What's new

Feedback NOT GOOD: Sinasamantala at ginagawang negosyo ang pagpapaonline sa NBI (Region 2) para sa mga walk-in applicant

Jay_Joker

Eternal Poster
Yong 130 sana na babayaran para sa Clearance ay nagiging 235 (sa Region 2, based on experience) para sa mga walk-in applicants (yong mga hindi na nagpa-appointment kasi kung magpa-appointment pa sa website nila, aabutin pa ng isang buwan bago ang schedule)

Ganito yong scheme nila: Kapag nagwalk-in ka na walang appointment, uutusan kang 'magpa-online' sa may kainan sa tapat ng NBI at magbabayad ka doon ng 235 pesos.

Ginawa ng negosyo. Kasi kung talagang pwede ang walk-in, bakit hindi pwede na ikaw na mismo mag-online sa website nila at sa NBI cashier kana lang mismo magbayad ng 130?

Mabilis lang naman mag-online, maglagay lang ng mga personal information.

Sa susunod na post ko ituturo ko kung paano makapagwalk-in pero hindi magbabayad ng 235, 155 lang ang babayaran.

My Feedback sa NBI (Region 2): Very poor service hindi lang dahil dito sa appointment at payment issues, pati rin sa Customer Services nila. Di man lang marunong magpaliwanag kung bakit papabalikin ka after 15 days.
 
Di na pwede walk in ngayon even sa pagkuha ng police clearance, online na kadalasan ngayon, para pagpunta mo doon sa office releasing nalang wala ng pila.

Kahit saang region naman merong ganyan. Bastat hindi ka marunong magonline o ignorante ka sa mga ganyan mapapabayad ka talaga. Easy lang naman mag online appointment.

If pababalikin ka ng 15days ibig sabihin po ay may "hit" status po yung pangalan mo( may kapangalan ka na may deregatory records).
 
Last edited:

ITO ay base sa experience ko dahil dalawang beses na akong kumuha ng NBI Clearance.

Una: ako mismo nag-online appointment kasi hindi naman urgent ang pangangailangan. Mahigit 1 month bago ang schedule ko. Okay lang maghintay.

Pangalawa: Nagwalk-in na ako kasi urgent at dahil alam ko na ang scheme nila. Magpa-online ka lang doon at pwede na agad kunin. Hindi na kailangan maghintay ng mahigit isang buwan bago ang appointment.

Di ko nilalahat, pwede ang walk-in sa Region 2. Sundin lang ang scheme nila.
 
Ok dyan sa region 2 dahil pwede mag walk in, pero sa ibang region di talaga pwede. Depende kasi yan sa slot ng appointment schedule nila, sa amin nga if ngayon ako nagonline ng appointment pwede ko ng kunin doon sa office nila at the same day if nababayaran ko lang via online payment.
 
As a modern perspective eh lamang talaga tayo sa ganyan larangan but sometimes di mo masisi ang tao dahil sa kakulangan sa info or di alam kung paano gawin, nagmamadali, even takot gawin dahil baka magkamali. Usually laganap naman yang ganyang services ("Assistance") pwede lang siguro ikwestyon ang fees kung paano ma-regulate ng tama at di masakit sa bulsa.
 
Natanong mo na ba ts yung about sa renewal? O kung alam mo na yan? Di pa ko sigurado about dyan sa renewal kasi last year nung kumuha ako ng nbi clearance hindi pa ako nakapag online appointment nagbaka sakali rin ako na baka pwede mag walk-in hindi pa pala pwede, nung mismong nasa nbi office nako, tinanong nila ako kung nag fill-up na daw ba ako online.. Sabi ko hindi pa.. sunod na tanong nila sakin kung dala ko daw ba yung expired na nbi clearance ko.. naiwan ko sa bahay nun yung expired na nbi clearance ko, hindi ko alam kung paano process kung magpaparenew ka lng naman, kaya nag online nako same day rin naman pagkabayad ko sa Bayad Center nakuha ko din agad..

Ang pinagtataka ko lng sa unang kuha ko ng NBI naka Hit ako kaya naghintay pa ko ng ilang araw bago ko nakuha.. pero nitong pangalawa kung saan online ako nag fill-up ng form nakuha ko agad.
 
Grabe pala jan sa inyo
Dito sa amin (Region 3) kakakuha lang ng tropa ko NBI nitong monday lang P130 may binigay sakanya papel schedule .. then Tuesday lang kuha na nya agad .. wala na sya binayadan iba pa..
 
before pandemic pa ang nbi appointments na iyan
meron talaga charge kapag di ka marunong mag navigate ng online appointment
dapat lang naman kasi service din iyang in-avail mo, nag-aral sila para tulongan kang maka navigate
magiging corrupt lang iyan if sapilitan kang pinapa tulungan sa mga iyan kahit marunong ka naman gumawa ng nbi appointment
if marunong ka naman gumawa ng appointment pwede ka ding magpa bayad sa mga tutulungan mo
 
Ano kaya gagawin mali yung middle initial ko Onate yung nilagay e sa online registration Oñate yung nadon? sa system ba nila yun o mga kaclumsyhan lang ng mga nbi region 2 yun?
 
Similar threads

Back
Top