What's new

Naranasan nyo na ba matraydor ng taong tinulungan nyo?

Status
Not open for further replies.

MaryPalmer

Grasshopper
Joined
May 24, 2022
Posts
11
Reaction
5
Points
10
Six months ago, meron akong mga inimbita dito sa phcorner. Meron akong inalok na pagkakakitaan, madali lang gawin at ang kita, malaki. Tinuruan ko sila kung paano gawin, inalalayan at sinagot ang bawat tanong nila para sila ay makapag trabaho at kumita online.

Dahil sa kaunti pa lang kami at nangangailangan ako ng mas marami pa pinag invite ko yun isang kasama ko ng iba pang makakatulong namin. Ilang araw pa nasa 15-20 na kami.

Naging mabilis ang pasok ng pera, sa isang lingo pa lang namin, nasa P100-150k na ang kinita ng grupo. P30 lang dyan ang napunta sa akin, naging patas kasi ako sa pagpili sa kung sino ang mga mananalo sa araw araw. Kumita kami sa pacontest na to at sa akin itinalaga ang pagpili.

Halos 2 lingo ang lumipas, meron nagreklamo, na hindi daw ako naging patas sa pagpili. Nakapagpaliwanag ako pero nawalan ng tiwala ang nagbibigy sa amin ng pera, natigil kami, pansamantala.

Ilang araw ang lumipas, nakahanap ako ng bagong proyekto, inimbitahan ko ulit sila, kasama yun nagreklamo, kako kalimutan nalang ang lahat kasi pare pareho lang naman kami nangangailangan ng pagkakakitaan.

Naging maayos naman ang lahat, at ako na ang naitalagang lider ng grupo. Nadagdagan ang trabaho ko: CEO, manager, supervisor, quality assurance at ang main responsibility namin. Sila? Walang nadagdag. Kaya natural lang namn siguro na taasan ko parte ko diba? Kung dati meron kaming pacontest na iilan lang kumikita ang ginawa ko basic pay para sa lahat at bonus para sa mga nag eeffort tlaga.

Dito na nag umpisa na magkaroon ng mga backstabber sa grupo. Lalo pa ng yun isa sa mga kliyente namin hindi pinanindigan ang amin pinag usapan. P130,000 ang balanse nila, P70 lang ang naibigay kaya akala nila masyadong malaki ange napupunta sa akin na kahit magpakita ako ng ebidensya, tuloy tuloy ang paninira nila ng patalikod.

Nawalan ako ng gana lalo pa ng sinabi ng isa na dapat pantay pantay ang bigayan kagaya ng dati. Paano magiging pantay kung 1 lang gawain nila araw araw, 5 sa akin? Kaya nitong March, tuluyan ko itinigil at dinisband ang grupo.

Pero hindi pa rin fully ρáíd yun isang kliyente namin na walang isang salita. Ako ang contact, pero hindi ko alam, sinisiraan na pala ako at kung ano anong kwento ang sinasabi sa kanya.

Nawalan ng tiwala sa akin, at dun na sa naninira napagdesisyonan ibigay ang balanse nila. P250,000 balance nila, P100,000 ang naibigay nitong isang araw.

Barya lang naman kung iisipin. Pero dahil dyan ayoko na talaga tumulong sa ibang tao ngayon. Kasi kahit gaano mo pa man yan sila tulungan kung wala ka ng perang maibibigay sa kanila at bentahe sa kanila na ilaglag ka, asahan mo, gagawin nila.

Nilaglag nila ako kasi tinakot sila na walang ibibigay sa kanila kung hindi nila gagawin.

Six months ago, wala silang muwang na meron ganitong pwde pagkakitaan na easy money.
 
Last edited:
Ah parang na feel ko yung naramdaman mo ts. Kahit i ignore mo yung nangyari, pero nakatatak talaga sa isipan na tinulongan mo sila tapos sa huli tinraydor ka o kaya di man lang nagpasalamat sa ginawa mo sakanila.
 
me. pwedeng mag apply? d jk haha. yah. may mga ganyan talagang tao, shs days, di ko malaman kung san sila humuhugot ng lakas para idown o siraan ako patalikod. kaya nilisan ko na rin si school na yon. para maalis ang bad energy ko sa katawan 🥲
 
Eto pa, nalaman ko na yun isa sa kanila, yun unang naging recruit ko na meron 4k followers sa Twitter, at pinagkatiwalaan ko tinulungan ko mapromote, 2 identities pala meron sya sa team ko, meaning DOUBLE PAY nakukuha nya tuwing nagkakabayaran pero ang trabaho nya subpar.
 
yun naging kasalanan mo ts ay sobrang tiwala tapos wala kang auditing sa kanila, tapos may problema yun tao ay nilagay mo pa sa team... anyway mabait ka lang talaga
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top