What's new

Need advice, pagod na ko

PseuD

Honorary Poster
Joined
Jun 16, 2019
Posts
272
Reaction
470
Points
199
Nasa isang relationship ako ngayon na sobrang extrovert ng partner ko, halos lahat ng mga kaibigan niya puro lalaki at everytime na nakikipag-usap siya (kahit hindi siya kinakausap o pinapansin siya na mismo gumagawa ng paraan para magkausap) nararamdaman ko na parang mas excited pa siyang makausap sila. Clingy siya pagdating sa akin pero nararamdaman ko na parang baliktad yung pagtrato niya, na parang kaibigan lang ako. Hindi ko alam kung tama ba na nagagalit ako o mali talaga mindset ko pagdating sa mga ganoong bagay. Galing ako sa past relationships na sobrang friendly din yung girl to the point na nabasa ko nalang sa account niya na sumasama siya sa ibang mga lalaki ng hindi ko alam. Naranasan ko na din na magamit ng isang babae making me think na mayroong kami pero in the end meron lang palang inaantay na bumalik. After that, sobrang negative na ng mindset ko. Nilamon na ko ng pag-iisip to the point na tinanong ko current partner ko na what if meron siyang kausap, na dini-delete niya lang mga convo/messages para hindi ako magalit. At one time, pinagsabihan ko din siya na sana huwag siyang maging friendly masyado sa iba lalo na sa mga lalaki at nagbigay siya ng assurance pero after a couple of weeks, parang bumalik lang sa dati. Siya ulit nagi-initiate ng conversation sa iba. At ngayon, dumating na ko sa punto na pinagsabihan ko na siya pero never akong nagalit. Sinabi ko na bakit parang unfair tapos ang ending ako pa naging mali, at ako pa nagkaroon ng kasalanan at nagsuyo.

I need your help and advice, hindi ko na kaya. Pagod na ko sa sarili ko.
 
Decide ka sa isang bagay na magpapagaan ng dlbdib mo yung wala kang dinidibdib. Sinabi mo sa thread na pinagsabihan mo na siya pero wala naman nangyari, if mahal ka talaga non di yun gagawa ng isang bagay na ikaka overthink mo. Kung ako sayo par pass na, red flag sa mga ganyan na babae pero nasa sayo pa din if mahal mo talaga. Nakakatakot mga ganyan na babae
 
lods, if kaya ayusin mo/nyo. magtiwala ka lang skanya kase may dahilan kung bakit naging friendly sya sa mga guy. dko sinasabe na paglalandi yon if wla lang pla sknya . if paglalandi mali yon. kausapin mo sya ng maayos na d mo kaya if ganon maghiwalay nlng kayo, ang ending ikaw ang mali sa pagseselos mo. gaya ng sinabe mo sa assurance, make things fair. ok lang naman malugi o malamangan ka but not the part na naloloko kna pala.

Decide ka sa isang bagay na magpapagaan ng dlbdib mo yung wala kang dinidibdib. Sinabi mo sa thread na pinagsabihan mo na siya pero wala naman nangyari, if mahal ka talaga non di yun gagawa ng isang bagay na ikaka overthink mo. Kung ako sayo par pass na, red flag sa mga ganyan na babae pero nasa sayo pa din if mahal mo talaga. Nakakatakot mga ganyan na babae
totoo to. 1st is, nasabihan mo na and wla parin. 2nd is nakakatakot talaga mga ganyang babae. if di mo kaya sumabay sa ganong flow bumitaw kna.
 
nako paps di kana natuto,galing sa pass relationship mo ganyan din ang set up ,girl now a day eh iba na wala na kasi yun stick to one! tayo na lang yata yun nag iisip ng ganun (well wag natin lahatin) millennial na kasi sumabay ka sa agos ,hindi ka plastikan ang pag iiba ng ugali ,parti yan ng growth mo ,masyadong libirated na mga babae ngayon (open minded)
 
bitawan mo na paps dun ka sa pipiliin ka at pinipili kang makasama. Galing din ako sa ganyang kind of relationship back when i was in college sa una nagbabago yan pero in the end di rin talaga mawawala sa kanila yan. Kaya habang maaga pa move na
 
Introvert din ako. Ilang beses din ako nagkamali pumili ng extrovert at pinagsisihan ko sa huli. Hanggang matuto ako na sumakay lang sa agos. I mean pumatol padin ako sa extrovert, pero hnd na ako naglagay ng emotional attachment. Umabot nga sa point na mag bestfriend ung sabay kong pinaglalaanan ng oras (aware sila), at hnd pa kasama sa kanilang dalawa ung may label na na karelasyon ko. It was fun. Pero hanggang doon lng.

