What's new

OA ba maging clingy ?

wala naman masama sa pagiging clingy kaso dapat may hangganan, sabi nga nila masama ang palaging sobra,
 
Kung magiging clingy ka, at tingin mo di mo kayang bawasan, siguraduhin mong kaya mong ituloy tuloy yan kahit na tumagal kayo. Kasi kung sasanayin mo siya sa ganyan at hindi mo din naman pala kayang i maintain, hahanapin niya yan at ending siya din kawawa.
 
pra sakin mas ideal na situation yan..kasi kadalasan ang lalake ang nag sasawa oh nakukulangan ng effort in the long run. Ngayon kung ang babae ang ng rereklamo, in a way mas ok yun kay TS kasi nga hindi mo naman kayang i maintain yan.
 
pwede naman idaan sa simpleng usapan na may problema ba sya sa relasyon ninyong dalawa or maybe something wrong sa inyo..

who knows di kami makahula ng nangyari kayo lang talaga ang magkaintindihan sa usapan.(if may mangyari na di inaasahan, andito naman kami as in na maraming tao na mag guide sa iyo :) )
 
Haha problema mo boss parang yung buhay mo nagrerevolve sa gf mo. Yung sinasabi ng mga babae na sila dapat priority mo, wag ka maniwala dun. Sa totoo lang di rin nila alam kung anong gusto nila hahaha.
 
You will learn from this experience TS na meron talagang bagay na masama sya pag sumobra.. hihihi

Tamang timpla ng mag GREATASTE COFFEE WHITE ka nalng hahahaha
 
Para sakin, oo pangit maging clingy. Isang bagay yan na kino-consider kong toxic sa isang relasyon. Ang pagiging clingy kasi may tamang oras, at panahon. Pero kung yan nalang ang pakikitungo sa partner mo ang nagagawa mo, disservice yan sakanya in the long run.
Kailangan ng lahat ng tao mag mature sa relationship. Deserve ng partner mo malaman kung sino ka tlaga, at hindi yung persona na binuo mo para sakanya. Yung tunay na ikaw. Yung ikaw pag ibang tao ang kaharap mo. Yung ikaw na kilala ng pamilya at mga tropa mo. Yung ikaw na andyan bago pa sya dumating sa buhay mo.
Kapag sakanya lang kasi umiikot ang mundo mo, di mo man sinasadya, pero pinipilit mo din syang umikot ang mundo sayo. Never matututo ang bawat isa sainyo ang makipagnegotiate ng "me time", isang mahalagang aspeto sa relasyon.
 

Similar threads

Back
Top