What's new

Need help sa mga lawyer, attorney, prosecutor or any advice

DestroyThem

Eternal Poster
Joined
Sep 26, 2017
Posts
505
Reaction
79
Points
273
Age
24
Tanong ko lang po kung ano po ang mangyayari sa case na ito.

May isang unlicensed architect po na nasa isang private construction company, nagtratrabaho po siya doon tapos siya po yung gumagawa ng mga plano pero hindi po siya ang pumipirma ng mga plano, pinapapirma niya po sa licensed architect ng munisipyo nila tsaka sa structural engineer and etc. Lahat po ng gawa niya is tama and standard daw po at hindi sub-standard. Pwede po ba siyang kasuhan? Yung may ari kasi company kasi nila nagloko tsaka tinakbuhan yung client and nadamay yung mga employee sa case. Ano pong possible na mangyari? Ang sinasabi ng nagkaso is dahil daw unlicensed architecture kaya kakasohan rin at tsaka may nakita daw na pirma niya sa site visit.

Pwede pong pasagot ng informative way para hindi na po mahirapan sa pagsolve ng case hehe, salamat po
 
yung may kaso yung naka sign and seal sa plano hindi yung unlicensed since wala naman pirma sa mga blue prints, more or less parang draftsman labas nya since may nag approved naman na licensed professionals

edit: pero issue sa hindi pagtapos sa project more or less yung may ari ng kumpanya padin yung liable, yung mga pumirma liable lang kung may defect or issue sa building
 
Last edited:
Kahit unlicensed sya since hindi naman pumipirma hindi pwede kasuhan. Sabi mo hindi naman sub standard. Kahit substandard pa nga yun hindi naman sya yung pumirma, pwede sya idamay pero yung pumirma talaga ang madidiin.


About naman dyan, dapat alamin nyo kung sino ba talaga dapat sisihin. Bakit hindi natuloy, hindi pwedeng accusation lang though maganda din may alam na kayong mga posibleng kasuhan pero mas ok talaga kumausap ng abogado para malaman mo yung tamang gawin. Baka magbintang ka tapos mali naman pala kaya mas ok na kumausap muna ng lawyer.
 
Salamat po sir, kahit na idiin na unlicensed po sir hindi pa rin siya makakasuhan kasi hindi siya ang pumirma di ba po ba? Pero paano po yun kasama sa estafa yun unlicensed and other employees, ano pong possible na mangyari? Yung may ari lang po ba talaga makakasuhan?
 
[XX='DestroyThem, c: 754162, m: 991139'][/XX]
Depende kung mapatunayan na kasabwat talaga yun eh. Kung hindi naman sila kasabwat at yung may ari lang ang may kasalan kunin nyo nalang testigo.
 
Sige po sir salamat po, sir kasama po sa estafa yung unlicensed and other employees, damay po ba talaga sila sa case? Hindi po ba dapat yung may ari lang ng company? Kasi tinakbuhan niya yung client? Bakit po sila nakasama sa case?
 
[XX='DestroyThem, c: 754162, m: 991139'][/XX] since diko alam buong kwento, mga employees hindi naman nakapirma sa contract sa project meaning yung Bossing ng kumpanya ang katransact ng client mismo,

labas na mga empleyado dyan regardless kung unlicensed pa yan since ang issue naman is si Boss nangako kay client na gagawin yung bahay or building depende nalang sa terms na napag usapan nilang dalawa.

kumbaga inutos lamang sa mga tauhan na gawin mga required docu na needed para sa permits at naprovide naman ng pirma from professionals kaya wala namang problema dun at dumaan naman sa processo sa mga building officials

ang kaso tumakbo si bossing tangay ng pera ng client na hindi tinapos yung project

maliban nalang kung hinayaan ng mga empleyado na substandard mga materyales na taliwas sa mga nakalista sa plano at dokumento ay maari silang madamay pero kung sumunod naman? yung Bossing lang dapat managot dahil sya yung may kontrol sa pera
 
[XX='DestroyThem, c: 754193, m: 991139'][/XX]
Since kasama sila sa paggawa kasama sila. Either kasamang kakasuhan kung kasabwat or bilang testigo kung wala naman talaga silang alam sa plano nung may ari na tumakbo.
 
meron akong copy nung SUBPOENA nila sir. paano yun sir, tumakbo na yung may ari ng company and hindi na mahanap, nagtatago na. yung mga employees po ba na sangkot ang mapaparosahan kung sakali? or magiging tetigo sila sa kaso? ano pong mangyayari kung hindi sila dumalo sa request? magmumulta lang po ba sila?
 
[XX='DestroyThem, c: 755159, m: 991139'][/XX]
opinion ko lang:
Malabo dahil wala naman sa mga empleyado yung pera,

hindi rin sila mismo yung nakapirma sa kontrata sa cliyente at direct na kausap kundi yung boss

biktima din sila dahil malamang hindi rin nila nakuha yung sahod nila matapos nila magampanan yung serbisyo nila sa kumpanya

yung kaso more on monetary naman ata dahil reklamo ng cliyente hindi natapos at tinakbuhan yung project wala naman atang reklamo regarding substandard/pagbago sa materyales or mga defects, panloloko sa pirma sa mga docu etc

no show sa korte pwedeng multa or kulong kaya kumunsulta nalang sa abogado

mas ok na humarap nalang sila sa korte at ibigay testimonya na wala silang kinalaman at pawang mga empleyado lang sila na biktima din sa sitwasyon

NBI na bahala sa paghunt sa nagtatagong bossing ng kumpanya
 
Hindi ako lawyer pero base on experience ko sa mga ganyang corporation issues, usually tatlo silang mananagot jan yung licensed and unlicensed na architect syaka yung Boss ng company.. Pero para saken ang mangyayari jan Estafa case yan sa Owner lalo kung may binayad na yung client..yung mga employee pwede pa ma abswelto jan kung di naman sila involve dun sa panloloko
 
Studying law, kung hindi man nila mahanap yung tumakbong bossing, gagatasan nila ng pera yung unlicensed architect or any employee na hahanapan nila ng butas. Civil law no ones going to jail, pero delikado yung unlicensed kasi kapag hinanapan talaga yan mayayari talaga yan eh, ang ending uulan ng pera kapag gagalingan ng lawyer nila manggatas ng pera
 
Basi sa statement mo nag loko at tinakbuhan ang client. Anu po ang malinaw na nangyari sa Planu ba, documentation or in a site construction. ? Kung may mali sa planu yung nag sign and sealed kung sa construction nman dahil d na implement ng maayos or may mali sa ginawa ang kampany o contructor ang managot it bases on a contract sign between both parties by client and company..
 
sa ngayon po kasi wala pang batas na nagbabawal pumirma yung tao na hindi naman nya design, in fact maraming nagawa nyan (especially sa munisipyo) pero pinaguusapan na yan ng mga professionals wherein due time ibabawal na ang pag sign and seal na hindi mo naman design.

base naman sa kasong inexplain mo, ikaw na mismo nagsabi wala namang mali sa plans and tinakbuhan yung client.. Depende po yan kung partnership yan at kapartner ni owner si architect (na unlicesnsed) liable silang pareho, kung Sole Proprietorship naman ang liable lang is si sole owner, and kung Corporation naman ang idedemanda dyan is the corporation itself dahil sa mata ng batas ang corporation ay isang individual entity. Hindi ko alam kung paano yung sinasabi mong nadamay yung mga employees
 
I'm not a lawyer or attorney, but the unlicensed architect could be in hot water for practicing without a license.
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top