What's new

Need some advice paano po makakapag aral ulit sa siteasyon na hinaharap kopo

Raiji55

Grasshopper
Joined
Apr 9, 2021
Posts
5
Reaction
4
Points
13
Hi, need kopo ng advice. Ganito po kasi iyon.

2 years ago nag aral ako sa isang private na school for grade 11. Then after a month matapos mag start yung klase naaksidente parents ko.Dinapo ako nakapagparamdam sa school kasi inaasikaso po namin gastos sa ospital na 500K din po.Then pinatawag po ako sa school, sinabi kopo sa principal yung totoo, pinagbigyan po akom Then di nanaman po ako nakapasok and I want to drop na kasi financially nag struggle po kami. Then pinatawag nanaman po ako ng principal na papuntahin parents ko at ida drop nako tas magbabayad pa ng 18K kahit may voucher po ako non.Then sinabihan po ako ng isa kong teavher noon na may choice ako na bawiin yung grades ko kasi bagsak lahat or mag drop out magbayd, or dina magparamdam. Sinubukan kopo ulit kausapin principal pero wala na daw po talaga. Di nalang ako nagparamdam sa school and inasikaso po magtrabaho sa isang comshop tapos unti unti nabayaran utang sa mga pinag utangan po namin sa ospital. Then last year nagka pandemic nawalan poko trabaho ang hirap mag apply.Pero bumuti napo kalagayan nina mama (inampon lang po ako ng dalawang bisexual) and now gusto kopo mag aral ulit. Sasamantalahin konapo sana habang lumakas po ulit sila. Kaso takot poko pumunta dun sa school kasi 18K ngapo utang(na policy nila na babayaran mag drop man or bumagsak)wala papo ako pambayad.Naalala kopo form 137 ko is nasa dati kopang school sa junior high school.Pwede napo kaya iyon para makapag aral ulit kahit umulit po ng grade 11? Sana po may makapag advice saken.Gustong gusto ko p makatapos para bago man po tuluyang mag 90 nag ampon saken maka graduate po ako at maging proud sila saken.Salamat po.
 
Una wala ka namang masamang ginawa or NAGAWANG di tama sa paaralan mo para magkaroon ka ng doubts or hiya bumalik. isipin mo kaya ka nawala at napabayaan mo pagaaral mo is dahil sa magulang mo na mas KAILANGAN mong unahin at asikasuhin. SILA ang mas dapat NAMAN talagang I prioritize dahil ang pagaaral pwede mong BALIKAN yan. Eh ang magulang? di mo na maibabalik yan kapag nawala na ang magulang natin.

Go lang boss wala kang dapat ikatakot o ikahiya or mabahala. Tuparin mo pangarap mo nagyong may chance ka na ulit pagukulan yan ng panahon. 🤗🤟


At magdasal lang at pakatatag 👌
 
Pwedi kayang mag ibang school ka nalang.. If ever may mga hinahanap na documents(birth certificate etc.) pa asikaso mo nalang or ikaw nalang mismo omasikaso. Di ko alam yung policy ng school nyo pero kung pinababayad ka mahirap naman yun kasi sobrang laki tapos eh d pa kinonsider yung nangyare sa pamilya nyo... Try mo hanapin yung parang detailed policy ng school kung baka pwedi mong ulitin yung pagaaral mo ng di nagbabayad..
 
Grabi Naman yan, Nandito po para tumulong gamit ang Master Mention Ko, joke lang 😆

Kaya NyO po yan always pray lang po 🙂

Need mo ng advice,🙂


Introducing mga walang jowa Pasok HAHAHAHA


Ephy


Lyrae taken na po ito, Ako jowa nito 🙈 ahaha

Jen21Quinn




jiwookimna




Keryu


plk


PHC-Ssamu




C 0 V 1 D




suxishi




Kinji rareta




PHC_Jayvee




Rebmal




CyberCrusaderz


moondhie


Nobu




PHC-BlackRose_08




kokoula




blackroseee




marshmxllowfluff




PHC-FREENET EHI




the_flash




arsenal1205




ICE Coffee




Sinandomeng99




Bags Rakenrol




TitaKrissy




Task_Failed_Successfully




PHC-Exercise




Mugiwara0811




PHC-Ganyu



The Great Unknown

C 0 V 1 D




Wreck_less




Need Advice, Saktong Sakto Po kayo 🙂
 
Wait pano ka nakapag enroll kong wala kang pinasang form 137? Temporary enrolled ka ba? Pwede ka namang mag enroll ulit sa ibang school since di mo pa naibibigay yong form 137 sa bago mong school (which is yong private). Uulit ka ulit sa grade 11 pero pag hinabol ka ng school deputy nyo mahihirapan ka nyan kasi kailangan mo munang iclear yong record mo sa kanila.
 
Yes po, nasa school kopapo ng junior high school yung form 137 ko po, and sa pagkakaalam kopo hindi yung makukuha ng walang request po sa school na pinasukan, what if po pumunta ako this month ng balak kong pag eenrollang school tapos po sabihin din po nangyare? Ang hawak ko lang po ngayon is yung PSA ko po na halos kakakuha kolang din po.Bali ang nasa iniwang Senior high school kolang po is yung Card nung junior high, NSO(kasi pwede papo iyon dati) and Good Moral. Yun lang po hawak nung private school po
 
Yun po inexplain ng dating teacher namin samen, na ganoon daw po kahigpit sa school na yon. May nauna pong nag drop bago saken kaka simula palang po ng klase noon kasi pupuntang new zealand, and same case nagbayad din po ng 18K pero sakanila walang problema kasi mayaman naman po family nila.Ang Hawak ko lang po ngayon is yung PSA ko po, and yung form 137 mukhang hindi makukuha sa school ng junior high school if walang request ng lilipatang school. Ang hawak po ng dating private school is yung good moral and card kopo ng junior high. If sakali po mag eenroll po ako sa public school this month, ikwento po nangyari,macoconsider po kaya nila? and sila nadin po magbigay ng request form po ba yun para makuha po ung form 137 kopo sa jhs ko na school?
 
Sana nga po, nakakakaba lang po kasi after 2 years susulpot ako ulit tapos baka kung ano sabihin pa nila . Sana may paraan pa,at sana makaintindi yung principal ng dati kong school na yon.
 
Update: may napagtanungan po ako and nagpatulong po siya sa friend niyang teacher.At eto na nga po . Hiningi niya LRN and full name ko po. Eto daw po babayaran ko sa school. Na encode daw po yung voucher ko at mukhang hindi lang 18K babayaran ko. Lalo akong napanghinaan ng loob . 22500+18000 balance ko daw sa school kahit parang hindi naman ako tumuloy mag aral. Ngayon alam ko na bat sinabi sakin nung teacher ko na isa noon bat niya sinabing hindi na ako magparamdam.
USER_SCOPED_TEMP_DATA_orca-image-358320077.jpeg
 

Attachments

Goodluck sayo ts. lahat naman tayo may mga problemang mabigat na pinagdadaanan. be optimistic palagi. kaya mo yan. wala kang dapat ikahiya
 
Wag ka mawalan ng pag-asa TS. Kaya mo yan. Hindi naman sila pwede magbawal sayo na mag-aral kahit di ka nakabayad. Sure ako makakapag aral ka kahit hindi mo pa sila nababayaran. Pero dapat magpa-alam ka sa previous school mo na lilipat ka. Mag promissory note ka kung kelan mo mababayaran or kung pwede hulog-hulogan mo na lang kasi sa panahon ngayon makahanap ng ganyang kalaking amount. Kung di sila papayag may kalalagyan sila sa batas. :)
 
Back
Top