What's new

[Off Topic] bat ang mamahal ng GPU ngayong 2021?

Status
Not open for further replies.

purplehazee

Enthusiast
Joined
Feb 12, 2021
Posts
62
Reaction
27
Points
54
Title says it all.

Oorder sana ako ng GPU, rtx 2060 sana, nalaman ko nasa 28k? xD i think last year 21k lang sya or 20k, nag-pass ako and tinanong yung price ng gtx 1660 i think nasa 22k naman sya na unlike dati nasa 16k-18k, di ako informed about sa mga price change ng mga to lmao, hindi ba dahil pandemic ngayon kaya ganyan?

and may chance ba na bumaba yung price nitong mga GPU and other hardwares sa PC soon? xD

Thank you!
 
Last edited:
Pwede din po na dahil tumaas ang demand ng consumers. Dahil na din sa pangangailangan ng mabibilis na parts ng computer dahil work from home napo karamihan due to pandemic. O kaya ay nag kakaroon na ng undersupply sa availability ng mga to.
 
Yuo dahil sa pandemic yan ts kaya tumaas demand nung gpu ngaun gawa ng karamihan na talaga ngayon is work at home may mga files sila na inaayos na required yung mataas na gpu, kaya nagkakaubusan ng supplies sa market kaya ang sesti yung mga may stock pa o yung mga nagiipit dati ayun tinaasan na nila yung market value ng sa kanila, 😅
 
May chance kung dadami yung supply, or maging normal na yung buong mundo mawala na tong covid kasi babalik na sa dati yung karamihan no need na mag work at home 😅
 
Possible pero baka po matagal due to health measures nadin para sa mga workers sa factories. Di nmn po ata papayagan ng mga authorities na kumpol kumpol po ang tao sa loob ng factories kaya po ata bahagyang bumagal ang production ng mga ito. Kaya i think nag kakaroon na ng kamahal dahil nga sa poor production at availability nito. Baka po pag normal na ang lahat at wala na ang pandemic at balik normal na ang work ng mga tao. Interaction kasi pag factory worker sa mga machines to operate. Di po makakagawa pag work from home 😆. Opinion kopo ito. ✅
 
[XX='Power ćP Gals, c: 1043345, m: 245236'][/XX] ok ok got it, thanks sir! akala ko talaga tubong lugaw yung pagbibilan ko, pero pansin ko din sa ibang shop same price/similar price lang.
 
[XX='purplehazee, c: 1043429, m: 1824586'][/XX] about naman dyan yung mga legit shop kasi o yung mga kilala na sa mga pagbebenta ng mga parts ng pc ay they maintain yung tiwala sa kanila ni customer or para hindi lumipat yung customer nila hindi nila sinasabay yung price nila sa price na nangyayare sa online market, unlike sa mga tao lang na walang iniingatan na name ng shop or pangalan wapakels sa presyo sasamantalahin nila yan hanggat on demand yung items, tama yung nasa baba karamihan dyan mga scalpers kaya asahan mo na tataas talaga, yan yung mga nagbebenta ng tubong lugaw talaga ih bibili ng maraming supply iipitin at ilalabas pag nagkakaubusan na ng supply tsaka ibebenta ng mas mahal,
 
basically dahil sa pandemic, since nasa bahay lang ang mga tao muling nagkaroon ng interes sa crypto mining, tumaas ang demand sa mga GPU, right now pati price ng mga PROCIE ay tumataas na rin

Kung kaya pa naman ng current set-up, mag-wait na muna, it's not advisable to buy GPU at this time, sobrang OP ang mga ito

imagine kahit mga used na GPU ay binebenta sa mataas na price na rin (I have bought a used GTX 1060 6GB last January at P6,500, now ang bentahan ng used o second hand ay pumapalo sa range na 9-11k)
 
yeah yeah like the others users said above ganon yung reason kung bat nagtaas dahil sa pandemic, ang nabili ko lang tuloy kahapon is mobo and psu xD

yes sir, my friend told me about this na hindi worth it mag upgrade GPU ngayon, kasi nga ganon yung prices. But hoping sana bumababa yung price OR bumalik na sa dating price :(
 
based sa mga nabasa ko, dahil din to sa Scarcity ng materials at production dahil sa pandemic. Isang factor pa ay dahil sa Crypto mining. Kaya lahat ng shops ngayon na may old stocks ng cards namumuhunan at sumasabay sa inflated price ng cards. Nakabili ko last year sa PCHub rtx 2060 nasa 16k lang brand new. Grabe presyuhan ngayon 1660 kapresyo na ng 5700xt. hahahaa pati 2nd hand cards, instead na bawas na presyo, tumubo pa baka mas mataas pa sa price na pinagbilan nila
 
yes sir, nung last year kasi nag dadalawang isip pa ko kung bibili GPU kasi ang mura na lang ng rtx 2060 noon at rx 5700xt, sabi ko soon na lang siguro, tas ngayon naman kaprice na ng 1660 nga yung 2060 ngayon, mas higher pa ata lmfao. Buti na lang sinunod ko yung payo ng mga aport ko na wag muna mag upgrade ngayon. Pero sa ngayon ipon muna ulit, baka pag normal na mag 3060 na siguro ako lol.
 
Marami dahilan kung bakit tumataas hindi lang gpu pati lahat na din mg iba pa parts ng computer. Dahil na din una sa pandemic malaki naging epekto nito sa produce at sa pagawa. Pangalawa yun silicon shortage alam naman natin una components para magawa ng mga electronics parts silicon at hindi lang naman computer ang need yun pati na sa iba bagay tulad cellphone ect. Pangatlo miners dahil sa sobra dame demand ng miners at typical na users. Nauubusan agad stock sa mga local/international shop at alam niyu na siguro law supply and demand.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top