Noong huli, naghanap na ako ng magiging partner na mas parehas ng values ko. Similar background, similar social status. Noong una nga e hnd sya attractive pra sakin dahil sa isip ko extrovert lng ang attractive. Pero ayun 7 yrs forward mag asawa na kami at may anak. My emotional state is stable, and at peace.

Looking back, i think nung mga panahon na nasaktan ako, i had it coming. Mali ung mga priorities ko sa pagpili partner, or nag eexpect ako ng bagay na hindi nmn nila "in-advertise" from the beginning. I know its tempting as an introvert na pumatol nlng agad kung sino ung accessible at the moment kasi feeling mo baka hnd ka na makakita ng katulad nya, pero hnd yun totoo.

Btw, ayon sa kwento mo, sanay mang gaslight yan jowa mo. Kahit omit n natin ung unang part ng kwento mo, grounds na yan bumitaw. Toxic yan sa future, guaranteed.
 
Last edited:
Salamat sa advice mga idol. Sinubukan kong pagsabihan siya about sa problem ko sa kaniya, yung real talk talaga harapan. Sinabi ko na okay lang maging friendly kapag barkada kasi kilala ko mga barkada ko and halos lahat ng barkada ko/namin is may mga sari-sariling partner na din. Nag-decide siya na layuan yung mga barkada namin kahit sinabi ko naman na okay lang pero yung ibang mga lalake na hindi ko/namin kabarkada siya pa din unang pumapansin/nakikipag-usap. Mostly is mga kaklase niyang lalake at mga nakakalaro niya sa mga online games na nilalaro niya. And then nabasa ko din isa sa mga chat niya na nakikipaglaro siya sa isang lalake at siya pa mismo unang nag chat dun ng “i miss you” kahit almost a month ng hindi nag-chat sa kaniya. Mukhang bounce na talaga dapat kasi sobrang bigat sa loob kasi what if may mgaka chat pa pala siyang iba na auto delete agad sa mga messages/convo para hindi ko mabasa. Naka login messenger niya sa cp ko kaya nagno-notif oras oras na madaming natatanggap na messages. Pero try ko muna tiisin mga bro, if tuloy pa din siya sa mga pinagseselosan ko. Di na talaga siya para sa akin.

Btw, ganun pa din rason niya. Friendly daw siya na type ng tao at pangit daw kapag hindi siya pumansin kahit di naman siya pinapansin.
 
prangkahin mo, mag usap kayong dalawa, open mo nararamdaman mo sa kanyan. sabihin mo lahat ng mga maling gawain niya na ayaw mo. sabihin mo gusto mo bang ganyan din gawin ko sayo? ganun.

pero wala eh babae sila, sila laging tama, kahit tama ka eh ikaw pa magiging mali.

medyo risky na para sa akin yang ganyang babae. pero try mo muna ayusin/ kausapin
 
Paps ganyan dn ako kilala natin ung sarili ntn di natin kaya ihandle yung mga ganyan kung hindi nya kayang tigilan yun it's better for you na mkipaghiwalay na lng in the end sarili mo lng mhihirapan mas maganda makahanap ka ng taong di ka mag ooverthink at ipaparamdam sayo na ikaw lang talaga at kasi the more na i open up mo yung sarili mo sakanya di niya maiintindihan idadaan lng nya sa galit
 
Naku pag ganyang babae, bitawan mo na yan TS, gf mo hindi na masaya sayo ganon lang yun, sus lalaki pa naman barkada niyan imposible walang inuman na maganap magisip isip kana ts.
 
Huwag mo na pahirapan sarili mo paps. It looks like mas masaya sya sa barkada nya and parang ikaw ang extra rice nya or side dish.
Before ka lamunin ng toxicity na yan kumalas ka na.
 
ok napo kayo tol? introvert ka patol ka sa exovert mukhang delikado yan disadvantage sa exovert kase exovert may tedency hilig sa gala at party ending wala sya pakialam sa yo like na yair sa grandparents ko ang lolo is di hilig sa friends ang lola is hilig sa party libing mga kasal mga party related
 
ok napo kayo tol? introvert ka patol ka sa exovert mukhang delikado yan disadvantage sa exovert kase exovert may tedency hilig sa gala at party ending wala sya pakialam sa yo like na yair sa grandparents ko ang lolo is di hilig sa friends ang lola is hilig sa party libing mga kasal mga party related
Overthink malala pa din talaga. After mapag-usapan yung pagiging sobrang friendly, ako pa nagiging guilty kasi para ko siyang kinokontrol. Hindi siya makikisama ss iba pero after ng ilang araw balik na naman ulit sa dati. Mago-overthink ka talaga ng sobra kasi sobrang dali lang siyang i-approach ng mga lalaki. Kahit hindi siya pinapansin, siya pa unang papansin.
 

Similar threads

Back
Top