What's new

Trivia Naniniwala kaba sa relihiyon mo at bakit mo nasabing totoo ito!

Jazzpper

Eternal Poster
Joined
May 18, 2019
Posts
610
Reaction
1,816
Points
441
Naniniwala kaba sa relihiyon mo at bakit mo nasabi na totoo ito base tayo sa history at biblia qur'an!
 
Kahit sabihin natin na may totoong relihiyon, doesnt mean porket kaanib dun maliligtas na, MALI, Nasa gawa ng tao yan, Kung masipag man sa panambahan pero nandun parin yung bisyo awit
 
walang pag aalinlangan,
Al-Hijr 15:9
إِنَّا نَحْنُ نَزَّلْنَا ٱلذِّكْرَ وَإِنَّا لَهُۥ لَحَٰفِظُونَ
“Indeed, it is We who sent down the Qur'an and indeed, We will be its guardian.” Al-Hijr 15:9

Aal-e-Imran 3:19
إِنَّ ٱلدِّينَ عِندَ ٱللَّهِ ٱلْإِسْلَٰمُۗ وَمَا ٱخْتَلَفَ ٱلَّذِينَ أُوتُوا۟ ٱلْكِتَٰبَ إِلَّا مِنۢ بَعْدِ مَا جَآءَهُمُ ٱلْعِلْمُ بَغْيًۢا بَيْنَهُمْۗ وَمَن يَكْفُرْ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ فَإِنَّ ٱللَّهَ سَرِيعُ ٱلْحِسَابِ
"Indeed, the religion in the sight of Allah is Islam. And those who were given the Scripture did not differ except after knowledge had come to them - out of jealous animosity between themselves. And whoever disbelieves in the verses of Allah, then indeed, Allah is swift in [taking] account." Al-Hijr 15:9
 
Share ko lang din ... Kayo bahala kung iki-criticize ninyo yung sasabihin ko ..

Naniniwala ako at kumbinsido akong Saksi ni Jehovah ang tunay na religion .. Bakit?

1. Sila lang ang tanging organization na nakagawa ng isang pambihirang bagay na hinding-hindi kayang gawin ng iba pang organization o religion dito sa lupa kahit pa napakayayaman o napakamaimpluwensiya ng mga ito, gaya ng Microsoft, Google, Facebook o United Nation. Ano yon? ANG PAGTATRANSLATE NG BIBLIYA AT SALIG-BIBLIYANG MGA PUBLIKASYON SA HIGIT 1000 NA MGA WIKA.

Pagkatapos nito ay nakita ko ang isang malaking pulutong, na hindi mabilang ng sinumang tao, mula sa lahat ng bansa at tribo at bayan at wika. (Apoc. 7:9)


2. Sila lang ang tanging organization na masigasig na nangangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos sa ngayon. Katunayan, ang kanilang gawain ay umabot na sa halos 240 na mga lupain. Kahit na pagsalitaan sila ng masama, at insultuhin, at pagtripan pa nga ng mga tao, nagpapatuloy pa din sila sa pangangaral at binabalikan pa nga ang mga tao kahit na hindi maganda ang pakikitungo sa kanila ng mga ito.

At ang mabuting balitang ito tungkol sa Kaharian ay ipangangaral sa buong lupa para marinig ng lahat ng bansa, at pagkatapos ay darating ang wakas. (Mateo 24:14)

3. Nang irevise (rebisahin) ang King James Version noong 2011, bilang bahagi ng pag-alaala sa King James 1611, ipinublish ang isang revised version ng King James kung saan ibinalik nila ang pangalan ng Diyos, "Jehovah”, sa Bibliya. Ang salin ng The Divine Name King James Bible ay isa sa mga nagpatibay sa aking pagtitiwala na ang mga saksi ni Jehovah ay tama sa simula pa lang. Ang King James version ay hindi gawa ng mga saksi but they made a good decision na ibalik ang pangalan ng Diyos sa Bibliya, isang bagay na nagpaparangal sa tunay na Diyos, si Jehovah.

That men may know that thou, whose name alone is JEHOVAH, art the most high over all the earth. (Psalm 83:18)

4. Sila lang ang tanging relihiyon na hindi kayang ibaba ang standard ng Bible. Not to criticize other religions or beliefs, or lifestyle, pero karamihan ng religion ngayon ay sinasang-ayunan ang Homosexuality, maging ang pagsasama ng hindi kasal. Iyan ang isang bagay na hinding-hindi kayang sang-ayunan ng pamantayan ng religion na ito. Kaya maraming nagsasabi sa kanila, "ang dami namang bawal sa inyo.” But the truth is, sinusunod lang nila ang pamantayan ng Bibliya, hindi ng tao kaya ganoon kahigpit ang kanilang paniniwala dito kahit na iba ito sa karamihan.

5. Napakadisiplinado nila at nagkakaisa sila sa pagsamba. Iyon ay dahil sa pag-ibig. Kung mapapanood niyo lang sa YøùTùbé kung paano sila nagpakita ng pag-ibig sa mga tao at sa kanilang mga kapatid noong International Convention 2019, makikita mong posible talaga ang isang mundo na walang pagtatangi. At iyan ang nakita ko sa maga saksi.

Kaya, namamangha talaga ako sa kanilang Diyos, sa aking Diyos, si Jehovah, kung paano niya ginamit ang kaniyang kapangyarihan para maging posible ang lahat ng ito.

.. Magandang araw sa lahat ..
 

Similar threads

Back
Top