gastusin. Walang baon, walang kung ano-anong libro na pinapabili (na hindi naman talaga nagagamit), walang uniform, walang magastos na projects at wala na rin yung kung ano-anong binabayaran sa klase.

Hindi na rin ako nahihirapang mag-b'yahe. Traffic masyado at madalas akong nahuhuli sa klase o di kaya sa pag-uwi no'ng normal ang klase. Nabawasan yung stress at hassle na naramdaman ko ngayon since nasa bahay lang talaga. Yung imbes na i-aaral o ipapahinga ko dati nauubos lang sa b'yahe. Ngayon, mas nakakatutok na sa pag-aaral. Wala na rin rason para tamarin pumasok.

Pagdating naman sa turo, masasabi kong mas effective sa akin 'tong ganito kasi in the first place karamihan sa prof ko noon hindi naman talaga nagtuturo kahit sa aktwal na klase. Nauubos ang oras sa kwento, tsismis, pagtatalambuhay at sermon. Pero ngayon, dahil may hinahabol na oras at mas conscious ang instructors since online classes at possible na nakikita o naririnig sila ng mga kasama ng students sa bahay, mas straight to the point na sila magturo. Diretso. Walang paligoy-ligoy. Attendance lang tapos lecture/discussion na agad. Yun lang naman kasi talaga ang kailangan kung tutuusin eh (o baka wala lang talaga akong pasensya sa unnecessary things). Tapos yung profs na hindi dati nagsisipasok, ngayon wala na silang choice but to attend and teach kasi una sa lahat monitored sila. Pangalawa, ano pang rason nila? Sa wakas, nasusulit yung tuition. Haha.

Pagdating sa natututunan, naka-depende rin kasi yan minsan sa willingness ng estudyante na matuto. Oo, totoo, mas madaling kumopya o mandaya ngayon pero yun na nga yung punto kung bakit sinasabing depende talaga sa estudyante. Kung kopyador at mandaraya ka talaga, wala ka talagang matututunan. Kasalanan mo yun kasi hindi mo ginawa yung part mo bilang estudyante. May choice kang mag-aral at matuto given the fact na partida halos lahat na nga ng references o reading materials nasa Internet. Kailangan din kasing mag-effort bilang estudyante. Sa totoo lang, sa online classes ko talaga nakita kung gaano katamad matuto at magsaliksik yung ilan. Hindi talaga magiging effective ang online classes sa mga ganitong estudyante. Hindi naman tayo pako na kailangan laging pukpokin.

Sa wakas, hindi ko na rin kailangang magtiis masyado sa mga ka-grupo/ka-partner na pabigat o freeloader at plagiarists na mga kaklase kasi more on individual tasks na ngayon. HINDI KO NILALAHAT pero panigurado yung iba sa mga estudyanteng nahihirapan ngayon, sila yung mga dakilang asador at kopyador sa klase. Yung kulang na lang pati pangalan mo kopyahin. Sasabihin nung iba wala silang natututunan ngayon kasi kesyo hindi raw nakaka-motivate. Ewan ko pero para sa akin patunay lang ito na karamihan kasi sa estudyante sanay na spoon-fed sila. Parang naka-depende yung willingness nilang mag-aral sa mga kasama nila.

In terms of privilege check, gusto ko lang i-point out na ang phone ko ay lumang model na pero dito ko ginagawa lahat ng activities ko. Five years ago pa 'tong model na 'to partida at pinaglumaan lang 'to. Pwede naman akong humirit sa magulang ko pero I don't see the point kasi estudyante pa lang naman ako. Aanhin ko ba yung masyadong magarang phone/gadget? I should learn how to make do of what I have. Diskarte lang din kasi minsan eh. Naniniwala kasi ako na hindi porque't privileged yun lagi ang papairalin.

Bilang estudyante, dapat matuto rin mag-adjust. Hindi pwedeng laging spoon-fed ng prof at asa na lang sa kasama. Para sa akin, wala akong matinding rason para hindi mag-aral at matuto kasi halos lahat naman ng kailangan ko ay provided. May Internet kami at may phone ako. Yun lang e sapat na para sa akin.
 
Itong mga sinabi ko, sariling perspective ko 'to as a privileged student. I'm not speaking for everyone. Ang totoong kawawa dito ay yung mga hindi privileged to have such resources. Hindi sila gumagawa lang ng rason. Kung mahina o di kaya totally walang Internet connection at gadget sa panahon ngayon, sobrang hirap. Yung ibang scholars napipilitan lang ngayon mag-enroll kasi mawawalan sila ng scholarship kapag tumigil. Yung iba naman takot mapag-iwanan. Yung iba hindi rin conducive ang learning environment.

Isa pa, hindi talaga lahat ng estudyante mabilis maka-pick up ng lessons. Totoong struggle 'to para sa ilan. Pero kung privileged at tamad lang talaga haha ibang klaseng kakapalan na ng mukha yan. Matuto rin tayong mag-sarili, mag-adjust at maging madiskarte.
 
Last edited by a moderator:
Never naman talaga that effective yung physical classes namin. May mga guro na hindi pumapasok sa oras nila, meron ding puro reporting nalang pinapapagawa. kung may reporting sa isang subject halos lahat binabasa nalang sa powerpoint:(, a total waste of time. At the end, nag seself learning nalang talaga ako kapag may major exam na paparating.
 
Same, sir. Ngayon, yung ibang profs na tamad napipilitang gawin yung trabaho nila (as they should have mula pa umpisa) kasi hindi naman sila makapagpa-report ng estudyante ngayon. Masaya ako sa part na 'yon. 'Di ko naman nilalahat pero based sa experience ko, wala naman talaga akong natutunan halos sa physical/face-to-face learning mula sa profs kasi halos lahat tamad. Puro pagpapatay lang ng oras sa totoo lang. Isa pang kinaiinisan ko yung konsepto ng groupings na madalas sa isang tao lang din bumabagsak ang gawain e wala namang choice. Haha. Pagod na ako kaya as much as possible gusto ko individual tasks or di kaya ang gagawin ko magpapahuli ako para solo ako. Sa huli, gaya mo sir, umaasa na lang din ako sa self-study kaya itong online classes na 'to effective talaga sa 'kin.

Note: Again, I'm not speaking for everyone kasi baka may bumanat bigla na wala akong konsiderasyon sa iba. This isn't just about my privilege. Haha.
 
Personally nahihirapan ako sa online class yung tipong di mo ganun kagets hindi kagaya before na madali lang magtanong and yung teacher samin mahirap i approach. And sa load sa dami ng pinapagawa need talaga ng bigger data. And sa bahay naman tendency tinatamad kasi nasa comfortable na place ka. Kaya nasa estudyante talaga yan if kaya niya mag adjust sa situation.
 
nasa studyante tlga yan kung gusto talaga nila matuto kahit hindi sila nakikita ng teacher gagawa sila
teacher ka o student?
 
Enrolled ako at sa tingin ko napaka unfair sa hindi makakapag aral ngayon. Kasi modular and less days ang pasukan ngayong new normal at automatic pasado ang lahat kung magtuloy tuloy ang ECQ at hindi mag allow ng face to face.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top