What's new

Need kunting advice.

T O J i

Nöté Deóbfuscâte♎
Elite
Joined
Jul 21, 2016
Posts
11,660
Solutions
8
Reaction
46,038
Points
7,586
Bakit kaya ganun no? May mga tindahan na kapag binilhan natin parang sila pa galit? Hal. Kanina nangyari sakin wala naman akong masamang intensiyon pero nagalit sakin "Bumili kasi ako ng hotdog sa kanila" pinahirapan ko pa daw siya, dapat daw kanina pa ko bumili siguro magsasara na sila,. sobrang tigas kasi ng hotdog kailangan pa palambutin para matanggal, ako namn sabi ko wala kasi ako pera kuya kanina saka si papa kadadating lang. Di ko naman alam na freeze na freeze yung hotdog eh

Sinabi ko na lang sige kuya pancit canton na lang di ako pinansin tuloy pa din sa pagbakbak ng hotdog

Kapag sa iba bumili nagtatampo pag sa kanila, sila pa galit. Kundi lang kami nakikisama hay nako 😑

Nakakasama ng loob.
 
hahaha dapat mas lalo mong inasar. dapat umalis ka nung nabakbak na niya yung hakdok. haha. mali naman siya dun dahil customer is always right. 👍
 
Kung ako nasa lagay mo idol siguru d na ako bibili diyan, kasi pinapairal nung tindero ang kanyang katamaran ayaw nyang i acknowledge na tamad say mas pinili pa nyang sisihin ka. Buti nga may bumibili pa sa kanila e, kung ako talaga nasa lugar mo ngayon idol d na alo bibili diyan kahit pa sabihing kaylangang pakisamahan.
 
Isipin mo nalang boss na maaaring may problema yung tao. O SILA! hindi natin sila PWEDENG sabayan at tama yung ginawa mo. Wala din mangyayari kung sasabayan natin SILA. Parang road rage lang yan hindi MATATAPOS hanggat may ISANG hindi nagpapapigil at mali ang pamamaraan.

Ikaw nalang mag adjust para sa kanila. 🤗
 
Inintindi ko na nga lang kasi, kung sasabayan ko dn yun takte delubyo okay lang sana ako lang maaapektuhan baka pati magulang ko
 
Ganito na lang imindset mo dyan lods. May mga bagay na tulad nyan na wag mo na lang isipin. Pabayaan mo na lang kasi kung papatulan mo o iisipin mo parehas kayong maiistress. Kung hahayaan mo na lang at di mo iisipin edi sya lang stress ikaw masaya ka sa buhay mo 😂. May mga bagay na di na dapat problemahin. Di worth it lods. Think happy thoughts na lang 😁 isipin mo na lang nakadagdag ka sa business nya hahaha
 
[XX='N O T E, c: 1155563, m: 1753351'][/XX] Act as normal lang Kapatid no need paabutin pa sa pamilya mo. Hanggat walang nasasaktan hayaan nalang SILA. 🤟🤗
 
Naranasan ko din to dati, yung kada bili mo galit lagi. Pero kung kung di mo lang iintindihin parang wala lang, yung parang normal lang. Haha
 
Grabe naman yan. Kung once lang ok baka may pinagdadaanan pero kung ganyan talaga mali yun. Kasalanan ba ng tao na wala pa syang pera ng mas maaga kaya hindi agad nakabili.

Dati nung mayroon pa kaming maliit na tindahan meron isang bata napaka kapal ng mukha at bastos. Kahit nanay ko kung kausapan parang kasing edad nya lang. Ang lakas ng boses at bastos lagi magsalita ayun lahat ng tindahan dito ayaw sya pagbilhan.

Paano nalang kaya kung yung bata na yun ang bumili dyan sa tindahan na binilhan mo baka magwala yung nagtitinda.
 
Iwas ka nalang, yun nga lang sabi mo doon ka umiigib at malaki chance na sumama loob naman nyan kapag sa iba ka naman bumili. Pakisamahan mo nalang siguro, pasok sa kanan labas sa kaliwa yung mga salita nya.
 

Similar threads

Back
Top