What's new

Help Ok ba ang american home aircon? any thoughts?

arsenal1205

Intel® Xeon® Gold
Contributor
Joined
Mar 13, 2018
Posts
35,126
Solutions
330
Reaction
129,087
Points
22,139
Meron kaming gree window type ac. mga 0.7 hp kaso malaki ang room na ginagamitan kaya di na kayang lumamig ang buong kuarto. Pero noong bagobago pa ang ac, kaya naman. 8 years na ang aircon since noong kinabit, balak palitan ng sister in law ko kasi nandito ang anak niya (pamangkin ko) sa amin. (nasa abroad kasi parents niya.)

Kala namin kulang na sa freon kaya di lumalamig. Ok naman daw ang freon sabi ng mga aircon technicians na pumunta samin.
Pero ang sabi nila kailangan daw ng 1hp pataas na window type ac dahil di na effective lumamig sa ganong kalaking room. Kaya ppalitan na ng bago at tatangalin na ang lumang gree window type ac.
Payo ng pinagchekan namin ng aircon, mga technicians sabi nila ang the best brand ng ac is condura/carrier at panasonic. Kaso ang binili ng sister in law ko online is american home window type ac sa ansons na worth 13+K. Nakita ko lang sa whatsapp chat ng nanay ko at sister in law ko sa convo nila. na nag order na sila ng ac. Tapos kinuwestion ko ang nanay ko na bakit american home ang inorder nila? dapat panasonic, condura/carrier, lg etc. Sabi naman ng nanay ko kakahiya naman kung magreklamo sa brand na binili bigay lang nila iyan. Kaya no choice naman kung palitan ng order into another brand. Hindi naman ikakabit sa kuarto ko kaya ok lang yun ang binili nila. (No big deal naman.) Sa master's bedroom namin ikakabit where my pamangkin also sleeps.
Just questioning yung brand's reputation for quality.

I've never experienced owning an american home brand appliances before. di ako sure sa reliability o tibay ng brand kaya need ko lang ng help sa inyo na meron na sa inyo o nagkaroon na ng american home brand aircon or any appliances nila na maganda ba ang quality and reliability ng american home appliances?
 
Last edited:
"American" brand , since 2009 until now ay nagagamit pa namin at wala pa sira.. 1.5hp samin. with timer. timer ang matipid..
Basta wag tatamarin lilinisan ng alikabok every 3 weeks, at general cleaning every 4-6 months.. (y)
 
Nakadepende ang aircon capacity sa area ng room. Pag undersize ang aircon capacity mahihirapan palamigin ang kwarto. Masisira din agad ang ac mo dahil palagi max ang andar nya. Palagi magtatrabaho kasi d mapalamig ang kwarto.
 
goods din naman pala yung American aircon. Pumunta kasi ako sa isang simbahan sa Valenzuela at yung sa office nila gamit American aircon. 2016 pa sa kanila yung unit. Tamang alaga linis at maintenance lang kailangan.
 
naku! pero samin pag malamig ang panahon di namin ginagamit. pero pag mainit init ang panahon ginagamit nila pag gabi. Baka todo yung usage nyo? :unsure:
 
1hp yung kinuha ng sis. inlaw ko. kaya tama lang yung lakas at kakayahan niyang mapalamig yung room. yung luma namin aircon 0.6hp na gree hindi na lumalamig kaya ganun pala.
 
Kaya bago bumili ng aircon sukatin muna yung area ng room (L X W). Sabihin sa ahente kung gaano kalaki ang area na palalamigin.

Normally ang 1hp kaya nya ang 11-15 sq. Meters
 

Similar threads

Back
Top