What's new

Niloko ba ako or hinde?

Amiel025

Forum Veteran
Elite
Joined
Jul 10, 2018
Posts
1,601
Reaction
2,493
Points
745
Age
21
So first time ko lang magtanong dito about love gusto ko lang kasi luminaw ang lahat para sa sarili ko HAHAHA.

So here's the story. February 23 2019 naging kami ng ex ko first love ko sya and syempre mahal ko talaga as in and ang dami na rin namin nagawang memories so eto na paikliin ko nalang. November 1st 2019 umuwi na tatay nya sa pilipinas seaman kasi trabaho ng tatay nya then syempre nag celebrate sila ng tatay nya so sa tatay nya muna sya nanirahan(yung tatay nya kase pati nanay nya is hiwalay na and syempre magkaibang bahay na nanay at tatay nya kasi nga may kanya kanya na ring pamilya) then ayun nga so matagal din sya nandun sa bahay ng tatay nya at nung mga time na yon may communication naman kami chat chat lang at call pero hindi na nga lang ganun katulad noon kasi nga hinahayaan ko muna sya para nga makapag bonding sila ng tatay nya ng maigi kasi syempre ilang taon nya rin hindi nakasama pero nauupdate ko naman sya sa mga ginagawa ko. Then eto na nagkasakit ako nung December 20 yata yon at nung time na yon as in hindi ako makapag chat sakanya ng maigi na kahit konting update lang tungkol sakin hindi ko magawa at hindi ko rin masabi na may sakit ako kase ang iniisip ko pag sinabi kong may sakit ako mag aalala sya at masisira ko pa yung happy bonding nila ng tatay nya so hindi ko sinabi na may sakit ako tapos ayun nga nagchachat sya saken bakit daw hindi ako masyadong nagchachat na sakanya kahit konting update lang daw tapos ang lagi ko lang sinasagot sakanya "hinahayaan ko lang muna kayo makapag bonding ng daddy mo kasi matagal kayong hindi nagkasama" then ayun nga medyo nagtatampo na sya. So eto na December 27 medyo okay na ako at hindi ko pa rin sakanya sinasabi na may sakit ako at bigla syang nagchat sabi nya parang tinataboy ko na daw sya ganyan ganyan then may sinabi sya na "wag mong gawin sakin to kung ayaw mong matuluyang mabuo yung nararamdaman ko sa nakakasama ko dito" then nagulat ako sa sinabi nya at tinanong ko sya kung sino yung nakakasama nya sabi nya tropa daw ng tropa nya at sa tuwing may pupuntahan sila or gagala sila ng tropa nya, yung tropa nya is isasama yung tropa nya na lalaki which is yun yung sinasabi nyang parang may nararamdaman sya doon sa lalaking yon and syempre ako naman sobrang inis at dala na rin ng halo halong emosyon sinabi ko na mag hiwalay nalang kami then eto na fast forward. Siguro may 1month na yata nakalipas simula nung nag break kami then lagi nya pa rin nakakasama yung lalaki na yon pero hindi naging sila kahit na may gusto rin pala yung lalaki sakanya hindi ko alam kung nag M.U ba sila nung time na nag break kami pero nakita ko chat ng tropa nya sakanya na silang dalawa nalang nga daw maging mag jowa kasi may nararamdaman din daw sila sa isa't isa tapos sabi nya ayaw nya daw kasi nung time na yon gusto nyang makipag balikan saken hanggang eto na nga 1y na kaming break pero still hindi sya mawala sa isip ko kasi nga minahal ko naman kasi talaga sya ng totoo.


So anong opinyon nyo mga bossing niloko nya ba ako or hinde? Susundan ko ng part 2 to kung may sasagot kasi dalawang tanong ang gusto kong itanong about dito so bali part 1 lang to sana sagutin nyo to mga bossing HAHAHA.
 
For one year. Kung di mo sya makalimutan try mo makipagusap sa kanya for closure. pra kahit mag hanap kpa ng iba or sya di kna mag kakaroon ng problema.
 
Tanong ko lang TS kung ilang taon na kayo pareho? Hehehe.

Pero sa tanong mo, obviously yes. Regardless kung naging sila ba or hindi, the fact na sumagi sa utak niya na mafafall siya sa ibang lalaki habang may bf siya is betrayal na for me lol.
 
