What's new

Numero Syete

zysss

Enthusiast
Joined
Mar 7, 2022
Posts
35
Reaction
61
Points
38
Sa katamtangang aral ng kahapon, tinapay ang pares ng kape sa malumanay na hapon.

Tilaok ng manok marka ng sansinukob na matiwasay, haplos ng hangin na nagsisilbing gabay, makulimlim na kalangitan bilang paalalala sa ano mang pagsubok ang dumaan ika'y babangon pa rin upang ipagpatuloy ang buhay.

(11:00pm) Hamog sa kalawakan na wari'y kanyang ibubuhos ang kanyang nararamdaman sa di katagalan ay sya lamang ay nagdidilig sa kanyang sariling inaasam na katiwasayan.
Sa pito ng mga ibon sa kalangitan na maririnig umiikot sa isipan ng niyog na sadyang nahihilo sa pagsayaw ng hangin ngunit ito'y may dalang magandang himig gayon man ito'y mapaghamon sapagkat ito rin ay may halong kalamangan.

Ito'y di nakikita sapagkat nararamdaman, na wari'y isang hardenero na umaasa sa pagsikat ng araw na ito ay ang kaniyang itinanim na buto ng margarita ay mamumulaklak ng pulang rosas. Sariling kaisipan ang pangunahing kalaban sapagkat ito'y paiba-iba ng temperatura datapwat sumisibol ng iba't ibang kwento na para bang sa tuwing hindi makontrol ang saklaw ng pangyayari ito'y nakukulong sa madilim na sulok ng gubat habang nakatali sa ugat na nagsisilbing posas. (1:50pm)
FB_IMG_1647863042526.jpg
 

Attachments

Last edited:

Similar threads

Back
Top