What's new

Naniniwala ba kayo sa Premonition?

kanzy101

Eternal Poster
Established
Joined
Mar 5, 2014
Posts
556
Reaction
249
Points
267
Age
40
Naniniwala ba kayo lods?

Makailang beses na kasi akong naka-experience nito.

Ang pinakaunang beses ay nangyari noong October 2014, nakalimutan ko na ang petsa. Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan, kasama ko ang aking mama at ate. Bigla na lang ako nakaamoy ng parang may nagsisindi ng tabako at nawala ang amoy pagkalipas ng ilang minuto. Nakaamoy din yung mama at ate ko. Nagtataka kami kasi wala namang naninigarilo ng tabako sa amin at kaming tatlo lang sa bahay. Medyo kinabahan kami kasi may sabi-sabi ng mga matatanda na kapag may nangangamoy na parang nagsisindi ng tabako ay may kapre daw na dumaan. Kaya ayun binilisan naming tatlo na kumain dahil sa takot. Makalipas ang ilang araw habang nagtatrabaho ako, may tumawag na nurse yung kakilala ko at sinabi sakin na nahulog daw yung mama ko habang nakatungtong sa mesa at inaayos ang decoration sa kanyang room. isang guro sa public school yung mama ko. May nabali daw na buto sa kanyang ribs. Nag-alala ako at tinawagan ko yung mama ko, tinanong ko kung okay ba siya. Sumagot naman siya at sinabing ok lang siya. Nakarecover naman siya pagkatapos ng ilang buwan.

Pangalawang beses. Nung 2016 ata nangyari yun. Nakaamoy ulit kaming dalawa ng mama ko ng tabakong sinisindihan habang nagkukwentohan kami sa sala. Hindi namin pinansin kasi baka may nagsisiga lang sa aming kapitbahay. Makalipas ang ilang araw, muntik nang masagasaan ng motoryung mama ko habang tumatawid sa highway. Nakahinto naman ang driver ng motor pero napatumba niya si mama at konti lang ang impact. Sa pagkatumba niya, nagalusan at nadislocate ang kanyang kanang balikat. Salamat sa Diyos dahil hindi grabe ang kanyang natamong pinsala sa katawan. Nakarecover din siya pagkatapos ng ilang araw.

Nitong linggo lang nakaamoy na naman ako pero dito sa loob ng kwarto ko habang humihiga at nag-iskroll sa fb. Kinabahan ako dahil baka may masama na namang mangyayari sa mga susunod na araw. Sinabihan ko yung mama ko na mag-ingat siya pag may pupuntahan.


Comment kayo kung naka-experience din kayo ng premonition.
 
Last edited:
mag sindi ka po ensenso lalo na sa hapon bago mag lubog ang araw. Dasal narin po.
Hindi 💯% na mapapalayo pero baka maiwasan po maulit ng maulit yan. May kasama kayo dyan di nakikita. Noong kase di pa kame nakalipat ng new house na alala ko sa kwento mo eh. May nakikitang kakaiba at may nanggagaya pa. At may madalas magka sakit. Ganon naman ang akin.
 
not believing such kasi it always involves bad things which is something very mythical

kung meron sana premonition yung good things siguro i could re-think about it
 
hindi, pinoy sya. yung style nya is nostradamus din. haha! nalimutan ko na kung sino. basta lahat ng hula nya kuno is about calamity na mangyayari (sunod,lindol,bagyo). ah ewan basta sya na un, hahaha
Yun bakla ba yan or un babae?
 

Similar threads

Back
Top