What's new

Trivia Napag tanto ko lang, kayo ba?

Status
Not open for further replies.

aztroboi16

Forum Veteran
Elite
Joined
Apr 11, 2013
Posts
3,850
Solutions
1
Reaction
1,309
Points
1,018
Totoong nakakaawa ang mga kalagayan ng mga nabaha, lalo na kung wala kang pansamantalang matutuluyan sa mga panahon ng kagipitan.....

Pero....

Nitong mga nakakaraang araw marami sa mga facebook timeline natin ay mababasa ang mga post na kung saan e humihingi ng rescue sa bayan ng isabela at tuguegarao na kung saan e di umano e marami na ang lumulutang na bangkay doon..


At dahil sa mga post na yon e wala akong balita sa tv na pinapalampas, pero nakakapagtaka lang, dahil sa kabila ng pagdaan ng mga post ng kesyo marami naraw naglutangan na mga bangkay, e maririnig mo sa mga news na iilan lang ang patay, let say sabihin natin na hinde pa natatagpuan ang iba, pero malaki ang pagkakaiba dun sa mga post sa facebook dun sa binabalita sa tv..


At kasabay ng post yon e biglang makikita mo yung mga post ng mga pinaghihinalaang mga NPA na kinukwestyon ang pag aksyon ng administrasyong duterte,

Hinde kaya pakana lang ng mga dilawang NPA ang nasabing post?

Di kaya its their stategy na para palabasin na yung nangyare sa YOLANDA e gusto nila palabasin na parehas lang ng nagiging aksyon ng administrasyong DUTERTE dito sa bagyong ULYSIS?? or......


Its their BLOCK PROPAGANDA?? ikaw ano ang say mo??
 

Attachments

Last edited:
I would beleive this shit if there was a physical evidence or at least videos na magpapatunay na mayroong talagang nagyaring ganun. Verbal actions are dangerous especialy if you know how to use it at the right time at the right place. Lets just pray na wala talagang ganun at mas marami pang matulongan mga tao. Kami din ni misis nag donate na ng mga damit, kahit mga damit at shorts lang pero we hope na makatulong yun kahit papanu.
 
Ou nga eh, at ang tanong pano sila
Nakakapagpost ng ganyan kung nasa lugar sila na yun baka mga yan nasa labas kung saan walang baha,may mapost lang ,utak npa talaga eh ,yang nasa pic yung kay leni na may nagcomment halatang fake news makikita mo palang sa name ng twitter potcha kala mo biktima manira lang
 
One thing lang, WAG natin paniwalaan lahat ng nakikita natin sa fb or any SNS. Madaming fake news ngayon, learn to sort them out.

Atsaka bakit ang hilig nating kulayan lahat ng aksyon ng mga tao? Kesyo dilawan pag against sa pamamalakad ng gobyerno?
 
Possible na hindi pa nahahanap ang ibang tao/katawan kaya iilan pa lang ang dinedeklarang patay sa balita pero if you still want to hold on sa notion na black propaganda ang naganap at nag-tatake advantage lang sila sa sitwasyon, e, it's up to you. Karapatan mo namang paniwalaan kung anong gusto mo in the same way na pwede ko rin isipin right at this moment na hindi kaya gusto mo lang ipagtanggol ang administrasyon at hinahanapan mo lang ng butas ang kabila? Parang ganun. Example at joke lang 'to. Do not be offended. Wala naman akong paki sa kabila. Hahaha.

Yung "marami" na sinasabi nila maaaring tama ka na exaggerated pero the mere fact na may nalulunod at namamatay is hard to ignore. Tsaka para sa mga normal na tao kapag nasa mismong sitwasyon ka na at frantic ka, any number na mag-eexceed sa isa na makita mong patay o nalulunod ay tingin mo "marami" na agad kasi it is not everyday na makakakita at makakarinig ka ng nalulunod, humihingi ng saklolo o buhay na mamamatay. Iba ito sa konsepto natin ng "marami" in terms of statistical data. Sana makuha mo/niyo yung gusto kong sabihin. Hahaha. In a way, it is also some sort of strategy para i-pressure at kalampagin ang mga taong deemed to be in charge na madaliin ang pagkilos upang hindi na dumagdag o dumami pa ang biktima at magkatotoo lalo ang salitang "marami".

