What's new

Closed Ngiti

Status
Not open for further replies.

PHC-Jenny16

Forum Veteran
Joined
Feb 13, 2017
Posts
1,629
Reaction
2,439
Points
687
Nagsimula lahat sa isang ngiti,
Ika'y napadaan sa aking harapan ng naka ngiti.
Napukaw ang aking atensyon sa iyong pagdating,
Ang puso ko'y walang tigil sa pagpintig.

Nakukumpleto mo ang bawat araw ko,
Sa iyong simpleng ngiti lamang mahal ko.
Walang pagsidlan ng saya ang puso ko,
Ng iyong sabihin ako ang dahilan ng iyong ngiti.

Hawak mo ang aking kamay,
Kitang kita ko sa iyong mukha ang saya.
Ang iyong mata'y nagniningning,
Sa aking paningin!

Mahal ko anong sayang dulot,
ang makita ang bawat ngiti mo.
Hindi magsasawang ika'y pagmasdan,
Sapagkat ikaw lamang ang tinatangi ko.

Lumipas ang buwan at taon,
Pinaghiwalay ng landas ng panahon.
Hanap hanap ang iyong ngiti.
Hawak ang larawan nating naka ngiti.

Ika'y bumalik sa ating bayan,
Ng iba na ang kahawak kamay.
Anong sakit makita ka,
na iba na ang dahilan ng iyong pag ngiti.

Isang ala ala na lamang ang mga ngiti mo,
Na nakaukit na sa puso ko.
Ganun pa man masaya na rin ako,
dahil hindi nawala ang ngiti sa iyong mukha mahal ko.


Spoiler contents are visible only to Established Members.

Created by: Sweetbaby08/Mhine_08/PHC-Jenny16
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top