What's new

Help Need advice for Printing Biz

renxzen20

Addict
Established
Any tips kung anong best and afforadable printer, best brand ng photo paper/special papers para sa mga invitation, laminating machine at film. Nagbabalak kasi ako magput-up ng printing at laminating for some extra income. Nawalan nanaman kasi ng trabaho dahil sa current situation natin. Sana po may makatulong, ang dami kasi brand ng printer at model, at kung anong klase ng papers best sa quality at affordable. Thanks po mga lods in advance.
 
Ako Canon talaga gamit ko PIXMA iP2770 mura lang bili ko dyan dati (8years na namin gamit yan)
..ngayon nagmahal na mga printer. ewan ko lang kung may available pa nyan.
Madali lang gamitin yang Printer na yan, madali ring palitan ng Cartridge.

-about sa Printer..
Dapat at least dalawa printer mo. tapos yung isa may Scan (dagdag din sa kita yang Scanning)
para pag dalawa di masyado gamit sa isang araw ang printer mo.

then dapat pag nagprint ka laging naka HIGH or BEST yung Settings ng printer para tumagal ang Cartridge mo. (Cons. nya pag naka high settings.. Mabagal sya magPrint, kaya mas okay kung dalawa printer mo)

then dapat alam mo mag troubleshoot ng Printer mo, lam mo rin magpalit ng Cartridge.
(Napag aaralan naman lahat yan.. nood ka lang sa YøùTùbé)

para makatipid mas okay kung naka Continous INK na ang Printer mo.
Dapat pag aralan mo rin yang pag convert.

-about sa Photo Paper Kodak nagustuhan ko kasi may texture sya.. yun lang mahal compare sa iba.
-about invitation wala ako maisasuggest sayo hehehe
-about Lamination.. malaki kita dyan..

karaniwang laminating machine na mabibili sa Online ay QUAFF A3 ayos na yan nasa pagaalaga lang para tumagal
-about sa pag aalaga ng laminating machine.. dapat laging may takip yang laminator mo, para di mapasukan ng dumi yung loob.

-about sa laminating Film naman yung 250 microns na para makapal na.
pero nasa sayo yan if gusto mo yung manipis 125 microns.
-if bibili ka ng laminating film, mas makakatipid ka kung naka roll na bibilhin mo. yung 12inches

NOTE: if dalawa bibilin mo na laminating Film (125 and 250) medyo delikado. kasi minsan dyan nasisira ang laminating Machine/Laminator, dahil nakakalimutang iadjust yung TEMP . naka set up sa 250 which is naka Max yan. tapos ang isasalang ay 125 Microns, ang ending mag jajam yun dahil nalusaw yung film.

need mo rin dyan sa laminating business mo
-paper Cutter
-then puncher yung 3in1 (oblong . Circle, edge)

tapos yung iba sa mga customers mo na rin malalaman kung ano pa kulang dahil may hahanapin mga yan.. hehehe
 
Last edited:
many thanks po sa advice, nakabili na ako printer bago ko ito nabasa. Pero so far ok namn. Epson L3210 continues ink na din, kelangan ko pa ba lagyan ng ink waste tank ito at ano disadvantage kung ang gamit ko lang ay yung orginal nyang ink waste sponge? Salamat ulit
 
opo , mas okay kung lalagyan mo ng ink waste tank ..para iwas sa "ink absorber full" for canon sa Epson naman ay Ink Waste pad ata tawag.. pero matagal naman mapuno yan.. if ever na mapuno sya need mo sya ireset .. marami na tut sa YøùTùbé kung papaano at pati na rin magpalit ng ink pad.

sa printer na binili mo mukhang mahirap e-reroute yung ink hose papunta sa external waste ink bottle na ilalagay mo.
mukhang marami kang babaklasin dyan. but im not sure baka sa likod ma access mo na yun.
1645060401484.jpg
 

Attachments

Similar threads

Back
Top