What's new

Oily Face.

Execration

Forum Veteran
Elite
Joined
Apr 21, 2019
Posts
1,563
Reaction
663
Points
525
Patulong sana, 16yrs old lang ako and sobrang oily ng face ko as in, nung 12-14 palang ako di siya oily, at másáráp siya hawak-hawakan dahil konti palang pimples but ngayon nakakadiri at nakakababa na ng self confidence, like everytime na mapapahawak ako sa part ng face ko ang lagkit, kaya lagi ako may hawak na panyo or kung ano mang pampunas kasi feeling ko kapag may nakakakita sa akin baka sabihin "Taong Grasa ako" like legit Human Grease. If Hygiene naman, everyday ako naliligo, wala akong skincare routine kasi busy sa ol class at di talaga ako palaayos sa mukha(kayaoily) ano kaya pwede kong gawin, everynight akong punas ng punas sa mukha ko kasi feel ko talaga yung oil e huhu.
 
ewan pero bakit ako hindi naman minsan lang ako magkatigyawat tapos nawawala naman agad wala naman akong pinupunas o nilalagay sa mukha ko hindi rin oily hindi rin ako naghihilamos
 
Inum ka ng maraming tubig daily at regular kang mag hihilamos. lagi ring oily ang face ko.
 
Oo magkaiba, yung Oily parang malangis na madulas na malagkit basta di siya kaaya-aya sa mukha.
 
wag mag puyat boss.
gawin mo 8 to 12 hours tulog mo. dapat sagana ka sa tulog. pagurin mo sarili mo sa araw para tulog ka pag gabi. gawin mo lahat gawain bahay, wag matulog ng hapon. nakaka sira ng sleep routine kasi yan.
 
sa pagkaen yan tsong. Iwasan mo muna mamantika and salty foods, puyat, tsaka hilamos lagi tsong dudugyot ka talaga kung maski hilamos d mo magawa. Safe guard lang pag gising, sa hapon pag mainit at pinag pawisan tsaka bago matulog kung may extra ka bili ka ng master na toner kahit maliit muna tapos bulak kahit ung mumurahin lang. apply ka nun pagtapos maligo tangal dumi tapos paghilamos mo bago matulog.
 
Siguro natural lang yan na mag ka pimples at oily dahil sa edad mo part lang din ng pag laki pero kung gusto mo wala yan mag skincare routine ka gumamit ng anti oily face na toner o kaya mag safe guard ka nalang kasi malakas makapag dry ng balat yon. Tapos iwas muna sa mamantikang pagkaen at uminom ng maraming tubig
 
ako din sobrang oily ng face ko, kahit lagi ako nasa room na may ac, di naman ako tigyawatin sa mukha, pero sa likod ako nag kakaron. punas lang ng tissue ang ginagawa ko. kasi pag naglagay ako ng kung ano ano sa mukha nagkakatigyawat ako.
 
Ganyan din ako dati pero unti unti naman nawala nung gumamit ako ng Ponds na Green. 😆
 
Ako laging maghihilamos twice a day pero oily parin nabasa ko di rin daw maganda paghihilamos ng mukha dahil mas mag oil ang mukha kaya ngayun problema paano kaya maging normal ang oil ng mukha ng taong oily
 
para sa age mo natura lang yan ts..
pero dahil conscious ka, eh follow mo lang lahat ng sinabi ng ating mga kapwa taga phc, 👌
 
try mo ts ice cube sa gabi pang hilamos mo sa mukha tpos lagi ka lng dala panyo dampi dampi lng kpg nagpawis wag kuskus
 

Similar threads

Back
Top