What's new

Need advice may anak kame

jkhalifa420

Addict
Joined
Apr 24, 2020
Posts
24
Reaction
1
Points
69
Naghiwalay kame ng jowa ko. Dahil nawalan siya ng time tapos panay cp lang nung naguwi. Kaya nagalit ako dun na nagsimula lahat. Pero after a week nalaman ko n may kaladian at iniputan na ako. Pero gusto ko padin makipag balikan. Pwro ayaw na daw nila hayaan ko daw muna siya. May anak po kame at ayaw ko masira pamilya namen. Gusto ko magkaayos kame. Nagkakausap naman kame pero Yung normal na lang. Madame din kasi siya problema. Salamat po
 
Check out the root cause of the problem between you two. Baka naman kasi may pagkukulang kayo both? Need nyong ipanatili ang spark ng relationship nyo to make it work. It is a partnership po kasi kaya need both mag effort. Baka naman kasi magaling lang kayo at first at di na sustain?

Just like what I always give as an advice here. Need nyo mag usap nang masinsinan, like sabihin mo sa kanya na need ninyo malaman ang feelings nyo talaga kasi may bata ng involved.
 
Last edited:
Base sa sinabi mong panay cp eh baka doon palang meron na syang ibang nakakausap. Normal yan kapag nahanap nya sa iba ying pagkukukang ng isang partner. Isipin mo kung saan ka nagkamali. Tutal may anak kayo bakit hindi mo kausapin ang mga magulang nya at magulang mo para magjarap at mapagdesisyunan yang ganyang bagay kailangan nyo ng mas maiging payo mula sa inyong mga magulang in both sides. Di mareresolba yan ng kayong dalawa lang kung ayaw na ng iyong partner comfort lang ang maibibigay naman at konting advice dito pero mas maigi kung both sides nyo ang mag usap usap para mas maintindihan lahat ng yan.
 
tama ka lods magulang nyo parin ang mas makakatulong sa inyo higit sa lahat dahil mas madaming magulang ang di kayang tiisin ang anak lalo nat may apo na sila dito laging isipin ang ikabubuti ng bata wag sarilinin ang problema dahil diyan nauuwi sa depression ang isang tao at truama sa bata
 
Run away fast buddy. Get the hell out of that toxic relationship. Get the kid then go where your jowa will not bother you.

But before that, try to resolve the issue with both of your parents, mate. Btw, the kid is yours because your not the one who commit the unlawful act. Like the line of Shernan against Hazky, "may pagkukulang kami sa isa't isa, pero ang pagkukulang na yun di ko hinanap sa iba." Boom! ✌️
 
Sakin ay ganito..

Una, wala na siyang panahon para sa inyo ng anak mo. Ibig sabihin, hindi ka na niya priority, pati ang anak mo. Para sa akin, irresponsable siyang haligi ng tahanan.

2nd, may kalandian siya at iniputan ka na sa ulo, sabi mo. Pagtataksil yun, hindi ba? Hindi siya naging tapat sa pangako niyo sa isa't-isa noong mga panahong punong-puno pa ng kilig ang nararamdaman niyo.

3rd, "Hayaan mo daw muna siya?" Kalokohan yun. Dinidispatsa ka na niya at itatapon na sa basurahan, kasi may nahanap na siyang bago.
"May problema siya?" Nagdadahilan na lang yun. Bakit hindi niya ibahagi sayo ang problema niya at pagtulungan niyong maresolba. Partners kayo hindi ba? Instead, naghanap siya ng ibang makapagpapasaya sa kanya.

4th, jowa mo siya. Ibig bang sabihin hindi pa kayo kasal? Walang legal na kontrata. Kaya madali pa sa kanyang idispatsa ka. Gusto mong makipagbalikan para sa anak niyo? Yun e kung ganun din ang gusto niya. Pero wala ka nang magagawa kung gusto na niya talagang makipaghiwalay. Magpatulong ka na lang sa mga magulang mo sa pagpapalaki ng anak niyo. Magpakatatag ka para sa anak mo.
Kung babalik man siya at magsisisi sa mga kasalanan niya, at handa ka pang tanggapin siya, dapat niyong pagusapan nang maigi at masinsinan ang mga bagay-bagay.
(please take it with a grain of salt.)
 
Para sa akin rin talaga is ultimate relationship-breaker kung hindi priority ng partner ko yung anak namin. Like okey lang kung mawalan tayo ng spark pero yung mawalan ka na rin ng pake para sa anak natin is just 🤢
 
[XX='kalykhel, c: 1254532, m: 677793'][/XX] Omsim paps. Kaya kaoag ganyang problema dapat talaga alam ng magulang both sides.
 

Similar threads

Back
Top