That time na nangyari yun is 17 ako and 15 lang sya HAHAHAHA mga bata pa kami eh salamat sa sagot mo boss
 
Ganyan talaga boss pag may kaibigang lalake or sabihin na nateng nakakasama niya pag wala ka
Matik na linyahan nyan is "Ako nalang kase"
Saken den nangyare yan like yun na pala yung sign na nagkakagusto na siya sa kaibigan niya then suddenly nalaman ko nalang nagdedate na sila
Wala kang magagawa kase LDR kayo right, di ka pwedeng pumunta don para ipagexplain mo sa kanya yung nangyare
So kung magmamahal ka make sure kapit bahay lang or kabilang kanto
Walang successful na ldr sa murang edad haha
 
Hindi naman kami ldr boss pero hindi rin naman kami magkapit bahay 2.3 km ang layo ng lugar ko sa lugar nila. Salamat sa sagot mo boss
 
Para sakin kuya, satingin ko nung kasama niya yung lalake naalala ka pa din nun kaso tumindi lang kasi akala niya di mo siya pinapahalagahan, ayun mas nanaig yung pagka marupok nung babae kaya natempt na sumama nalang dun sa isang lalake, both naman pong mali, kasi hindi siya naging faithful talaga, at ikaw po di talaga nakapag update (kahit sabihin natin na inisip mo lang yung satingin mong mas okay), nawalan po ata ng communication kaya ganun, pero cheer up po kuya, baka hindi lang talaga kayo nakatadhana
 
Para sakin nasa sa'yo yan hahahaha depende po master as long as may closure pa pwede pa yan, tas if ever may jowa na sha then wag ka muna makipag balikan mag masid ka muna if worth it bang balikan sayang pa naman 1 year niyo.😂
 
Sa tanong kung niloko ka ba niya or hindi, sya lang makakasagot nun.haha anyways if nung time naman na magjowa pa kayo at nakikipagkita sya sa ibang lalake is acceptable naman as long as may boundaries at hindi sila lumalagpas dun. Kung sa tingin mo ay niloko ka nya then I think it is better to move on. Khit ano naman ang sabihin ng ex mo andun pa din yung doubts since may judgement ka na at di na mawawala na may duda ka na. Bata pa kayo enjoy life muna madami pa kayo makikilala na magpapangiti na lang sa inyo pag naalala mo ang nakaraan. At kung willing kayo magcompromise pwede nyo naman pagusapan kung worth it pa rin ba kayong mgkabalikan at yan ay kung mahal nyo pa din isa't isa.
 
Para sa akin hindi po ako naniniwala sa "baka hindi talaga Naka tadhana"
Kasi una sa Lahat Tayo ang gumagawa ng tadhana natin, Tayo ang mag dedesisyon kung ano ang Buhay na gusto natin, Marating o MATUPAD!

Wag natin i-asa sa tadhana ang Buhay na Meron tayo, Kung Mahal mo talaga Gagawa ka ng Paraan para mag kaayos kayo Diba!?

Tayo ang Gumagawa ng kapalaran natin, Sana Makaisip po ikaw ng magandang paraan T.S, and hope mag kaayos na kayo,

Kaya mo yan ts 😀 At Sana all may Jowa AHAHAHA dejk lang po 😂
 
Sa tanong kung niloko ka nia, sa tingin ko hindi. Kasi kung susumahin, hindi naging sila nung kayo pa kahit na mag MU pa sila. Ayaw ng babae na masira kayo, ganyan ang babae minsan gusto nila talaga nag aupdate tayo sa kanila sa nangyayare sa buhay natin, accept the fact na praning sila 😂✌️ kaya pag sinabi mag update, mag update ka pa rin talaga kahit may sakit ka pa. Ganyan ako dati, nung hindi ako nakapag update, ayun may ibang nag update sa kanya 😂🤔 pero we both know that it's not working so we decided not to continue anymore.
Sia nga pala lods, try mo sia kausapin, sabihin mo kung ano nararamdaman mo now and para rin sayo yan, para mawala ang agam agam sa loob mo. Ipagtapat mo nararamdaman mo lods ganun. Kasi there's always a 2nd chance. Ika nga nila, "take the risk or loose the chance." ✌️ Basta gawin mo yung hinding hindi mo pagsisisihan.
 
[XX='PHC-EXERCISE, c: 1306257, m: 1407305'][/XX] naniniwala din ako na hindi ang tadhana ang kumokontrol sa tao pero opinyon ni boss namiii yun kaya respect pa din. Salamat sa iyong sagot boss
 
Yan din nasa isip ko boss eh gusto ko nga focus muna ako sa sarili ko at sa mga ginagawa ko at kung may nararamdaman pa rin sya saken kahit may taon na rin ang lumipas bahala na ang mga sarili namen HAHAHA. Salamat sa sagot mo boss
 
Maganda naman intensyon ko sakanya at ganun din naman sya saken. Pero tama yung sinabi mong bata pa kami NOON pero legal age na kase ako ngayon HAHAHA salamat sa iyong sagot boss
 

Similar threads

Back
Top