Isa pa, hindi rin masisisi ang mga tao kung sakaling tumanggap sila ng "peke" (as many seem to be insinuating pero hindi ko sinasabi na ganito rin ang paniniwala ko) na tulong ngayon kasi kailangan talaga nila 'yon sa sitwasyong ito. Hindi ito ang tamang panahon para sa mga kulay kulay na yan. Yung mga totoong biktima at naapektuhan walang oras para mamulitika ngayon. Madalas sa namumulitika yung mga hindi naman talaga gaanong naapektuhan kaya maraming oras.

As for social media posts, hindi naman kasi lahat credible tsaka s'yempre iba talaga ang way ng pagbabalita sa TV kesa kapag narinig mo ang kwento mismo mula sa mga direktang naapektuhan o biktima kasi pagdating sa TV hindi naman napapahayag mismo yung kabuuan kasi "balita" na talaga yun. Pormal, may filters and such na kaya hindi natin gaanong ramdam unlike kapag maririnig mo ang kwento sa mismong mga naapektuhan na experience mismo ang binabahagi. Pero, ayun nga, kung duda ka pa rin talaga even after you have seen and heard the photos, videos and recordings, e, again, choice mo 'yon. Kung gusto mong isipin na staged ang lahat, it is up to you. Para sa akin, nakakasawa kasi ang usaping kulay pagdating sa pulitika. Taong-bayan lang din naman ang kawawa sa gan'yang pag-iisip. Pare-pareho lang silang dapat kumilos ngayon. Ako naman, nag-donate at nagdasal na lang ako. :)
 
Kung ano ibalita sa GMA medyo biased minsan pero malayong malayo sa pagiging bias ni ABS. kaya kung ano ibalita doon yun pinaniniwalaan ko.
 
Paps unang una sa lahat paps hinde ko tungkulin na ipagtanggol ang administrasyon, kundi binahagi ko lang ang aking pagtatanto, kaya nga yun ang naka tittle, aanhin ko pa yang paghahanap ng butas sa kabila ang sinasabi mo kung kahit di ko na hanapin e matagal ng butas sa paningin ng maraming pilipino ahahha..
Well sana nga ganyan ang concept ng maraming politiko na hinde sa panahon ng kagipitan namumulitika, pero kabaliktaran nngyayare..pati politiko napapasana oll nalang sa ganyan concept..kadalasan mas marami silang oras sa pamumulitika kesa pag tulong sa kapwa nila 😅tumulong lang ng konti pinangangalandakan pa, yan ang katotohanan sa larangan ng politika..
 
Naiintindihan kita, Sir. Example lang yung sinabi ko to prove na lahat tayo pwedeng paniwalaan kung anong gusto natin (s'yempre ibang usapin kapag scientific na hahaha). Hindi ko talaga sinasabing pinagtatanggol mo ang administrasyong 'to. I agree with you. Sana mas focused sila sa pagtulong ngayon kesa mamulitika pero wala eh. Sana yung effort nila kapag nangangampanya e ganun din ngayon. Wala eh. Hahaha pero at the same time hindi rin sila (when I say "sila" wala akong tinutukoy na particular party) entirely masisisi kung nag-popost sila ng bawat kilos nila for the sake of transparency kasi kesyo para masabing "may nagawa sila".

Dalawa lang naman kasi lagi ang madalas na pananaw ng tao. Kapag madalas mag-post, nagyayabang, nagpapapansin, nagpapabango at namumulitika. Kapag hindi ma-post, malamang walang ginagawa. Typical mindset yan kaya ang tingin ko para siguro sa kanila mas preferable yung una kesa mapagbintangan nung pangalawa. 😂
 
wag ka nagpapaniwala sa mga post sa social media lalo n yon nagpost eh wala naman talaga doon sa lugar na pinangyarihan parang chismis lang nakautot ka pero yon kumalat na chismis nakaipot ka na..
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top