What's new

Numero Onse

zysss

Enthusiast
Joined
Mar 7, 2022
Posts
35
Reaction
61
Points
38
Umagang kalmado pagkaraos ng malakas na ulan, maginaw na hangin sumisipol nang katamtamang lambot sa mga unan. Sa mga sambit na di nagustuhan ay ang pagsara ng pinto ng isang isipan.

(3:53pm) Sa komportableng handog ng hamog sa kalawakan ay ito rin ang nagpakulimlim sa saradong silid na tila ba'y ito ay papatak nang pagkalumbay sa mga alapaap ng kasalungat sa kapayapaan. Isang kemikal na dumadaloy at walang hugis tulad ng tubig ay naramdaman sa kinabibilangan ng ilalim ng mga mata na wari'y huling buhos ng natutuyong ilog ng pamamanglaw na katiwasayan.

Mga ulap ng imahinasyon sa bubong na parang isang sinulid na nagkawatak-watak sa dumagundong na sitwasyon. Silip sa bintana ng mapayapang kapaligiran bunga ng mapait na kahapon na wari'y ang araw ay humihimlay sa dapit-hapon.

Sapagkat kabaliktaran ng sinag ng liwanag ang bumabaon sa matamlay na katawan, ito'y mga salitang matulis na parang isang kutsilyo ng realidad ngunit pinilit na ipinid ang kaisipan sa masakit na katotohanan. (8:35am)

(Maiihahalintulad sa isang ulap na kahit sa gabi ay umiikot ito patungo habagat na minsa'y nagsisilbing tagapaghilom sa buwan na puno ng kamalian.)

Pagtakip ng tenga pag-iwas ng kidlat sa panandaliang oras sa mabagal na proseso ng pagbabago subalit ang kaisipan ay kasalungat sa positibo tila'y dalawa ang namumuhay sa isang tao. Itigil ang paghinga subalit ang sarili mismo ang pumipigil sa pagdedesisyon na ihinto ang ikot ng mundo. (9:48am)

Ipikit ng makailang ulit ang mata, silip sa bintanang sa kulay berde nagpapahiwatig ng mapayapa. Hayaan ang likidong pumapatak sa tela ng unan inaasam sa kinabukasan ito rin ay magtutugma.

IMG_20220414_094636.jpg
 

Attachments

Back
Top