What's new

Poems Noon at Ngayon

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,936
Solutions
6
Reaction
66,352
Points
16,620
Kung ating iisipin mas másáráp mabuhay sa panahon noon kesa sa panahon ngayon
Sa isang payak at payapang nayon.
Simple ang pamumuhay ng mga tao,
wala masyadong away at gulo.

Sa mga bagay bagay ay sadyang kuntento,

Mga pagkain sa araw araw hindi nila masyadong pinoproblema,

Dahil sa bawat bakuran ay duon makukuha't makikita,
Madami ka ng mabibili sa iyong pisong sentimo,
ma pagkain man o bagay na iyong gusto.

Noon ang mga bata ang nilalaro ay tumbang preso,taguan,patintero at habulan,
Takbo dito,takbo duon,
walang kapaguran
tila walang sawang kasiyahan.


At pagsapit ng gabi lahat ng tao nasa loob na ng bahay at nagpapahinga
Wala ka ng makikita na mag- isang gumagala,

Ang panliligaw ay dinadaan sa harana at pagbibigay ng mga pangangailangan sa pamilya,
Magsing irog ay masayang nag kwentuhan
kasama ng buong angkan.

Di pa talamak at konti lang yung krimen noon ,
Hindi nakakatakot at nangagamba na umalis mag isa,
Dahil sa dinadaanan mo alam mong ligtas ka.

Ngayon,Bihira nalang ang masasabing may simpleng pamumuhay,
Halos lahat ng tao sa karangyaan nakasalalay,
mataas ang mga hangarin sa kanilang pamumuhay.

Bagkus ang mga sinawing palad,
palaging problema kung saan kukuha ng pera,
makakain sa araw araw para mairaos ang gutom ng pamilya.

Oo nga't may piso ka sa bulsa ngunit isang candy lang ang mabibili mo ,
Hiindi ka pa mabubusog at di pa kuntento,
Di talaga kasya ang mga sentimo at kailangan
nating magbanat ng buto.

Kadalasang nilalaro ng mga kabataan ay computer games na at mga hightech na gadgets,
Kailan na din sa pamilya ay may nakalaang budget.
Mga batang laki sa makabagong henerasyon,
na napagturingang pag asa ng mas masaganang Nayon.


Ibang iba na talaga ngayon,
madaling araw na may mga chismoso at chismosang kapitbahay parin sa labas,
parang dilat ang mga mata at bibig ay bukas bawat oras,

Normal na din ang tambay na naglalasing sa kanto,
lalo na't may inuman at sawayan sa kabilang dako.

Henerasyon kung saan nauuso ang facebook at ibang social media bilang paraan ng komunikasyon,
Malaking tulong naman kahit papaano wag ka lang
magpapaloko dahil nagkakalat din ang mga fake news at di kaaya ayang tao.

Kapag mag isa ka lang umuwi sa gabing gabi,

hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari sayo
kaligtasan ay talagang di na sigurado,
Talamak na ang laman ng balita puro krimen,
kaya doble ang ingat at mapagmatyag ang iyong tingin.

Ngayon magsisimba ka lang kasi kasama mo ang jowa mo o kaya may barkadang dala
o di kaya gusto mo lang isuot ang damit na maporma,
Parang nag iiba na pati ang pananampalataya,

Imagine kung gaanong kasarap mabuhay noon kesa ngayon pero syempre, nasa tao lang yan, nasa diskarte, nasa desisyon mo sa buhay nasa paniniwala at pagtitiwala mo sa iyong sarili.

Nabuhay ka man nuon at patuloy na namumuhay ngayon,nakaukit na ang mga masasayang alaala dulot ng simple at payak na buhay nuon,

At sa ngayon ipagpatuloy mo lang ang pag susumikap at pag unlad upang makamit
buhay ma pinapangarap,

Bawat minuto at araw may nagbabago,at kasabay ng bawat pagbabago dapat
isipin din natin ang pananaw na positibo.





~Professora Akira~
 
Back
Top