Need ko lang ng advice mga master. Napaka-positive thinking kong tao naman, pero bakit ganun? may time na bigla nalang akong matutulala at mapapaisip na parang ang unfair ng buhay. dumating ako sa point na kinukumpara ko na ung sarili ko sa iba, na hindi naman dapat kasi hindi naman pabilisan mag karoon ng magandang buhay. Well hindi ko nga rin alam kung may progress bang nangyayari sa buhay ko, ewan ko ba pero feeling ko parang napag-iiwanan na ako. Hindi naman ako ganito dati, pero habang tumatagal pumapasok nalang bigla sa isip ko "T*** I** bakit ganun? bakit ganiti prin ako?" mga kapatid, pinsan, kaibigan, kakilala parang mga walang problema sa buhay (Alam ko naman lahat ng tao may problema) sila may ganito may ganya, ako wala" so pag nakikita ko sila or mga post/my day nila. iniisip ko nlng, "Nice ayos ah, soon ako din dadating din ako sa point na yan" pero maya maya mapapailing nlng ako, tapos matutulala at mapapaisip nanaman na Bakit ganun?
Sana maintindihan nyo. Hahaha (Diba nakuha ko pa mag "Hahaha")
Sana maintindihan nyo. Hahaha (Diba nakuha ko pa mag "Hahaha")