- Joined
- Apr 7, 2017
- Posts
- 1,310
- Reaction
- 21,120
- Points
- 2,853
- Age
- 23
Ang smart sim ko ay nakasaksak sa ZLT-S10G na lte router. Nung unang blocked ng sim ko, sinaksak ko sya sa dekeypad kong cp para mag-ROAM ON/OFF. Nakatatlo akong ROAM ON/OFF Trick para maunblocked sim ko sa smart. Nung apat kong attempt na mag-ROAM ON/OFF, di na sya gumana. Kinabukasan, tumawag ako sa Smart CS. Nireport ko na di ko mabuksan yung data ko. Di ko sinabi nag-VPN na no load tapos sinabi ko na may load pa ako ng STORIES299 nun na malayo pa yung expiration. Sabi ng Smart CS na maghintay daw ako ng 72 hours kung mabubuksan yung data. Kahit di ko sinabi na nag-VPN ako, sabi ng CS, nadetect nila may ilegal daw aktibidad sa no. ko. Mga tatkong araw nakalipas, saka lang ako nagpasa ng mga dokumento na hiningi nila. Dalawang araw nakalipas, umaga, tumawag ako sa CS ng Smart, sabi nila na di na nila mababalik yung data ko pero nung tanghaling yun, nakareceive ako email na active na yung smart no. ko. Bumalik nga talaga yung data ko. Ngayon, di na gumamit ng no load VPN sa no. na to.
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Last edited: