What's new

Help Need advice.

T O J i

Nöté Deóbfuscâte♎
Elite
Pinalaki ako ng walang bisyo, as in alagang alaga ako ng tatay ko, may makitang mali dinidisiplina agad ako, Pero ngayon oo may pagkatarantado ako. Admit ko yun. medyo mahiyain ako sa personal dito lang sa forum ako madaldal. May personality talaga ako na, pag may tao sa paligid ko parang nakafocus agad yung isip ko dun minsan nasama yung loob ko kahit wala namang dahilan kahit wala pa nagagawa yung tao, may naganap kasi sakin na di ko makakalimutan sabihin na natin pinagkaisahan ako sa masakit na pananalita pagpaparinig kumbaga napapatulala na lang ako kapag nangyayari sakin yan, 3yrs nagdusa ako sa ganun na pangyayari. Di alam ng mga kamag anak ko yun, ewan ko bakit ganito ako. Nawalan na ko ng tiwala sa sarili ko, feel nyo yun? Kahit anong salita di na natalab sayo kasi wala naman kakahantungan,tumatagos na lang sa tenga, pansin ko naging sobrang mahiyain na ko as in kapag kakausapin ako di ako makatingin ng maayos, parang natatakot ako baka husgahan ako nito porket ganito galaw ko(baka sabihin nyo, baka sa iba ka nakatingin di ako ganun naiwas agad ako pag may pangyyari na ganun) kaya gusto ko na lang mapag isa, pili lang kaclose ko sa kamag anak ko, kasi feeling ko may awra ako na matatakot yung isang babae, panget ako realtalk sabayan pa ng kulot na buhok edi parang africa 🤣

Hindi na din ako komportable sa matataong lugar, sa simbahan, kahit sa jeep struggle ako, di ako makatngin kung saan saan isang diretso lang, napagkamalan pa ako minsan na may balak sa kaharap ko hiyang hiya ako nun. Ewan ko feeling guilty kahit wala naman ako ginagawang mali

Dagdag pa sa kabilang bahay. Kung saan nandun yung iba kung pamangkin puro babae, yung isa sa kanila ilang din sakin :(

Bdkit ganun?

Any advice.
 
Parang nadala ako sa sinabi ng tatay ko sakin, Yung ugali ko kasi eh, pag ayaw ng tao sakin, ayaw ko din sa kanila ganun lang yun. Salamat sa advice hopingmafix ko sarili ko someday <3
 
Why would you fix yourself?
There's no fixing that's needed to be done ❣️
As long as wala kang masamang ginagawa, walang problema don ang problema nalang ay yung outside world na mapanghusga at mapangahas, wala tayong takas don TS :) gaya ng two gay friends ko, nagopen up sakin, hirap na hirap na raw silang mga "bakla" kung bakit need nila magtago, kung bago need nila maranasan ang mga hirap na dinaranas nila, sinabi ko lang din sakanya na walang mali sakanila, sadyang ang may mali, ay ang lugar sa labas ng lugar natin.

Reality will always barge in, and that is our reality, we live in a harsh and cruel world where it affecta us, physically and mentally
 
aww... ganda ng mga advice nila sayo,"the one's who truly understand you were the once who'd been hurt and broken" :'( wag mo naman sabihin na panget tayo,alam mo yang mga mukha nating yan ang nakakapag produce ng mga magagandang lahi,Papa ko nga mukhang goons okey naman kinalabasan namin magkakapatid :D isipin mo po yung purpose ng existence mo,hindi po para iplease ang ibang tao kundi maging progressive individual and to be your better self for the greater good! ako po harsh childhood po nangyari sakin naging bully magnet po ako nung elementary at nagkasocial trauma pero na survive ko naman. don't overthink po,importante yung good intentions mo madalas po talagang mapagkamalan ng kung anu ano ang mga guys na di mahilig makipag socialized kaya magpractice po kayo makipag kwentuhan sa mga girls,boys,bata,matanda,may ngipin o wala ha haa...:D pagpasensyahan nyo na po ang lola nyo :D :D :D
 
small steps paps, try mo muna small talk paps, actually sa perspective mo lang yan paps na parang hinuhusgahan ka kapag nasa public ka, at kung hinuhusgahan ka talaga, pinapakita lang lang ang pagkatao nila, hindi mo kasalanan
 

Similar threads

Back
Top